Kabanata 12

38 5 0
                                    

Si Draven. He's wearing a black suit and holding one black suitcase. Mukhang kadarating lang niya ngayon dahil naka porma pa siya at nasa harapan ko habang nakalahad ang panyo sa harapan ko. Nakangisi siya sa akin na parang inaasar ako sa mga tingin niya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko, kinuha ko ang panyo sa kamay niya saka pinunasan ang pisngi ko, inayos niya ang damit niya at ibinaling sa akin ang tingin.

Draven is now a business man, he's 25 years old but he's successful now. Natapos siya ng 2nd year college pero hindi na niya naituloy iyon dahil nagpatayo siya ng negosyo sa murang edad, naging successful siya at nakapag patayo ng sariling kompanya sa edad na 19 years old. Bilib ako sa kanya dahil natupad niya ang pangarap niya sa murang edad.

Magpinsan kaming dalawa sa father side, siya lang ang naging close ko sa father side cousins ko. Parehas kaming binu-bully sa school at pinagtutulungan ng mga mag-aaral roon, ngayon ay halos tinitingala na siya ng lahat dahil siya dahil siya lang mismo ang nag-angat ng kompanya niya

Nang matapos ako ay ibinalik ko iyon sa kanya kahit nagamit ko na, sinamaan niya ako ng tingin at naupo sa tabi ko.

"Nakakapagod tumakbo, palagi na lang akong hinahabol ng mga babae. Wala ring magawa sa Maynila kaya no'ng natapos 'yung meeting nagpunta na agad ako dito para makapag-relax." He sighed.

Hindi ko alam kung totoo ba ang unang linya na sinabi niya o hindi. Tumayo ako at humarap sa kanya, inaalis niya ang dumi sa suot niyang pang itaas dahil mukhang nadumihan iyon.

"Tara na sa mansyon para makapagpahinga ka muna..." Wika ko. Inangat niya ang tingin sa akin, tumalikod ako nang hindi siya pinapansin.

Naglakad na ako paalis kung nasaan ako kanina, narinig kong tinawag pa ako ni Draven ngunit hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako sa gitna ng kalsada papunta sa mansyon, nakita ko sa gilid ng mata ko na tumatakbo rin si Draven para maabutan ako. Tinatawag niya pa ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo at hindi siya pinapansin.

"Kapag nahuli kita, yari ka sa akin!" Sigaw niya na nagpatawa sa akin habang tumatakbo para habulin ako.

"Aray!" Napatigil ako nang matapilok ako sa pagtakbo. Napaupo ako sa kalsada dahil ang sakit ng paa ko.

Agad na lumapit si Draven sa akin hila ang suitcase niya pinagtawanan niya muna ako bago maupo para maabot ako. Nakahawak lang ako sa binti ko habang hindi ko iyon maigalaw dahil masakit kapag ginagalaw ko, pinilit kong tumayo pero napapaupo ulit ako.

Narinig ko pa ang halakhak niya habang nakatingin sa akin, sinuntok ko siya sa braso pero alam kong hindi siya nasaktan doon dahil mahina lamang iyon para sa kanya.

Sprained yata ang aabutin ko nito.

"Oh, kasalanan ko? Okay ka lang ba? Kaya mong maglakad? Wait lan---"

"Miss Adelaide, ano ang nangyari sa'yo?" Biglang sumulpot si Dariel kasama sina Kuya Allerick at Kuya Triston sa harapan ko. Si Kuya Allerick sng nagtanong sa akin noon, inangat ko ang tingin ko sa kanila habang nakasalampak sa lupa. Puro lupa na ang jeans ko pero hindi ko iyon pinapansin dahil ang sakit talaga ng paa ko!

Nakita ko si Dariel na seryosong nakatingin sa akin, inalis niya ang tingin niya sa akin at ibinaling ang tingin kay Draven. Madilim ang tingin niya sa pinsan ko na parang may ginawa ang pinsan ko na hindi maganda sa kanya kahit ngayon pa lamang sila nagkikita.

"Bubuhatin ka na lang nitong si Dariel. Hoy, Dariel, buhatin mo na si Miss Liana dahil wala naman ibang gagawa n'on kundi ikaw. Masakit ang katawan ko at itong si Triston ay mukhang masakit ang likod dahil nagbuhat siya ng sampung sako ng bigas o higit pa sa sampu. Bilisan mo na, Dariel." Utos ni Kuya Allerick kay Dariel na ngayon ay nakatingin sa akin, bumaba ang tingin niya sa ankle ko na hawak ko.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon