Kailan - KaiRi Drabble

2 0 0
                                    


Kanina pa nakikita ni Yerim si Jongin.

Medyo close naman sila pero hindi para malaman kung may bago ba sa itsura ng lalaki. Pero sa paulit ulit niyang kita sa lalaki ay napapaisip siya kung bakit parang may nakakalimutan siyang importanteng detalye tungkol sa kaibigan.

Kung kaya't nung makasalubong na naman niya ito, para sa ika-apat na beses, ay hinarang na niya ang kaibigan at tinitigan ng matindi.

"Problema mo, Ye?" Natatawa pang tanong ni Jongin sa kanya. 

Paanong hindi matatawa, tinignan niya ito mula ulo  hanggang paa. Umikot pa siya at tila sinipat ang buong pagkatao ng lalaki. 

"May bago ba sayo?" Tanong niya.

"Wala baliw, ako pa rin 'to. Pogi, mabango, kamahal-mahal." Pabirong sagot pa sa kanya ng lalaki.

"Kasal ka na ba?" Sunod niyang tanong sa lalaki na tinawanan lamang nito.

"Promoted ka no?" Dugtong niya pa.

"Ano ba yon, Ye? Type mo na ba ako after all these years? Nako pasensya ka na. Di kita type eh." 

"Gagi hindi, feel ko kasi may nakakalimutan akong importante tungkol sayo."

Nginitian lamang siya ni Jongin na para bang gusto na umalis sa harap ni Yerim. Nakatunganga lamang ang babae at halatang pinag-iisipan kung ano yung nakalimutan niya kung kaya't sinubukan ng sumibat ng lalaki at umalis.

Malaki kasi atraso neto sa kaibigang babae.

"Hoy teka! May utang ka sakin diba!!" Pigil ng lalaki sa lalaking papa-alis na.

"HAHAHAHAHA WALA YE, WALA NA YON! MAHAL MO NAMAN AKO DIBA!" Sagot ng lalaki at binatuhan pa ng magandang ngiti ang babaeng kaibigan.

"Bayaran mo yon hoy! Kailan mo babayaran?!"

Di na mapigilang sumigaw ng babae sa gigil. 

Sampung-libo rin ang utang nito sa kanya. Umutang eto noong 4th year sila. Noong una, 2k lang yon. Through out the years, nagpatong-patong ang utang ng lalaki dahil ginagamit nito ang dahilang, "isabay ko na dun sa nauna kong utang, paalala mo sakin. bayaran ko agad next kita natin."

At hindi na sila nagkita ulit matapos non, ngayon na lamang ulit.

"PUTA KA JONGIN! KAILAN?!" Hindi napigilang sumigaw ni Yerim na mabilis niya rin naman pinagsisihan.

"Is that a song request that we are hearing? Okay! Live Band, please play "KAILAN" by MYMP."

Ang unfair, siya pa napahiya  sa paniningil. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EXOVELVET DRABBLESWhere stories live. Discover now