{21} I hope she STOPPED.

165 2 0
                                    

Liam's P.O.V.

Nasaan kaya si JEREMY!?

Kailangan ko siyang iligtas..

Kinuha ko mula sa bag ko ang cellphone ko at tinawagan ang holdaper, a.k.a. si Jessica!

"Hello?" Patanong na sagot niya.

"Jessica. Nasaan kayo?" Namumula na ang mata ko... Di ko kayang mawala si Jeremy dahil sa kawalan ko ng pagpaliwanag kay Jessica.

"Oh, LIAM! Nasa dulo lang naman kami ng SM north edsa!?" Inaasar pa ako ng babaeng eto! grrrr

"Wag mong sasaktan si Jeremy... Kundi---"Natigil ako sa pagsasalita dahil sumagot na siya kaagad..

"Kundi ano? Kundi papatayin mo ako?"

"OO! Wag mo siyang sasaktan! Lagot ka sa akin!" Tumapang ang boses ko at namumula na ang mukha ko sa galit ng puso ko...

"LIAM! Kung nakakalimutan mo, sa akin nakasalalay ang buhay ni Jeremy at kung hindi mo susundin ang gusto ko...."

"Ano ang gusto mo?" Tanong ko.

"Let me think..... Magpapakasal lang naman tayo."

"Bakit yun pa?"

"At.... Di mo sa kanya pwedeng sabihin ang totoong dahilan! Safe exit ka para hindi niya mahalata. HAHAHAHAHA" Di ko siya masikmura.... Napakalala niya!

************************

Habang nagdadrive....

Tinignan ko ang side mirror at may sumusunod sa akin na sasakyan!

Sino naman kaya ang may pakana nito?

Siya din kaya?

Pagkarating ko sa kuta ng holdaper na iyon, pagtingin ko sa likod. Sinusundan nga ako talaga! Lumabas sila mula sa sasakyan at tinawagan si Jessica.

"Boss,"

"O, ano... Andyan na?"

"Dalhin mo na dito! Magmadali ka.."

Pumunta sila sa tabi ko at  sinuntok ang tiyan ko kaya napasunod ako ng di oras. Habang papasok ng kuta... Nakita ko ang lumot ng hideout nila. Meron pang mga daga at ipis! Ang dumi..

Makaraan ang ilang minuto ng paglalakad.. Nakita ko na si Jeremy..

Nagmadali akong pumunta malapit kay Jeremy,nakaupo siya at may tali ang kamay.. Niyakap ko siya.

Tinanggal ko ang tape sa bibig niya.

Binulongan ko siya,"You are free..." Tumingin lang siya sa akin.

May narinig akong tunog ng pumapalakpak sa likod ko at pagkakita ko,

si JESSICA pala!

Tumayo ako at hinarap si Jessica.

"Jessica!" Tinuro ko siya.

"Bakit? Handa ka na bang iligtas ang mahal mo?" Ngumiti siya. Nakakainis!

Sinampal ko siya at sinabing. "Eto ay para sayo! Dahil dinamay mo si Jeremy sa kabaliwan mo!"

Binalik niya ang sampal ng mas MASAKIT pero di ko masyadong naramdaman dahil mas nangingibabaw ang pagaalala ko kay Jeremy. "Eto naman ay para sa panloloko mo!"

 Dumating na ang mga back-up niya at sinuntok ko isa- isa... Dumadagundong ang paghampas ng  upuan ng isa sa kanila sa likod ko dahil si Jeremy ang dapat nilang masasaktan pero hinarang ko sila..

Mahal ko kasi si Jeremy kaya di ko namamalayan na nasusugatan na pala ako dahil sa hampas pero nakabawi ako noong pagkahampas, hinawakan ko ang upuan at hinampas ang ulo nila..

Duguan na ang isa, yung isa naman ay mejo may sugat na.. Ako lang ang solusyon ni Jeremy kaya kailangan kong iendure ang sakit.

Lumapit na ako kay Jeremy at binilisan ko ang pagtanggal sa nakataling mga kamay. Sinigawan ko siya at sinabing. "TUMAKBO KA NA!"

Napatingin siya sa akin habang tumatakbo at noong hahabulin siya at hahampasin muli, ako ang sumapo ng sakit..

Umupo na lang ako at linapitan ako ni Jessica.

"O, ano? Natauhan ka na?" Sigaw niya sa akin.

"Wala ka nang magagawa... Mahal ko si Jeremy, kahit patayin mo pa ako." Pinikit ko ang mata ko at inalala lang ang nakaraan namin ni Jeremy, 

Yung masasayang ala-ala namin,

Gusto ko kasing balikan iyon....

Pero atleast naligtas ko siya, makakaraos na ako....

Nahulog ang ulo ko at ngumiti na lang ako parang walang nangyari....

Di ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos noon.

Love Story of a Teenager: LOVE OF A TEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon