Life of a FAN

13 2 0
                                    

Sa lahat ng bagay na mahirap, ang pagiging fangirl o ang pagiging fanboy na siguro ang pinakamahirap na trabaho sa buong mundo. Nagtatrabaho ka pero walang sweldo, kilala mo sila pero ikaw di man lang nila alam na nag-eexist ka, na nandiyan ka lang at sumosuporta.

Mahirap isipin na kahit isang percent lang ng pag-asa na makikilala ka niya eh wala pa. Wala ni isang porsyento. Siguro nga ang pagiging fan ang pinakamasayang parte sa buhay ng isang tao dahil mangangarap ka ng mangangarap na magkikita kayo sa pesonal, na magkakamabutihan kayo.

Isa ako sa mga fangirls na umaasa na sana makikita ko o makamayan lamang ang idol ko. Pero siguro sa buhay lahat may dahilan kaya hindi tayo ipinanganak kapiling sila. Maybe one of the reason is that they are testing our courage and patience towards on meeting them even there's a tiny tiny chance.

Maraming tao ang pingsasabihan na ang mga fans lalo na sa mga KPOP Fans na kahit kailan ay di nila makikita sa personal ang mga idol nila, na hinding-hindi sila mano-notice ng mga ito. Mahirap nga isipin na it's true in a way na wala tayong gano'n yaman para makapunta ng gano'n kabilis sa lahat ng mga concerts at mga fanmeetings na nahe-held sa bansa natin.

Ni minsan nga, walang pa akong napuntahang mga concerts at fanmeetings ng mga idol ko eh. Ang saklap lang dahil malayo na nga kami sa maynila ay wala pa kaming gano'ng karaming pera para sa pagpunta. Malungkot rin isipin na madi-disband ang mga pinakahinahangaan mong group, o yung biglang umalis ang isa sa mga members nito which is yung bias mo pa? Kahit siguro hindi mo bias ang umalis ay sobra kang malulungkot dahil nawalan ng super talented member ang bias group mo.

Ako nung nag-debut ang group na hinahangaan ko sobrang saya ko dahil alam kong kahit bago pa lang sila sa industry ay alam kong magtatagal sila alam ko rin na kahit magkaroon man ng maraming difficulties ay malalampasan nila, pero ayun nga tatlong member ang umalis ng magkakasunod because of some problems towards the company and themselves.

I hate to think na kahit kailan ay hindi na sila mabubuo pang muli. Aasa na lang ang iba ko pang mga kaibigang fans na isang araw ay babalik sa dati ang lahat. Nabawasan man sila ng mga miyembro ay di naman sila nawalan ng pagmamamahal sa isa't isa, buong-buo, walang bahid ng tampo at walang bahid ng galit. Patuloy lang sila sa pagsuporta sa isa't isa kahit pa nasa mag-kakaibang industriya na sila.

Kung iisipin nating mabuti nasa kanila ang pinakaiinggitang SQUAD GOALS dahil sa mga bagay na kanilang pinaggagagawa sa harap at likod man ng camera. Sa atin kasi ay mabuti kapag kaharap mo pero halimaw na mangagain nalang sa'yo kapag nakatalikod ka na. Sila ma'y nagkakapersonalan na sa mga pangungulit ng isa ay walang masamang nangyayari dahil tanggap nila lahat ng panunukso sa kanila. Sabay sabay silang nabuo, namulat sa mundo ng industriya, sabay na nasasaktan, na sumasaya. I'm not pertaining to one idol group here.

Sa lahat ng mga fans na nasaktan at bumangon, maging masaya tayo sa lahat ng nangyayari dahil kahit ano pa man ang mangyari ay buo ang puso nila na pasayahin tayo sa kabila ng lahat ng sakit at pagod na kanilang nararanasan.

KAYA BE PROUD OF WHO YOU ARE. BE PROUD OF BEING A MULTIFANDOM FANGIRL/FANBOY DAHIL WALANG TAO ANG HINDI FAN. HINDI LANG SA KPOP KUNDI PATI NA RIN SA WESTERN POP, PPOP, JPOP, BASKETBALL, SOCCER, VOLLEYBALL, TENNIS, BOXING AND ALL OTHERS NA PWEDE KANG MAGING FAN.



*****

VOTE, COMMENT <3





Lovelots,



DreamKnightJB

Randomness of the National Dream KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon