BRYNN
Excited akong pumunta sa park kung saan kami unang nagdate ni Harris. Gusto ko siyang i-surprise ngayong 2nd anniversary namin.
Nagsimula na akong ilatag ang mat at mga pagkain. Ganito rin ang ginawa naming dalawa noong unang date namin dito. Nag-picnic kami, dito sa eksaktong lugar kung saan ko inilatag ang mat, malapit sa ilog. Tabi rin nito ang isang puno kung saan namin isinulat ang mga pangako namin sa isa't isa. Hayy. Parang kailan lang na nangyari iyon. Ngayon, dalawang taon na kami.
Tinawagan ko siya para malaman kung nasaan na siya. Pero ring lang ito ng ring. Tinext ko na siya kanina pa na pumunta rito at sinabi niyang makakapunta siya. Inaasahan kong nandito na dapat siya. Nag-dial pa ako ng isang beses bago niya ito sinagot.
"Hi babe! Nasaan ka na?" masiglang tanong ko, pilit itinatago ang pag-aalala.
"Sorry babe. Natagalan ang meeting namin with the shareholders and I am settling something with my department. Pero don't worry, papunta na ako diyan," paliwanag niya.
Napasimangot ako ng kaunti kasi male-late siya pero okay lang, at least on the way na siya.
"Okay babe. Hihintayin kita. Ingat ka ha? I love you," malambing na sabi ko.
"Hm, sige," maikling sagot niya bago ibinaba ang tawag.
Napakunot ako nang bigla na lang niyang ibinaba ang tawag.
"Wala man lang 'I love you too'", nakangusong sambit ko.
Hinintay ko pa siya nang ilang minuto pero hindi pa siya dumarating. Muli ko siyang tinawagan at agad naman siyang sumagot.
"Sorry babe. Traffic e. Pero malapit na ako diyan, promise," paliwanag niya.
"Okay babe," mahinang sagot ko.
Sana dumating na talaga siya agad kasi kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao rito. Alas kuwatro na ng hapon at mahigit dalawang oras na rin ako rito sa park kaya maaring nagtataka na ang mga tao kung bakit ako mag-isa rito. Nahihiya na tuloy ako. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga efforts na ginawa ko para sa kaniya, nawawala ang hiya ko.
Tuwing may celebration kasi, laging siya ang nagbibigay sa akin ng regalo. Mayroon din naman akong naibibigay pero madalas, siya ang mas marami. Kaya gusto kong bumawi sa kaniya kahit sa simpleng picnic date lang naming ito.
Makalipas lang ng ilang minuto, sa wakas, ay dumating na siya.
"Hi babe. Sorry kung na-late ako," agad niyang halik at yakap sa akin habang nagso-sorry.
"It's okay babe. Ang importante ay dumating ka," nakangiting sagot ko at tinitigan ang mukha niya nang bahagya siyang lumayo sa pagkakayakap sa akin pero nananatili pa ring nakahawak sa baywang ko.
Tiningnan ko ang suot niya at medyo gusot ang suit at necktie niya. Pero hindi ko na iyon gaanong pinansin.
"How's work? Nagpaalam ka kay Tito?" tanong ko na tinanguan naman niya.
"Nagpaalam ako kay Daddy na magkikita tayo ngayon. Kaya pagkatapos ng meeting namin with the shareholders, pinayagan na niya akong umalis. Pero nagkaroon pa ng isang mini incident sa department namin kaya inayos ko muna iyon before I decided to leave," paliwanag niya at tumingin sa likuran ko.
"Ano ang mga ito?" tanong at turo niya sa mga nakalatag sa mat.
Napangiwi ako at nahihiyang ngumiti sa kaniya. Shet. Nakalimutan ko tuloy iyong sasabihin ko. Mukhang napansin niya iyon kaya nginisian niya ako at pinisil ang pisngi ko.
"Happy anniversary babe," inunahan niya ako sa pagbati.
"H-happy second anniversary babe," namumulang bati ko. "Inunahan mo ako," sabay nguso ko.
YOU ARE READING
Just A Sip Of Your Heart
RomanceBrynn Andrada was transferred to another branch of the bank where she works in a town, an hour away from the city where she lives in. And then the pandemic came. Lockdown was announced in the whole country. How will she survive and adjust to the ne...