Isang linggo...Isang linggo nalang ang buhay ni Vince.. Hindi ko maisip ang buhay ko pag wala na siya..
Andito parin kami sa hospital.. simula nung sinabi ng doctor na malala na si Vince.. Hindi na siya gumising.. Miss na miss na kita Vince..
Nag plano muna akong lumabas sa kwarto ni Vince.. Nandun naman ang kapatid niya eh, natutulog nga lang..
Pumunta ako sa simbahan..
Ngayon lang ako lumapit sa Diyos.."Lord. Hindi man ako malapit sayo. Hindi man ako nagpapasalamat sayo. Lord kahit ang sama-sama ko sayo. Lord sana kahit ngayon lang po, kahit ngayon lang po, sana pagalingin niyo si Vince. Ikaw po ang may hawak ng buhay niya, kaya sana po, bigyan niyo pa siya ng pangalawang buhay.. Lord, maraming salamat po sa pakikinig. Mahal po kita, at patawad po Lord."
Umiyak ako habang nagdadasal sa Diyos. Sana, patawarin niya ako, at bigyan niya ng Miracle si Vince..Biglang tumunog ang cellphone ko..
Kapatid ni Vince. Kinabahan ako bigla.Pagsagot ko. Umiiyak ang kapatid niya.
"A-ate a-aika! S-si kuya! Bilisan mo ate!"
Binabaan ko siya agad. Bumalik ako sa hospital. Pag dating ko sa labas ng kwarto ni Vince.
Mas lalo akong naiyak. Habang nakatingin ako sa kanya, para na akong walang buhay.
"Lumaban ka please, Vince. Lumaban ka."
Lumabas ang doctor.
"Miss. I'm sorry. 5 hours......left, and he will be dead."
"Doc.. wala na ba talagang pag-asa?"
"Sorry."
Umalis na ang doctor.
Hindi ko kaya..
I can't live without you, Vince..