"Everyone, double time tayo ha? Gaya ng lagi kong sinasabi, one week pa lang simula nang mawala ang quarantine restrictions dito and nearby provinces at unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat so expect natin na mas maraming customers ngayon. Okay?" bilin ni Mam Eden sa amin. Siya ang may-ari ng milktea and coffee shop kung saan ako nagtratrabaho.
"Yes Mam," sabay-sabay naming sagot at nagsimula nang magtrabaho. One week pa lang din akong in-assign dito sa mismong shop, dati kasi hindi ito ang trabaho ko rito.
Since lumalakas na ulit ang benta ngayon sa mismong shop, nag-decide si Mam Eden na ipasok ako rito dahil marami silang tinanggal na mga empleyado noong mga nakaraang taon. Mam Eden ang tawag ko sa kanila, kahit na ang totoo ay Tita ko sila. Mam lang ang tawag ko sa kanila pag nasa trabaho para wala namang masabi ang mga kasama ko at gusto kong tratuhin nila ako bilang ako, hindi bilang pamangkin ng may-ari.
"Rae, pakiabot naman ang tapioca pearls please," tawag sa akin ni Dion, isa sa mga katrabaho ko. Binigay ko naman sa kaniya agad at nagpasalamat siya.
"Three orders of large Cloud Brewed Ice Lemon Milktea, Three large Cloud Matcha Frappe and two medium orders of Caramel Macchiato."
Agad kaming kumilos nang marinig ang sinabi ni Debbie. Mabilis ang bawat kilos namin. Pagkatapos niyon, sunod-sunod pang dumating ang mga orders. Ngayong bumalik na sa normal ang lahat at tinanggal na ang mga quarantine restrictions, dumadagsa na ulit ang mga tao sa malls, restaurants, at sa iba't iba pang lugar. Bumalik na rin sa dati pati ang face-to-face na pag-aaral ng mga bata sa paaralan.
Ang shop namin ay katabi lang ng isang malaking university at academy. Sa kabila naman ay isang hotel kaya dinadagsa talaga kami ng mga tao rito. Hindi sa pagmamayabang pero ang shop namin ang pinakasikat at pinakamalaki sa bayan. Ito rin ang pinaka-unang coffee and milktea shop na naitayo sa bayan.
Akala nga namin mababawasan ang mga customers namin pagkatapos ng pandemiya dahil nagsara rin kami pansamantala noon at nsglipana ang mga online deliveries pero nagulat kami dahil mas dumami pa ang mga customers namin nang bumalik na sa dati ang lahat.
"Two orders of medium Cloud Cookies and Cream, three extra large Mango Cream Cheese and two medium orders of nachos and fries with three medium-sized burgers." Banggit ulit ni Debbie sa mga orders.
"Huy Rae, bilisan mo naman ang pag kilos please!" tawag sa akin ni Hiro na isa sa mga kasama kong nagtitimpla ng mga milktea.
"Sorry," mahinang sagot ko at bumuntong-hininga. Wala akong karapatang magreklamo rito kahit pamangkin ako ng may-ari. Pare-pareho lang kaming nagtratrabaho rito.
"Mas dadami pa ito mamaya kaya kailangan nating bilisan," marahang tapik niya sa balikat ko.
At hindi nga siya nagkamali. Dahil nang sumapit ang peak hours, hindi na kami magkanda-ugaga sa pagkilos. Halos wala na ring nagkikibuan sa amin. Minsan, tutulungan ko rin iyong ibang kasama ko. Hindi lang naman kasi kape, milktea at frappe ang binibigay namin dito. Mayroon ding pastries and other snacks kaya marami talagang tao. Sa coffee and milktea nga lang ang Station ko. Isa pa, mas gusto ko rito. Mas gusto kong magtimpla ng mga inumin kaysa mag-serve.
After one hour noong kaunti na lang ang tao, binigyan kami ni Mam Eden ng break para makapagpahinga raw kami. Kaming apat lang muna na naka-assign sa milktea and frappe.
"Pahinga muna kayo. Balik na lang kayo after thirty minutes. Ako na muna mag-assist doon."
Nagpasalamat kami sa kanila bago pumunta sa likod. Napaupo agad ako at napapikit sa isang upuan sa area namin.
"Tubig, Rae?" alok ni Hiro sa akin na siyang tinanggap ko at nagpasalamat.
"Sabi naman kasi sayo dude, dapat hindi ka nagtratrabaho rito. Ano ba kasing pumasok sa isip mo at naisipan mong gawin ito?" tanong niya pa pagkatapos kong uminom.
YOU ARE READING
Just A Sip Of Your Heart
RomanceBrynn Andrada was transferred to another branch of the bank where she works in a town, an hour away from the city where she lives in. And then the pandemic came. Lockdown was announced in the whole country. How will she survive and adjust to the ne...