Sacrifice causes us too much pain. Right? We do things that hurt us the most, even the dedicated person is unaware.
Masakit magsakripisyo at magpakamartyr sa buhay. Pero kung alam mong may magandang resulta ang gagawin mo, hindi ka magsisisi.
'Wag tayong magpadala sa takot natin. Dahil walang magandang maidudulot iyon. Dapat always think positive, 'di ba nga? Hindi tayo magtatagumpay kung hindi natin isasakripisyo ang kaligayahan nating mag-enjoy.
Biruin niyo yun, noon, walang sasakyan ang mga tao pero kinaya nila ang maglakbay dahil nagsacrifice sila, kahit pa pagod na pagod na sila, ayun, narating nila ang tuktok ng tagumpay.
Nasaan na sila ngayon? nasa isang disenteng trabaho na.
Ang taong may pangarap kung walang pagsasakripisyo, hindi magtatagumpay.
Pero 'di tulad ng iba, kahit wala man silang pangarap na gustong marating ay ang Diyos na ang nagbibigay ng solution para may mapuntahan silang maganda sa kinabukasan.
Hindi lang ang may kaya ang nagtatagumpay, at ang mga mayayamang ipinanganak ay tunay na hindi nagtagumapay, bakit? Dahil wala namang pakinabang ang pera kung ikukumpara sa Edukasyon.
Ang pera nananakaw, nasusunog, nagiging abo, pero ang pinag-aralan hindi yan nakukuha ng iba, ng kahit sino man.
Subukan nating i-let go ang mga bagay na alam nating hindi magtatagal kahit alam nating mahalaga ito para sa atin.
Ang dapat pagbigyang pansin ay ang mga bagay na dapat bawat isa sa atin ay mayroon, Edukasyon at Kaalaman.
May mayaman na naba-bankcrupt, may edukadong umasenso. See the big difference?
Walang pupuntahan ang taong sa pera lang laging umaasa!
Dapat lahat ng bagay na hindi nabibili ng pera ay pahalagahan, alagaan, bigyang importansya.
-LJS-
BINABASA MO ANG
Randomness of the National Dream Knight
RandomCompilation of Poems and OTHER RANDOM THOUGHTS!