Chapter 1 - Missing Mama

0 0 0
                                    

ELEINA’S POV


“Alam mo girl, mukha ka na namang panda. Puyaters ka na naman ah,” puna ni Noreen sa akin.


“Eh ikaw bakit ang lapad pa din ng noo mo?” sagot ko naman sa kanya.


Napangisi naman ako ng nakita ang pagkairita sa mukha nya.


“Hoy aba aba Eleina Renae Valencia, masyadong foul yon!!” sigaw ni Noreen.


G na G talaga siyapag nadadamay na ang noo niya. Actually, di naman talaga ganoon kalapad pero ang sarap nya lang asarin.


“FYI, napaka-ingay mo po,” baling naman sa kanya ni Jessie na para bang hindi niya alam ang word na smile.


“Hmp edi magkampihan kayo. Ganyan naman kayo eh” napaka-arte naman po talaga ng bestfriend ko. Sad girl yan?


Di nalang siya pinansin ni Jessie at maging ako na kumain nalang ulit. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch time na. Natatawa nalang ako sa nakabusangot na mukhang nasa harapan ko habang kumakain siya na parang 10 years siyang ginutom. She’s Noreen Segismundo, my oh so madramang bestfriend.


Nagbabasa naman ng libro yung katabi ko habang kumain. Di ko alam ano bang genre ng binabasa niya dahil wala man lang expression sa mukha niya, di ko tuloy alam kung funny ba or nakakakilig yung book. She’s Jessie Eusebio, my oh so serious friend na minsan ay baliw din.


“Uhm girls, pumasok ba ang president ng class niyo?” napatingin naman kaming tatlo sa nagsalita at si Kady pala, ang Vice President ng School Newspaper.


“Oo, hmmm ayun siya oh” turo ko naman kay Joey na class president namin. Nag thank you naman si Kady at umalis na.


“Tameme na naman po sya” asar ni Noreen kay Jessie. Di naman niya inaamin na crush niya si Kady pero dahil malisyosa si Noreen eh pati ako nakikiasar nalang din. Binato naman kami ni Jessie ng crumpled paper na di ko alam kung saan niya kinuha.


“Hoy ikaw” turo ni Noreen sakin, “Lagi nalang kami ni Jess ang naasar tapos ikaw taga tawa ka lang dyan, ano kayang pwedeng ipang asar ko sayo?” at pinanliitan pa ko ng mata. Tulak ko kaya to sa inuupuan niya.


“Aha! Alam ko na WHAHAHA” minsan naiisip ko kung may lahing bruha si Noreen o nauntog ulo nito nung bata at nabaliw na.


“Wala akong pake” sagot ko sa kanya. Wala naman siya maipang aasar sakin dahil buong pagkatao ko ang nakakaasar. Di ko na siya pinansin kahit na pangiti ngiti pa siya habang kumakain. Loka loka talaga.


Natapos ang klase namin sa Christology at mayroon kaming 1 hour vacant bago ang last class. Grabe sobrang nakaka-antok. Don’t get me wrong, madasaling tao naman ako pero di ko lang talaga kaya tagalan yung lecture ng prof namin. Matanda na kasi si Mr. Azine kaya puro lecture, wala man lang fun activities tapos nakakaantok pa siya magturo. Isa pa, minor subject lang naman ito, di masyadong nakaka-pressure lalo na’t di naman strict ang prof di gaya nung iba na pa-major. Malas pa dahil sunod na subject ay Politics and Governance, terror pa naman ng prof dito.


Kinalabit naman ako Noreen at nag aya na lumabas para sa vacant namin. Kunwari pa siyang may ipapa xerox eh gusto lang naman niya maghanap ng ‘papables’ dun sa building ng Criminology.


Di ko alam bakit ganun ang term niya.


One week palang kasi simula ng mag start ang pasukan at baka may makita daw siyang gwapo na freshman or transferee. The three of us ay 2nd year college na. Si Noreen ay friend ko na since high school at si Jessie naman ay seatmate ko nung entrance exam kaya nung nalaman naming magkaklase kami ay agad kaming naging close, syempre ipinakilala ko rin si Noreen kay Jess.


Dapat ay Architecture ang course ni Noreen pero nagulat nalang ako nung sinabi niyang Political Science ang nilagay niya sa application paper. Ayaw niya daw kasi sa Math at yun lang ang dahilan. As if I know sinusundan lang ako nito dahil isa akong mabuting bestfriend^^.

Truth FinderWhere stories live. Discover now