Kabanata 11

26 5 0
                                    

"Baka lokohin lang nila ako, iyon kasi ang kadalasang ginagawa ng mga tao sa akin. Baka iwanan nila ako katulad ni Dariel sa akin noong highschool kami. Baka---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Kalia sa harapan ko.

"Hah?! Si Dariel? Magkakilala na kayong dalawa noon pa?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Gulat na tanong niya. Buti na lang dahil dumating siya rito sa kwarto ko kaya may pagsasabihan ako ng mga bagay na hindi ko nasasabi sa iba.

Alas-dose na nang tanghali at tapos na akong kumain. Sabado ngayon at nakakulong lamang ako sa kwarto ko dahil wala naman akong gagawin sa labas, ayoko na ring magpunta sa hacienda dahil alam ko namang may maririnig na naman akong hindi maganda sa kanila lalo na sa pamilya ni Dariel. Ayoko na ring makita ulit si Dariel. Baka ipagtabuyan na naman niya ako kapag nagkita kami ulit.

Ang mga bago kong kaibigan na si Castiel ay pumunta lang kanina rito sa mansyon para maki chismis sa mga ganap. Ang dami niyang kwento kahit kahapon lang kami nagkita, hindi niya kasama ang dalawa naming kaibigan dahil may pinuntahan daw sila.

Nagtagal siya rito at ipinakilala ko sila kina Ate Ezikiah at Ate Riana. Hindi nagsungit si Ate Riana sa kanya at noong mga nakaraang gabi dahil sinabi raw ni Ate Riana na kapag niloko ako nina Castiel ay malalagot sila kay Ate.

Kaya pala hindi siya nagsusungit sa kanilang tatlo dahil binantaan sila ni Ate. Natawa na lang ako noong narinig ko 'yung kwento ni Castiel sa akin, naka simangot pa siya habang kinu-kwento iyon.

Gusto kong pumunta sa isang lugar na tahimik at walang kahit sino ang manghuhusga sa akin, iyong mag-isa lang ako at kahit umiyak ako nang umiyak ay walang may makakarinig sa pag-iyak ko. Malayo sa lahat ng problema.

Ang dami kong gusto kahit alam kong hindi mangyayari kahit isa sa mga iyon dahil masyadong perpekto ang buhay na gusto kong mangyari.

"Oo, pero dati iyon. Ngayon, ayaw na niya akong makausap o makita manlang pero naiintindihan ko naman." Yumuko ako nang bahagya habang nakaupo sa kama ko. Nasa harapan ko si Kalia habang tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ko, buti nga nandito siya para pagsabihan ko ng mga problema at rants ko.

She's my cousin who willing to hear my rants. Nagpapakatotoo siya sa sarili niya at hindi siya plastik, sasabihin niya kung may mali siyang nakikita at naririnig. Ang akala ko ay hindi kami magiging close o di kaya'y kaiinisan ko siya pero nagkakamali pala ako pero hindi pala, mali pala ang naiisip ako dahil siya pala ang magiging malapit sa loob ko.

"Alam mo kasi, Della. Kung niloloko ka nila ay wala naman silang mapapala sa'yo, noh! Hindi ko nga maintindihan kung bakit ka binu-bully ng karamihan eh, ang bait mo nga at halos perpekto ka na kung titignan." She said.

"Dahil ang alam nila ay nagpanggap lang ako na mabait sa harapan nila at kapag nakatalikod sila ay akala nila nila na sinisiraan ko sila. Ang tingin ng iba sa akin ay maarte, maldita at kung ano-ano pa. Naranasan ko nang masaktan ng pisikal noong 1st year highschool ako, hindi ko pa nakikilala noon si Dariel. Halos araw-araw ay parang impyerno ang buhay ko kapag pumapasok ako." Kwento ko saka inangat ang tingin ko sa pinsan ko, namumuo ang mga luha sa mata ko pero hindi ko iyon pinapansin.

Nakatitig sa akin si Kalia nang seryoso. Gusto kong i-kwento sa kanya lahat ng napagdaanan ko noon dahil mas komportable sa kanya. Walang kahit sino ang nakakaalam sa mga sinasabi ko kahit ang dalawang kapatid ko, kahit ang mga magulang ko, wala kahit sino kundi si Kalia lang.

Si Kalia lang kasi ang nag-iisa na pwede kong pagsabihan ng kahit ano dahil alam ko na itatago niya iyon.

"H-Hanggang sa dumating si D-Dariel noong second year ako, palagi niya akong sinasamahan sa lahat ng bagay. S-Si Dariel ang laging napapaaway sa amin kaya lagi siyang umuuwi ng may mga sugat at pasa nang dahil sa akin, kung hindi niya akong pinagtatanggol palagi ay ako ang laging may sugat pero masaya kami at palaging nagtatawanan. Lumipas ang dalawang taon ay okay naman kami pero... Pero nabalitaan ko na lang na umalis na siya kaya ayun, mas lalo akong binully ng mga taga-campus." Pagpapatuloy ko. Nang naramdaman kong tumulo ang luha ko ay agad ko iyong pinunasan.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon