Selos

14 2 0
                                    

Selos.



Ano nga ba ito para sa mga tao? Siguro may magsasabi na ang selos ay isang patunay na mahal ka talaga niya. Pero ako kaya? Para sa akin ang selos ay isang patunay na walang tiwala sa'yo ang partner mo but on the other hand ang selos para sa akin ay isang act na nagpaparamdam sa isang tao na mahalaga sila at ayaw silang mawala sa piling nila.

May mga tao na masayang nakikita nila ang partner nila na nagseselos dahil napatunayan nila na mahalaga talaga siya sa partner niya, pero adik lang? 'Pag siya naman 'tong makakaramdam ng selos magagalit agad, magtatampo, makikipagbreak?

Shunga lang 'te?

Ang saya saya mo nung nagseselos siya dahil sa mga pinag-gagawa mo pero ngayong ikaw naman ang nagseselos mago-over react ka? Saan ang hustisya di ba? Kung iuntog kaya kita sa pader ng maintindihan mo ang mga pinagsasabi ko dito. Kung may tiwala kayo sa isa't isa walang selosan ang mangyayari, walang away, bangayan at lahat ng pwedeng mangyari sa relationship niyo.

I can't dictate you, you know? That's your realtionship but come to think of it, gusto mong magtagal ang relasyon niyo pero 'di niyo kayang magtiwala sa isa's isa. Adik talaga eh. Magjo-jowa pero walang thrust---este trust. Pa'no nalang kung tuluyan nalang kayong mabulag sa selos na 'yan, eh di walang napuntahan ang relasyon niyo.

Kumbaga, nagstay lang kayong dalawa sa mga oras na nag-selos ang isa at paulit ulit niyo lang yung binabalikan. Hindi niyo na inisip ang mga pwedeng mangayari puro na lang sarili niyo ang iniisip niyo. Siguro isipin niyo rin ang mararamdaman ng bawat isa. Hindi lang naman iisa ang nasa isang relasyon kung titignan, literally, dalawa kayo, you should give and take. Hindi lang yung isa ang nage-effort. Clear?

Isa pa, wala kang kailangang ikabahala dahil kung ang taong mahal mo ay pinagkakatiwalaan mo. Di lang naman kasi selos ang basehan sa pagmamahal eh, nandiyan ang efforts, ang pagiging sweet, ang pag-aalala. D'yan palang ay maipaparamdam niyo na sa isa't isa na mahalaga at mahal mo talaga siya. Dapat iparamdam nila ito sa actions nila na ayaw nila silang mawala sa kanilang mga tabi.

Pero minsan, napapa-isip ako na 'di lang pala taga-sira ng relationship ang selos, ginagawa nitong matatag ang pundasyon ng pagmamahal nila. On the far other side, babalik tayo, TIWALA , tiwala lang naman ang point ko, do'n at do'n din ako bumabalik sa pag-iisip ko. Dapat talaga may tiwala kayo sa isa't isa.

Anong sense ng pagmamahalan niyo kung wala namang pagtitiwala at kung puro duda lang? I do understand the point of others about jealousy pero di lang naman kasi selos ang pwedeng magpatunay na mahal mo siya, na takot kang mawala siya, na mahalaga siya. In the first place, kung wala ka namang ginawang effort para alagaan siya e di magsisisi ka lang kapag mapunta sa iba ang atensyon nila na noo'y na sa'yo lang lahat lahat. Make him/her feel loved. 'Di na kailangan pang umepal at magselos!

GOT THE POINT? Kung hindi pakamatay na? Hahaha~ Pero joke lang. I hope na kahit sa maiksi kong speech dito ay maunawaan niyo ang thoughts ko about sa SELOS thingy na 'yan. There's no right or wrong in love. Okay?


-LJS-

Randomness of the National Dream KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon