Prologue

2.2K 77 24
                                    

Nakatambay lang ako dito sa may reception at inaantay ang mga magpapamasahe habang pa scroll scroll sa facebook ko ng biglang pumasok ang isang matipunong lalaki na naka pang business attire pa.

Dahan dahan itong lumapit sa akin at tinitigan lang ako at biglang sinabing...

I want you, ani nito gamit ang baritono at nakangingilabot na boses nito

Natameme na lang ako dahil sa bilis ng mga pangyayari at pilit ring iniintindi ito.

Hehe, Good evening rin po welcome to DenMarc Spa, masigla ko nalang pagbati para mabasag ang awkward na katahimikan.

Gago ba 'to? Isip isip ko nalang habang nakangiti parin sa kaniya.

__________________

6 hours ago........

Sammy's POV

Oh Sammy buti naman hindi ka late akala ko gagamitin mo nanaman ang magandang best friend mo para makalusot eh, ani ng manager namin na best friend ko.

Baklita ka kailan naman kita ginamit aber?, at anong maganda tigil tigilan mo nga pagbubuhat mo ng sarili mong bangko, pagtataray ko naman dito.

Anong buhat ng sariling bangko? For your information maganda ako atsaka ito ang standard beauty para sating mga bakla ikaw lang naman itong masyadong ginalingan at nagmuka lang na babaeng tinubuan ng lumpia, hmph!, pabalang na sabi pa nito

Heh!, Manahimik ka dan dami mong palusot ayaw nalang umamin na pangit, pang aasar ko pa

Bala ka na nga dan, hmphh!, At tuluyan na ngang umalis at natawa nalang ako dito.

Medyo totoo naman ang sinasabi niya eh maganda naman talaga si Cindy pero ako lang itong bida bida at masyadong ginalingan ni god ang pagbuo sa akin kaso na misplace ata yung lumpia kaya naman ending naging lalaki ako hehe.

Pero kahit na ganon pa man kung anong kina swerte ko sa kaanyuang ito mula sa mala porselanang balat, maamong muka, at magandang pangagatawan dahil batak rin sa trabaho, pero kahit na ganon ay hindi naman ako nagkaka masel ewan ko ba tumatambok lang ang pwet at mas lumiliit baywang ko na para bang yoga ang ginagawa ko at hindi pagkakargador sa palengke hehe.

Pero mabalik na nga tayo sa usapang swerte, kahit na mala diyosa ang ganda ng baklitang ito ay di tayo mawawalan ng evil step dad, opo tama kayo ang baklitang ito ay may buhay na mala prinsesa pero tapos na ako sa point na pasarap at nandito na ako sa part na pagpapahirap na dahil sa buwakanang inang yon.

So ito na nga ang chika, ang papa ko ay namatay pagkalabas na pagkalabas ko palang sabi ni mama, hindi ko naman inakala na ganon kalakas beauty ko edi sana nag stay muna ako sa sinapupunan ng mama ko ng mga ilang months pa, char...

So ayun na nga na deds na si father dear tapos si mother dear naman ay nag asawa ulit nung ten years old ako, syempre wala naman akong angal kasi masaya naman sila eh pero after two moths matapos akong makatapos ng highschool ay na deds rin si mother dear dahil naman sa leukemia, ispin niyo fourteen years old lang ako noon. Yes fourteen, maaga ako nag grade one dahil tinututor ako ni mama sa bahay at nag lakdaw pa ako ng isa pang grade kaya nagka ganon subsob rin kasi ako sa pag aaral syempre beauty with brains tayo kaya ang aga nakapagtapos ayon na nga na deds na si mother dear tapos yung step dad ko aba parang ahas lang biglang nagpalit balat.

Idée Fixe: His Possession (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon