Mahal?
Ansaya na natin no? Feeling ko wala ng hihigit pa sayo.
Mahal. Sana hindi ka magsawang mahalin ako. Kasi ako, mahal na mahal kita, at hindi ko kayang iwan ka.
Noon palang. Pinangarap ko na na tayo magkatuluyan..
Pero sobrang mapagbiro talaga ang tadhana.. May nanligaw sa akin tapos nawala ka bigla. Tapos nung naging kami nakita kita na ang payat payat na.
Pero nung naghiwalay kami.
Bigla kang bumalik. Sinabi mo mahal mo ako.
Di nga ako makapaniwala nun eh. Pero isa yun sa mga pinakakasaya kong mga araw.
Ngayon kasi, parati na akong masaya. Kasi andyan ka. Palagi mo akong inaalagaan. Pinagluluto. Sobrang mahal talaga kita.
Sana hindi dumating yung araw na iwan mo ako bigla, kasi di ko talaga kakayanin.
Vince Dallas. Huwag mo iwan si Aika Mendez ha? Wag mo akong iwan ha Vince?
Kung pwede lang sana...
"Aika. Tara date tayo."
Araw araw date tayo ng date. Hindi ka ba nag sasawa ha? Hahaha. Ako din naman eh. Hindi ako magsasawa na date-in ka. Syempre mahal kita eh. Lahat gagawin ko para sayo.
"Dito tayo para masaya."
Sanay na ako na palagi mo akong pinupunta sa perya. Kasi ang saya mo kasi pag dito tayo eh. Hinahayaan lang kita, kasi gusto kong makita kang nakangiti, walang problema at punong-puno ng buhay..
"Aika. Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, Vince."
Dun na nagsimula ang luha ko.
Vince sobrang mahal kita.
Sobrang mapagbiro talaga ang tadhana no?
Akala ko.. Habang buhay na tayo..
Pero lahat talaga may katapusan..
Ano ba kasing ginawa mo sa katawan mo Vince ha?
Tingnan mo tuloy..
Feeling ko mamatay nadin ako..
Bakit ka ba kasi may sakit?
Okay lang sana kung hindi malala eh..
Kaso bakit sa utak pa?
Ano ba kasi yang brain cancer na yan ha?
"Aika. Huwag kang umiyak. Lahat may dahilan. Alam kong may lalake talagang magmamahal sayo na mas higit pa sa binibigay ko sayo."
"Ang sakit kasi Vince.. Ang sakit.. ayokong mawala ka.. Mahal na mahal kita vince.."
"Aika. Lahat ng buhay may katapusan.. Manalig ka lang ha? Kahit wala na ako.. babantayan naman kita parati eh.."
"Huwag ka ngang magsabi ng ganyan!"
"Totoo naman e. Wag kang malungkot. Hinding-hindi kita iiwan."
Humagulhol na ako ng iyak..
Di ko kaya.. Di ko talaga kaya..
At di ko talaga kakayanin..
Vince..Ikaw lang talaga ang buhay ko..