planB

39 0 0
                                    

" Be careful with every move you make. Because one tiny mistake will lead to a big mess"

Palpak ako kay Cess anu kaya ang magiging usap usapan neto sa 1st day ng 2nd sem, yun ang iniisip ko bago ako pumasok ng school, pagtitripan kaya nila ako, o pagtatawanan nila ako. Buti naman hindi ganun, hallelujah. Nabilib pa sila sa ginawa kong yun, it was a music to my ears nung narinig ko yun.

Ipursue ko pa kaya yung planB ko kay Cess o should I move on kase alam kong baka magmumuka na lang akong tanga kakahintay sa wala. Eh ang bilis ko ata magmove on, ilang bote lang ng brandy at gin ata ok na ko sa kanya, pero ni isang luha wala akong nilabas sa kanya kahit na mahal na mahal ko sya nun, di ko din alam kung bakit, may pusong bato na ata ako eh.

Mag outsource kaya ako ngayon? Makipagfriendly date kaya ako sa mga high school friend ko. Unang pumasok sa isip ko si Alice. Pandak, cute pero maganda, kind, outgoing, and kutob ko di naman sya boring kasama. Ba't kaya ngayon ko lang narealize na pormahan sya? Dahil ba nagbreak na sila nung longtime boyfriend nya pagdating nya ng college? Siguro nga ganun.

Antagal tagal na din since nung huli ko syang nakita nung high school, mga 5 years na din mahigit siguro. Nu na kaya itsura nya ngayon? Ganun pa din kaya height nya? Ganun pa din kaya sya kaganda o mas maganda na sya ngayon? Best friend nga tawag ko sa kanya nung high school ehh, siguro kung di sya lumipat nun mas close pa siguro kame nun ngayon. Hanggang fb, text, twitter lang kame naguusap minsan di ko pa sya nirereplyan pag di ko sya trip kausapin nun.

Maybe this is the right time na yayain ko siguro syang lumabas at makipagbonding kahit papano. Tumambay kami nila Rico at Steven dun sa tapat nila para magyosi and syempre as usual we will share our everyday stories of what happened in school mga ganun, then tinanung ko sila pre pormahan ko na kaya tong si Alice? Tsaka total antagal na din namin gusto magkita ehh wala lang akong oras nun. Anu kaya diskarteng gagawin ko para magkita kameng dalawa pare? Sagot ni Steve sakin yayain mong lumabas nood kayo sine o kain lang sa labas. Magiging successful kaya yaya ko sa kanya? Sana naman oo. Kung matuloy man yun 1st time kong magyaya ng friend na manood ng sine na kaming dalawa lang, nakakatense baka mamaya pag mag kasama na kaming dalawa magchoke ako. 

I'm so excited with my plan, sana hindi pumalya, patweet tweet muna ako sa kanya, she even asked me about the surprise I did to Cecille, sabi ko na lang wala ehh nafriendzone. Hinahantay ko na lang sya magload para mayaya ko na sya sa isang friendly date, she even gave me her schedule ako na lang bahala siguro kung kelan ko sya yayain. 

It was on a saturday nung nag gm sya bigla, tuwang tuwa ako sabi ko yes nagtext din sya at last. Nasa mall sya nung oras na nag text sya ako naman maglalaro ng dota. Hirap pa ko sabihin sa kanya na kung ok lang manood kami ng cine kaming dalawa lang? Shy type kase ako ehh, nanginginig pa kamay ko ng itext ko sa kanya kung pwede ba tayong gumala ng tayong dalawa lang? Hintay ako ng hintay ng reply hanggang sa sinend ko ulit yung itext, on the way na kame sa shop nun nung nareceive ko yung reply nya LR ka ba? Then I texted back "ata :( kainis naman tong network ko" sumunod naman nareceive ko yung text nya oo sige. Kaboom! Ok lang ba tayong dalawa lang ahh, wala bang magagalit sa kin baka mamaya balikan ako nung ex mo, kakagaling nya lang kase ulit sa break up ehh pero short time lang sila nun. Sabi ni Alice wala wala ok na yun I'm single naman pati so its ok. Kinulit ko sureball ba yan baka mamaya may kasama kang iba ahh. Oo nga, then she asked is this a friendly date? Hmm yes, pero panu kung sinabi kong hindi. She texted back bahala ka hindi naman ako nagseseryoso ngayon ehh. Then friendly date it is reply ko sa kanya. Binalita ko kay Steve yung balak ko, sabi ko pre sana matuloy tong lakad namin, oonti ontiing ko naman muna sya para di nya sabihin na ang sobrang bilis ko naman sa kanya. 

I have 3 days more to prepare for my budget. I only have 300, kaya ko naman makaipon ng mga 400 to 300 ulit pandagdag so makaka 600 or 700 na ko nun palag na yun para sa friendly date na yun sagot ko naman sine ehh mura lang kase 25 pesos haha. Andali dali lang magtipid ehh eh di hindi na ko magdodota pati rockband ng ilang araw. Eh hindi ko natiis naglaro pa din ako, gutom pa ko pati. Pagdating ng Wednesday total pa lang ng pera ko nasa 500 pa lang. Then the day before our date tinext ko si Alice tinanung ko anu pandak tuloy pa ba tayo bukas? Di sya nagrereply so I have to call her. Excited na marinig ang boses. At dahil ang pangit ng reception dito sa lugar namin di ko sya nakausap ng maayos kaya nagtext na lang sya sakin "Chester di tayo matutuloy bukas :("  hala baket? Pero tuwang tuwa talaga ako nung tinext nya sakin yun. May seminar daw syang aatendan sabi ko sige sige ok lang yun dre, may next time pa naman eh. Siguro naman next week pwede ka na ano? Oo naman sabi nya sakin. Naghintay ulit ako ng isang linggo pinagpatuloy ko ang pagsave ng money para sa lakad namin na yun. Di na sya nagtetext pati tweet nagtaka na ko naku baka iniiwasan na ko neto ahh medjo nawawalan na nako ng pag asa na matutuloy pa yung lakad namin. . Ginastos ko na tuloy yung pera ko sa rockband di na umusad yung ipon kong 500.

Wala sa HulogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon