Prologue

8 2 0
                                    

Title: Independent Woman

Written by: joyfulpoplin


This story is purely fictional and is not associated with actual people, incidents, associations, or locations.


--


Prologue


"Hold this, this, this, and this"  I asked one of my daddy's bodyguards to hold my new dresses. 

Kung tutuosin kaya ko naman mag shopping mag isa, si dad lang tong mapilit para raw ay may taga bitbit ako ng mga paper bag ng mga bibilhin ko and syempre as a good daughter sumunod nalang ako kesa naman makipag debatihan pako. 

Pag tapos kong bayaran lahat ng napili kong bilhin ay lumabas na kami sa Gucci store. Tinignan ko ang sampung paperbag na dala ng mga bodyguards ni dad. Napangiti ako. 

Mukang hindi pa sila nabibigatan, dagdagan natin.

Pumunta ako sa Chanel store. I almost forgot I'll need to buy some high heels rin pala. Dumeretsyo ako sa high heels shelf and dumampot ako ng white platform pump, black round-toe pump, and red peep-toe platform. I'm sure I'm going to use this high heels someday hehe. Mas okay ng nabili ko na sila kesa mabili pa ng iba. right?

Pag tapos kong kunin ang mga dapat kong kunin ay dumiretsyo nako sa counter para bayaran lahat ng mga pinamili ko dito sa chanel. Pinag titinginan ako ng mga tao sa loob ng store at ng mga staff dahil siguro sa maganda ako hehe

"Ms. Buenaventura saan po namin ilalagay lahat ng pinamili nyo?" tanong sakin ni Noah pag kapasok namin sa parking lot ng mall. Si Noah ang favorite ni dad sa lahat ng bodyguard nya. bakit sya favorite ni dad? aba malay tanong niyo kay dad.

"there sa back seat and then ung iba sa compartment" sabay turo ko sa aking kotse gamit ang car key remote at pindot nito para mag unlock ang mga pintuan.

"po?" alanganing tanong nya kaya tinignan ko sya ng nakataas ang kilay.

"Do I need to repeat myself?" tanong ko sa mataray na tono. 

umiling sya at sinunod ang inutos ko. ang iba nya namang mga kasama ay napakamot nalang sa ulo. iniisip siguro nila kung saan sila uupo dahil sa sobrang dami ng pinamili ko malamng hindi na sila mag kakasyang tatlo sa kotse ko. 

pag katapos nila ayusin ang mga pinamili ko sa loob ng kotse, pumasok nako at umupo na sa driver seat. nag tataka silang tatlong nakatingin sakin. kumuha ako ng 5 thousand sa pouch ko and binuksan ko ung bintana ng car ko. bahagyang lumapit si noah para makita at marinig niya ko. 

"use this, mag taxi nalang kayo" I said sabay bigay sakanya ng 5 thousand. sakto na naman ata yun, abonohan nya nalang pag nag kulang hehe masyado nakong madaming napamili ngayung araw kailangan na mag tipid.

sinarado ko na ang bintana and ini-start na ang kotse nang makauwi na. kailangan ko pang pumunta ng bar mamaya para matignan kung sinusunod ba nila ang mga binibilin ko. ayokong mag seating pretty nalang sa house namin ng hindi ko alam kung ano ng nang yayari sa bar ko syempre as a bar owner I need to know everything.

Papaliko nako pa kanan ng kanto malapit samin ng may biglang sumulpot pasalubong sakin

"what the fuck!" sabay hambas ko sa manibela.

bwiset naka sports car na orange kapa hindi ka naman marunong mag drive! abaa talagang kumukulo laman laman loob ko. Kung hindi ako naka pag preno agad aba pano nalang ang pamanang muka sakin nila mommy and daddy?

binuksan ko ng padabog ang aking kotse. abay ang siraulong may ari ng sasakyan ay nasa loob parin ng kanyang kotse. lumakad ako papalapit sa kotse nya, naka tinted glass ito kaya hindi kita ang tao sa loob. 

"get out" mahinahon pero may diin ang tonong ginamit ko sabay katok sa tinted nyang bintana. "heyy!"  nilakasan ko na ang katok at sigaw kasi mukang hindi ako na ririnig nito. 

unti unti nitong binaba ang bintana ng kanyang sasakyan. isang lalaking maputi na naka black tshirt , jeans and shades ang bumungad sakin. "what is your problem?" buong buong boses na sabi nya. 

napanganga ako. ang ganda ng boses sheet. 

teka anong sabi nya? ako ung may problemaa? aba nga naman oh kung sinuswerte ka nga naman kagwapo gwapo mo antipatiko ka.

"Are you blind ba? hindi mo bako nakita na papaliko?" taas kong kilay na tanong. aba hindi lang sya ang pwedeng mag taray dito. pano nalang kung nangudngod ang nguso ko? ha? pano nalang? panoo?

"okay then? Should I call the police?" sabi nya habang tinatanggal ang shade na nakasuot sa kanya. pinatong nya ang kanang kamay nya sa manebela habang hawak parin ang shade nya.

napatingin ako sa kanyang mata para sana bulyawan sya, sya na nga tong muntik ng makabangga sya patong malakas ang loob na tumawag ng pulis. 

Shuta claire ang gwapoo!

meron syang mahahabang pilik mata at kulay abong mga mata. napalunok ako mukang natuyuan ako ng laway sa lalamunan.  

napatingin ako sa orasan ko para ibaling sa iba ang aking paningin. its already 5:43 na. kapag hinayaan ko tong tumawag ng pulis mas lalo ako matatagalan. mag aayos pako ng mga pinamili ko at mamimili ng susuotin para mamaya. 

nag lakad ako papalapit sa kotse ko at sinuri kung may gasgas ba or what. and after a 3 minutes na pag susuri thank god at wala namang gas gas kundi panibagong gastusin na naman. 

bumalik ulit ako sa kinatatayuan ko kanina sa tabi ng gilid ng bintana ng kotse nya "no need to call the police. I have a lot of things to do pa. and na check ko naman na ung car ko at wala namang gasgas. thanks for waiting." akmang tatalikod nako para bumalik ng kotse ko ng bigla nya kong pinigilan. "wait" sabi nya habang bumababa sa kanyang sa sakyan kaya umurong ako ng konti.

tinaas ko ang kilay ko. anong problema nito?

sumandal sya sa kotse nya ng naka cross arms. "i need to know your number incase na may sira o gasgas ang car ko" 

"What? are you kidding me?" anas ko. pero ngumiti lang sya sakin ng nakakaasar. I rolled my eyes and nag marsya na patungo sa sasakyan ko at pinaandar ito. 

Ako pa iiscumin ng siraulo. if i know gusto mo lang kunin number ko dahil nagagandahan ka sakin. ulul men alam ko na mga galawan nyo.

---
Independent Woman

Written by: joyfulpoplin

Ongoing Story

Independent WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon