ELEINA’S POV
Nakatitig lang ako ngayon sa kisame ko na dinikitan ko ng neon star stickers. One of my dream getaways talaga ay ang magroadtrip, then after noon magsa-stargazing habang umiinom ng beer. Hay what a life!
We haven’t traveled yet like how a real family should. Most of the time, I’d go with my friends and classmates or kami lang ni Kassy.
I still remember when Kassy was born, they were very happy, I was not. I never felt the love of my father tapos may isa pang bata sa dadating at aagawin lahat ng atensiyon. That’s what I was thinking before but after seeing Kassy grow up, hear her first word, see how she stumbled while trying to walk, see how her smile was the prettiest thing in the world, how she hugged me and kissed me and say my name; it just felt warm. I love and adore her so much.
Okaaaay, those are so many ramdom stuffs inside my head but I still can’t sleep. After seeing that, I don’t know if I can ever sleep again, peacefully.
“Anak, tulungan mo na nga si bunso na mag-ayos ng gamit nya,” rinig kong sigaw ni Mama kay Kuya. Aalis ba sila?
Naabutan kong makalat ang sala ng aming munting bahay. “Ma, ano po ‘to? Bakit nag-eempake kayo?” tanong ko sa kanya.
“Ah kasi anak, nako good news ito. Lilipat na tayo ng bahay. Sabi ng papa ninyo sobrang laki raw ng lilipatan natin,” excitement ang mababakas sa mukha ni Mama.
Eh? Kami lilipat sa malaking bahay?
“Kuya! Nanalo na ba tayo sa lotto?” tanong ko kay Kuya na kababa lang kasama ang bunso naming si Kassy. Dala dala nila ang malalaking bag na mukhang may lamang mga damit.
“Hmm, parang ganon na nga.” Bakit parang di naman siya masaya eh mukhang yayaman na kami? Yes!!! Di ko na kailangang suotin itong sapatos ko na nakanga-nga na.
“Di maganda kutob ko dito,” batid ni Kuya kaya’t tumingin ako sa kanya ng naguguluhan.“Diba kakalibing lang ni Don Victoriano,” tama namatay daw sa atake sa puso ang matanda at kakalibing lang niya nung isang araw.
Sa kanya nagtatrabaho si Papa bilang personal driver. Palagi ako nakikita ni Don Victor dati kaya’t binibigyan ako nito ng pera pambili ko raw ng ice cream. Eh grabe waw wantawsan para lang sa ice cream. Nakakalungkot nga’t biglaan ang pagpanaw nito.
“Sabi ni papa dahil wala daw ibang kamag-anak si Don Victor eh sa kanya raw ipinamana ang lahat ng ari-arian nito.”
“Ah wala pala siyang kamag---anooooo??!!” nagulantang ako sa narinig. Ipinaman ang lahat ng kayaman kay Papa?Eh sobrang yaman ni Don Victor. Malaki ang bahay niya pero puro katulong lang kasama niya. Akala ko noon ay di lang doon nakatira ang mga anak niya, ibig sabihin wala pala siyang anak? Pero parang may nakita akong picture--.
Naputol ang pag-iisip ko ng mahulog ni Kassy ang dala-dala niyang malaking box. Sinabi naman sa akin ni Mama na mag-empake na rin daw ako ng mga gamit ko. Alas sais na ngayon at bukas daw ng umaga ay lilipat na kami.
Habang nilalagay ko sa kahon ang mga gamit ko ay di pa rin ako makapaniwala na sa amin na ang lahat ng kayamanan ni Don Victor. Di naman ako natutuwa dahil namatay siya pero di ko rin maiwasang di mapangiti dahil sa nalaman.
Kahit pa halata namang ayaw sa akin ni Papa eh ayos lang titiisin ko nalang. Ang mahalaga mayaman na kami!!! Ganon talaga di lahat ibibigay sayo si Lord. Di man maganda ang pakikitungo sa akin ni Papa, idadaan ko nalang sa materyal na bagay. Di naman ako materialistic, wala akong hilig doon lalo na sa mga mamahaling bagay pero dahil wala naman na akong mababago sa sitwasyon ko eh mas mabuti pang iyong pera nalang ang paglibangan ko.
Hay what a life! Akalain mo sobrang hirap namin tapos biglang sobrang yaman naman. From rugs to riches, sobrang nakakabigla na parang ang hirap paniwalaan, dinaig ko pa si Cindera---Aray.
YOU ARE READING
Truth Finder
Misterio / Suspenso"I wish I can open my eyes and see the things that have been out of my sight for all these years." Eleina never thought that her life would turn a complete 360 degrees. What she always wanted was to feel the love of her father. When her mother sudde...