planA

68 1 2
                                    

" I may not be that handsome guy you were looking for, but I can prove to you how much I love you "

Uubra pa kaya mga diskarte ko sa kanya. Yun ang tanung ko lagi sa sarili ko simula ng ako'y lokohin at saktan ng mga naging ex ko. Akala ko nga pagtungtong ko ng college madali lang makahanap ng liligawan yun pala mahirap. Lalo na kung di ka ganun kagwapo tulad nila Daniel Padilla at Justin Bieber. Bwisit life is so unfair.

Hmm sino kaya tong si planA Madadaan ko kaya sya sa bait? Ngayon lang ako manliligaw ng taong sobrang tahimik at NBSB(no boyfriend since birth). Si  Cecille simpleng babae lang sya. Di sya gumagamit ng make up di tulad ng karamihang nakikita ko ngayon  na sa make up lang nabubuhay ang beauty nila. Long hair hanggang hips parang si Princess Bubblegum sa Adventure Time, ang payat pa pati. 

Unang tingin namin sa kanya, lovestruck agad mga kabarkada ko, ako wala lang di pa ko masyado na aatract sa kanya nun. Gusto syang diskartehan ng halos lahat saming magkakabarkada ata I'm not sure. Di ko din inaasahan na pati pala ako magkakagusto sa kanya. Pano ba naman kaseng di ako maiinlove sa kanya tingin ko kase bagay kame para sa isa't isa. Halos lahat naman ng tao ganun sinasabi pag nainlove sila sa isang tao ehh. Tinanung ko muna sila kung ok lang ba ako didiskarte sa kanya. Sagot nila anlandi mo talaga ches! Isa isa lang. Sabi ko naman sa kanila she might be the real deal para sa kin. NBSB, ang bait bait she's different from the others.

Simula nung magustuhan ko sya bili ako ng bili ng chocolate. Pinaparamdam ko na sa kanya kung ganu sya kahalaga sakin kaya dinadaan ko sya pagbibigay ng chocolate. One time nung nasa mall kaming magkakabarkada para magmarket, naisip ko na umamin na kaya ako sa nararamdaman ko para sa kanya. I don't know how to start the conversation kaya inistart ko sa mystery solving. Andami ko munang tinanung sa kanya para malibang sya, hangga't sa umabot dun sa time na kelangan ko na talaga sabihin sa kanya. Saktong timing kaming dalawa lang magkasama sa mesa. Feeling ko nga wrong move tong ginawa ko sa kanya. Sabi ko sa kanya Cess tumatanggap ka ba ng manliligaw ngayon? Sagot nya muna di ko alam eh friends muna siguro, pero kung tungkol sa love yan itigil mo na yan Ches. And then I said luhh di naman ganun agad ang gusto ko lang naman itanung sayo kung tatanggap ka ng manliligaw ngayon ehh. Ang sabi na lang nya di muna ako tatanggap andami ko kasing iniisip tsaka gusto ko muna unahin pagaaral ko pwede friends muna tayo? Sabi ko sa kanya sige Cess ok lang pero paparamdam ko pa din sayo  na nanliligaw ako sayo.  Sige bahala ka. Satin satin lang to Cess ah sabi ko sa kanya. Nga pala Chester tama na yun pagbibigay mo ng chocolates sa kin ahh. Sagot ko hala sige sige.

Even though na ganun ang sagot nya sakin, that didn't stop me kase inlababo na ko sa kanya. Ngayon ako ay nagiisip ng way kung pano ko sya mapapasagot ng instant. And I have an awesome idea. I will prepare a surprise for her. Parang yung ginawa ni Steven sa girlfriend nya. Nainggit ako eh kahit na ginawa sa maulan na panahon mas romantic yung dating tapos may gitarista pa si  Robin yung isa pa naming kabarkada nila Rico. Tinanung ko muna mga friends ko about dun sa balak ko. Sabi nila sakin sure ka ba jan ha? Di pa nga kayo masyado close ehh, porke ba nakakasabay mo na sya paguwi minsan close na yun? Yun ang sinasabi nila sa kin ang sabi ko na lang sa kanila I feel like I'm on top of the world pag nakakasama ko sya. 

At buti naman may mga tumulong at sumuporta sa plano ko. Gagawin ko din yung surprise sa rooftop ng apartment nila Steven. Haharborin ko na din kay brother yung placards na ginamit nya dun sa surprise nya. Si Robin din pagigitarahin ko. Lagyan ko din kaya ng mga kandila para romantic? Wag na siguro rose petals na lang. Then susuotan ko na lang ng necklace. Panalo yun. Ang tanung na lang jan sasagutin ba ko ni Cecille? 

Di ko nga masyado maasikaso yung plan ko kase sobrang busy kaming lahat ng kabarkada ko sa school. May event pa kase na parating 2 weeks to go na lang namin paghahandaan. Ako naman walang sinalihan kaya anjan ako sa tabi ni Cess tumutulong at sumusoporta sa kanya. Ganun ko sya kalove wala akong tinatanggihan pagdating sa kanya, kaya kong iwan yang inom at pagdodota na yan basta humingi sya ng tulong. Then day came. Dance competition kase sinalihan nila. Tinext ko na lang sya ng kinaumagahan kase malelate ako "good luck cess kaya nyo yan >:D<". Kinupal lang ako nung classmate kong gago sya may hawak ng cellphone. Sakto dumating ako pasimula pa lang yung show. Section namin yung unang unang magpeperform. Todo sigaw na lang ako nung oras na yun, at sa pinakita nilang yun mananalo sila o makakapasok sila sa top3. Pagbaba nila sa stage di ko man lang sya nakausap na ang ganda naman ng sayaw nyo kase nilalapitan sya nung kabarkada kong may gusto din sa kanya. Todo tiis na lang ako sa selos nun wala naman akong karapatan magalit sa kanya at pigilin sya kase hindi pa naman kame ni Cess. Now after waiting for almost 8 hours, akala ko goodnews yung maririnig naming lahat, di man lang sila nakapasok ng top3 ang masaklap pa nun nanalo pa yung sayaw na di naman masyado napaghandaan. Grinab ko yung opportunity na yun para icomfort sya. Pero ba't ganun yung kinalabasan napaiyak ko pa sya ang pangit tuloy ng dating. Akala tuloy ng lahat may nasabi akong mali. Sorry naman ako sa kanya sabi nya sakin masakit lang daw ulo nya. Pagkatapos nun pumunta kame sa bahay ni Kris at nagsaya na lang kami kase nakaraos kaming lahat sa event na yun.

Ilang weeks na lang magfafinals na, onti pa lang naipupundar ko para sa surprise, papainom naman na ko samin pagkatapos ng surprise ehh sabi ko sa kanila. Eto pa may problema pa din. Andami pang twist and turn ng plan ko, gusto pa nila sa may Antipolo na lang gawin yung surprise kase may resort daw dun. Ako naman umangal akala ko ba dito na samin prepare na lahat ng kelangan ko gawin sa araw na yun imomove nyo pa yung lugar, sabi daw kasi ni Cess gusto daw nya magouting according to Tina. Sabi ko na lang sige sige tignan ko kung makapagadjust ako. Ako na nagplano ako pa mag aadjust. Kinausap ko na sila Jeron at Kris kung anu na pwede kong gawin gusto daw kase nila sa Bosay ko daw gawin yung surprise. Suggest ng dalawa magdikit daw ako ng post it sa mesa mesa dun sa may kubong cottage, tapos bili ka na lang sa Dangwa ng rose petals. Pumayag naman ako and with a little time left, may problema pa din, nagkakatamaran na yung iba ba't dun pa daw kase kelangan gawin yun, sabi ko akala ko ba dun nya gusto? Biglang tinanung ko si Cess nagyaya ka ba talaga ng Bosay? Sabi nya hindi, kinausap ko si Tina medjo nagtalo pa kame nun. Di ko alam kung isusuko ko na yung plano at magouting na lang kami. Sabi ko itutuloy ko na lang total bibili na din naman ako ng necklace ehh. Kasama ko pa si Paulene pumili ng necklace na babagay sa kanya. Nakapili ako yung may anghel na nakasabit, yun na pinili ko kase yun ang tingin kay Cess mala anghel ang kabaitan.

4days to go. Nagsusulat ako ng mga quotes na pwede ko isulat dun sa post it, at yung mga sasabihin ko sa kanya sa time na yun. Todo effort diba? Onti lang naisulat ko. Bumili na ko ng post it. Pinasulat ko kay Ann yung mga nasimulan ko kase di ko magawa may inaasikaso lang ako sa finals. At malaman laman ko lang na di pala post it nabili ko memo pad hindi dumidikit sa pader. Shit umiral nanaman ang katangahan ko. Pressured na pressured na ko kasi 1day na lang yung preparation na gagawin ko, onti lang yung quotes, so humingi na ko ng tulong kay Steven At Robin. Busy kami maghanap ng quotes sa twitter na pwede ilagay dun sa memo pad. Sayang nga hindi makakasama si Steven kase may lakad sila ng girlfriend nya magouting din sila. Puyat na puyat ako nun di man lang ako nakapaghanda para sa finals ko. Mas inuna ko pa yung surprise ko kay Cecille Silva my heroin. 

Then bago ako matulog nun nagtweet muna ako, "will I be out of the friendzone or not?:)" may nagreply sa tweet ko si Alice, tinanung nya kung ano daw ba tong balak ko. kwento naman ako sa kanya sabi na lang nya sa kin goodluck with that balitaan mo na lang ako.

Then the day came. Naghahabol na ko sa oras. Late na kame natapos sa klase. Kasama ko sila Kris at Ann sa pag setup dun sa lugar. Si Ann nagsalita habang nagsesetup kame, Ches anu gagawin mo pag hindi ka sinagot?, sabi ko na lang eh di party harder na lang tayo mamaya nakatawa pa ko. Hinahantay ko na lang sila dumating pati si Cess. Napapayosi na ko sa nerbyos iniisip kung anu ang sasagutin nya. At medyo nawala yung nerbyos ko ng makita ko si Steven sa Bosay kasama yung girlfriend nya. Sabi ko na lang pre panuorin mo to ahh akala ko di mo to makikita eh. Wew what a coincedence. Then iniwan na ko Steven at may inaasikaso sya babalik daw sya. And sa sobrang bilis ng takbo ng oras di ko alam dumating na sila kasama si Cess. Nauna dumating yung isa kong kabarkada nakikipagtalo pa sa kin ba't daw ayan kinuhan ko ganyan ganyan. Then biglang nakita ko si Cess pinatay ko ang ilaw sa cottage baka kase makita nya yung mga nakadikit sa pader. Di pa din matigil tong si tanga ayaw paawat hanggang sa nasa tapat na sya ng cottage. Tahimik na lang ako sa harap nya. Pinapasa pasa ko na yung mga placard  sa iba. Then pinapasok ko sya and binuksan ko ang ilaw. Yung ngiti pa lang sa mukha nya parang nanalo na ko sa lotto. Wow ang cute naman nito para kanino to? Sabi ni Cess. Para sayo yan sabi ko naman. Then pinakita na namin yung placards na nakalagay "will you be my happiness" muna then nag speech muna ako "Ang pagibig parang negosyo lang yan, kelangan mo talaga sumugal, madalas talo minsan panalo, san kaya ako dito ngayon?" Then pinalitan namin yung happiness sa princess eto na yung tanung ko sa kanya "will you be my princess?" Puro thank you lang sya ng una tapos sabi namin sa kanya o anu na sagot mo? Inexpect ko na tong sagot na to, pwede friends muna tayo? Di pa kase ako ready at alam mo naman kase kung bakit di ba? I was silent for awhile then I smiled and picked up the angel necklace in my pocket. Tapos sinuot ko sa kanya yung necklace naging laughtrip pa nga yung pagsuot ko ng necklace kase nanginginig yung kamay ko, then sinabi ko sa kanya patunay to na may nagsubok, nageffort, at nagmahal sayong lalaki na nagngangalang Chester Etorma, maghihintay ako sayo Cess. Then naiwan kaming dalawa sabi nya sa kin Ches thank you talaga ng marami 1st time kong maranasan tong ganito. Kilig naman ako na ewan. Mixed emotions ako ng time na yun. Pero kelangan ko tanggapin ehh. Ang kelangan ko na lang gawin is wait and have a planB i guess. 

Wala sa HulogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon