Chapter 1

9 1 0
                                    

Chapter 1


Papasok nako ng bahay ng nakita ko si tita na nag didilig ng kanyang minamahal na mga halaman. "Oh my gosh Claire ang dami na naman nyang pinamili mo" sabi ni tita Jane sabay patay ng hose na ginagamit nya sa pang dilig sa mga minamahal nyang halaman. 

"Okay lang to ta, pinag hirapan ko naman yung pinang gastos ko rito and besides nag iipon lang ako ng mga gamit. malay mo next time bahay naman ang mabili ko" ngiti ko sabay marcha na papasok ng bahay. law of attraction lang yan guys. kaya yan , kakayanin.

Ng nakapasok nako sa loob ng bahay namin nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay namin. hindi naman mansyon bahay namin sakto na para sa business woman na mommy and business man na si daddy. dumiretsyo ako sa walking closet ng makapasok nako sa aking kwarto para maibalandra na lahat ng mga pinamili ko. nilapag ko lahat ng mga paper bag na dala ko sa lapag. 

what should I wear kaya para mamaya? 

tinignan ko ang mga paper bag na nasa lapag, napadami nga ata ang mga pinamili ko. good luck sakin mukang aabutin ako ng isang oras sa pag aayos ha.

8:01pm na ng na tapos kong ayusin lahat ng mga pinamili ko. pababa pa lamang ako ng hagdanan para mag hapunan rinig na rinig ko na ang kwentuhan at tawanan sa hapag kainan.

papasok pa lamang ako sa dinning room pero tanaw na tanaw ko na ang nakangising tubol kong pinsan na walang ginawa kundi makipag away sa loob ng bar ko. konti na nga lang at ipapa-ban  ko na sya roon.

"oh nandito pala ang anak ni ingredible hulk" sabi ko sabay upo sa upuan ko. kaharap ko si mommy na nasa kanan ni tita Jane, sa bandang kaliwa ko naman si dad and as usual nasa kanan ko ang tubol kong pinsan. ano ba yan nakakawalang gana tuloy kumain. buti nalang at gutom na gutom na ang mga alaga ko sa tyan, kaya kahit may tubol na katabi makakaya naman ng aking kagandahan.  

"Kamusta yung lalaking nasapak ko nung isang araw?" tanong nya ng naka ngisi. yabang talaga nito sarap bigwasan sa muka. ang kapal kapal ng muka na manapak pag dating sa aregladohan ako ang pinapahirapan.

"May naka away ka na naman ba justine?" tanong ni daddy ng mahinahon kay Justine. Bilib rin ako sa pagiging mahinahon ni daddy e. abay kung ako si daddy at pamangkin ko yang tubol na yan, abot abot na kutos aabutin sakin nyan.

"Mayabang kasi tito Patrick, tinuruan ko lang ng leksyon." proud pang sabi ng tubol. napairap nalang ako, ano bang kinakain ni tita jane habang pinag bubuntis nya yan?

"Alam mo naaawa ako kay tita Jane kasi may anak syang katulad mo" walang gana kong sabi sabay subo ng pag kain.

"Patricia Claire!" saway ni mom and dad.

"What did you just say?" he asked with a pissed tone. tinaasan ko sya ng kilay, kala nya naman matatakot ako sa kanya. 

neknek nya.

"Tumigil na nga kayong dalawa. galangin nyo ang pag kain" sabi ni tita Jane. 

simula ng namatay ang daddy ni Justine madalas na silang bumisita rito nila tita. dahil narin siguro gustong makalimot ni tita sa pangungulila nya sa kanyang asawa na si tito jackson. pitong gulang palamang noon si jackson at anim na taong gulang pa lamang ako ng pumanaw ang kanyang ama ng dahil sa tama ng baril. ilang taon na nilang iniimbistigahan ang kaso ngunit hanggang ngayun ay palaisipan parin kung sino ang bumaril at kung bakit binaril si tito jackson.

mag kapatid si daddy at si tito jackson kaya naman kahit ayaw ko ay mag kaparehas kami ng apelido ng tubol kong pinsan. si mommy at tita collen naman matagal ng mag kaibigan wala pa sila daddy at tito sa mga buhay nila. 

Independent WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon