"Aika. Masakit ulo ko."
"Teka! Teka! Dalhin na kita sa ospital!"
Ilang ulit na ba nangyari ang pangyayari nato Vince? Yung sasakit ang ulo mo. Tapos ako matataranta na naman. Pero kahit kailan hindi ako napagod. Kasi mahal kita, Vince.
"Aika. Umuwi ka muna, kami na ang magbabantay kay Vince."
"Okay lang po tita. Hihintayin ko po syang magising."
Tatlong araw na Vince.. pero hindi ka pa din gumigising. Sabi ng doktor mas lumalala na daw ang brain cancer mo. Nung narinig ko yun, feeling ko, gusto ko na ding mamatay. Wala na kasi akong ibang pamilya, ikaw nalang Vince. Ikaw nalang. Sana hwag mo akong iwan.
"A-aika?"
"Vince! M-mabuti naman gumising ka na. Namiss kita sobra eh."
"Hwag kang mag-alala. Mas miss na miss kita sobra."
Pano kaya pag wala ka na Vince? Hindi ko ma-iimagine ang buhay ko.
Tatlong araw nga lang na di tayo nagkakausap feeling ko ilang taon na yun. Miss na miss kita agad.
"Gusto mo bang kumain, Vince?"
"Hindi naman ako gutom. Dito ka muna. Hwag mo akong iwan."
Sana ako nalang yung nasa kalagayan mo Vince. Kasi, habang nakikita kitang nahihirapan, nahihirapan din ako eh. Parang nawawalan nadin ako ng pag'asa.
"Sige. Dito lang ako. Hindi kita iiwan."
Habang nag-uusap tayo sa magagandang memories natin.
Biglang..
"Vince! Anong nangyayari sayo?!! Vince!"
"Aaaaaaaah!"
Di na ako mapakali..
"Doc! Doc! Si vince doc! Si vince..."
Iyak na ako ng iyak. Hindi ko na ala ang gagawin ko. Bakit ba kasi humantong sa ganitong pangyayari?
"Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?"
"Girlfriend niya po ako."
"Patawad. Isang linggo nalang ang buhay niya. Ginawa na namin ang lahat, pero hindi talaga niya kinaya."
"D-doc.. m-may a-alam k-kayong ibang g-gawin... Doc.. please buhayin niyo po siya.. doc.."
"Sorry miss. Ginawa na talaga namin lahat ng makakaya namin.. sige mauna na ako.."
Pumasok ako sa kwarto ni Vince..
Hinang-hina na siya.. Ang payat na niya.
Nagpatuloy parin ang pag iyak ko...
"Vince.. lumaban ka.. please.. mahal na maha kita.. vince.. hwag mo akong iwan.."