Two

983 51 23
                                    

Sammy's POV

Nakatayo lang ako dito sa harap ng di mo malaman kung mansyon pa ba ang itawag dito or SM the second eh tapos ang sabi pa ng mga tauhan pagmamay ari lang ito nung damuhong yon at may iba pang mansyon sila sa bulacan at yun naman ay family house nila meaning dun naman yung parents niya.

Gagong yon mukang mali ako ng binangga ah, dear god tulungan niyo po ang munting baklitang ito, pagsusumamo ko naman.

This way po Ms. Sammy, ani naman ulit nung bodyguard kuno sabay lahad nung daanan patungo sa kung nasaan yung gunggong.

Ah, Kuya Sammy nalang atsaka kahit ganito po ako eh lalaki po ako ng slight kaya wag niyo na po akong tawaging miss or madame hehe, sagot ko nalang dun kay kuya, kakahiya kasi mamaya iniisip nito na may kipay ang baklitang ito.

Kitang kita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya.

"Damuho ka sabi na nga bat akala nito may kipay ang isang magandang katulad ko", isip isip ko nalang din sabay nginitian siya na para bang nagpabalik sa wisyo nito.

Ah, Sorry po Miss pero ayon po ang utos po ni Mr.Ivanovich, which is to address you as his wife, or mas prefer niyo po ba ang Mrs. Ivanovich, pabalik namang tugon niya na talagang nagpanganga sa akin.

Ah sige ayos na ako don sa Miss, tara na kuya baka nag aantay na si Alexander hehe, pag sang ayon ko nalang mamaya baka kakapilit ko baka ituluyan na akong tawaging Mrs. Ivanovich nito eh pagmamasahe lang naman ang ipinunta ko dito.

Tinahak namin yung malaking sala daw eh mas malaki pa to sa reception ng Spa eh, habang manghang mangha ako sa itsura ng loob ng mansyon niya na para bang nagsusumigaw ng karangyaan, isama mo pa yung napakalaking labas nila eh kung sa tapat siguro kami ng dambuhala nilang gate ay baka kasing haba na ng isang buong baranggay ang nilakad namin, malay ko ba naman dito sa amo ng mga ito alam ko namang mayaman siya pero kailangan ba talagang isampal yon sa isang magandang baklitang katulad ko.

Habang manghang mangha pa ako dito sa loob ng bahay niya ay patuloy parin kaming naglalakad at ngayo'y umaakyat na sa dambuhalang hagdanan, siguro kung dito nalalaglag yung mga bida ng teleserye ay hindi lang ito malulumpo baka natuluyan na yung mga yun.

After many many years nakaakyat naman kami at ang lola niyo kinailangan pang higitin yung isa sa mga damuho para lang magsi tigil aba anong tingin nila sa akin, hingal na hingal parin ako habang sila naman ay parang wala lang mga sanay na siguro itong mga to.

Nang mahabol ko ang hininga ko ay nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking pinto at sinabing dito na daw ako at parating na daw si Alexander.

Dali dali naman akong pumasok dito at sumalubing sa akin ang kwartong binubuo ng mga kulay na black, gray and white, minimalistic lang ang design niya pero nagsusumigaw parin ng karangyaan.

Nag set up na nga ako para hindi na siya maghinala kapag harap harapan pa akong nagsindi ng mga kandila,

Infairnes naman sa Best friend ko ah mukang eepekto talaga to amoy palang parang gusto ko nalang din humilata sa malaking kama nito, kaya naman bago pa ako talaban nung mga kandila ay lumipat na ako sa kabilang panig nung kama, sinadya ko talagang ipwesto yon sa parte kung saan ko siya pahihigain aba mabuti na yung sigurado mamaya ako pa ang makatulog dahil doon edi mas malaking problema.


___________________

Alexander's POV

Taimtim akong nagbabasa at pumipirma ng sari saring dokumento at kontrata para sa kompanya ko nang may kumatok naman at sinabing..........


Idée Fixe: His Possession (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon