Chapter 3 - Partners

0 0 0
                                    

ELEINA’S POV


Hinihintay namin ngayon si Sir Tuazon dito sa gym dahil pinatawag siya kanina sa faculty so sabi niya mag stretching streching daw muna kami. Pero syempre nagdadaldalan lang kami, ano bang bago dun??


Inaasar asar ni Noreen si Jessie habang ako nginingitian naman siya ng nakakaloko.


“Oo nga pala Oli, di ka man lang nagpakita buong bakasyon, ano bang pinaggagawa mo?” narinig kong tanong ni Kady. Ohh Oli pala nickname niya.


Sabihin na nating may inimbestigahan lang ako hehe,” sagot ni Ralph. Ayoko siyang tawaging Oli dahil di naman kami close.


Teka lang? Speaking of investigation, kung classmate namin siya, ibig sabihin hindi siya Criminology student. Pero naalala ko don sa building na yon namin siya nakita. Before pa siya maituro noon ni Noreen eh nakita ko na siyang lumabas mula sa Dean’s Office ng Criminology Department. Pero baka naman may binigay lang siya or tinanong pero ano naman yon at ano naman yon sakin, bakit ba ko nagtatanong ngayon? Asar.


“Rere, sabi mo Crim student yung Ralph, ikaw ah fake news ka,” batid ko kay Noreen.


“Ha? Wala naman ako sinabi ah nakita lang natin siya don sa building. Assumera ka lang ata.”


Well, yes. Aba malay ko ba.


“Di mo ba talaga siya kilala? Like duhhh! Nanalo kaya siya sa national quiz bee last year.” Edi siya na matalino, eh sa hindi naman ako updated sa mga quiz bee quiz bee na yan.

Basta ako nag-aaral ng mabuti. I always have high grades naman, I always answer if there’s a recitation but I’m just not grade conscious. I want to enjoy my university life. I can manage naman kahit di ko sunugin ang kilay ko. Just like Jessie, pareho kaming chill lang pero nag-aaral ng mabuti. Si Noreen, uhm… wag nalang nating pag-usapan.


We’re now divided into two lines, one for the girls and one for the boys. It should be equal kaya laughtrip kasi si Emman yung kaklase kong beki tuwang tuwang kasi sa line siya ng girls pinalagay dahil kulang ng isa.


Ano bang activity? Ay nako Sir, wag muna yung may grabe sa pawisan ah ang init init ngayon. Magtatanghaling tapat pa. Hindi kasi binuksan yung air-con ng gym. Aba sayang bayad! Di naman daw kasi talaga mag aactivity kaya di pinabuksan, eh ano to eme eme lang ganon?


“Okay class, so your little activity for today is sit-ups,” pahayag ni sir. See, activity to dapat may air-con. Grabe nagsisimula na ko pawisan ah!


“So to help you do that, you have your partners with you. Please face the other line, whoever is in front of you are your partners for this activity.” Sus, sit-ups lang pala, basic! Kahit di ako mahilig mag exercise eh madami naman akong alam, palibhasa si Kuya eh lagi ako noon pinipilit dahil mataba daw ako. Duh! Sakto lang kaya yung katawan ko. Pasok sa tamang BMI to! Kaasar si Kuy----Shemay! Kalamay!


“Hi Eli,” wala akong masabi nung malaman ko sino ang partner ko.

Bakit? I mean wala naman akong issue sa kanya kaya lang kasi di ko siya close tapos kakalipat lang niya kanina as in wala pang isang oras! Tapos Eli? Close ba kami? Pero mas okay na din kesa naman Leilei eh para sa 6 years old lang na si Noreen yon.


Natauhan ako ng bigla siyang umupo sa sahig.


“Ahh hehe hi! I’m Eleina,” kala niyo mauutal ako? Haha ano ko high school? Di na uso yon. Saka duh , oo na gwapo siya pero di naman ako patay na patay sa mga gwapo. Buti sana kung BTS yan ‘no.


“I know… quite well,” he smiled. I smiled back kahit di ko narinig yung huli siyang sinabi kasi mahina. Pero he knows? I mean alam niya name ko even before I introduced myself? How? Why? Pero baka narinig niya lang. I just shrugged my thoughts. “Ako muna?”


We agreed na siya muna magsisit-ups, ako yung naka-alalay sa may paahan niya then mamaya palitan naman.

***

Lunch break ngayon at nandito kami sa canteen. I ordered my favorite sinigang na baboy. Pag talaga may sabaw ang ulam parang ang homey homey sa feeling. May mango shake din, oh diba 2-in-1 inumin na dessert pa. May baon din naman akong tubig sa tumbler.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Truth FinderWhere stories live. Discover now