epilouge

1.3K 43 7
                                    

Dedicated to : @lyncent_magtalas

Sa buhay 'di natin inaasahan lahat ng bagay o pangyayaring dumating satin. Wala tayong kasiguraduhan kung sino ang nakatadhana sa atin. Maraming nangyayaring kahit ang akala mong para sayo ay hindi pala mapapasayo. Ang akala mong masaya kana, my isasaya kapa pala.

"MJ, di mo kilangan magmokmok ok? I'm sure gusto din niyang matupad ang pangarap mo. I mean yong pagpunta mo ng London para mag-aral. At alam kung ayaw niyang nagkakaganyan ka. Mj nagpapahinga si Cj, di ka dapat magmokmok. Panu ka nalang pagnagkasakit ka ha? Alam namin na nahihirapan kana. Peru di naman pwedeng magmokmok ka nalang. Andito naman ako eh. Tutulungan kita. Gusto mo ba samahan kita sa London? Maghahanap nalang ako ng trabaho dun." pagpapaliwanag ni Jl ky Mj.

"oo na po, nage-emo lang ako dito no, namiss ko lang kumain ng dragon fruit.haha" sagot ni Mj at pilit na ngumiti.

"namiss mo na siya no? Andito naman ako eh, so anu samahan kita sa London?"pagpupumilit naman ni Jl.

"wag na!baka pag palagi kitang kasama dun, mainlove pa ako sayo" biro naman ni Mj.

" eh di mas maganda"seryosong sagot ni Jl.

" hahahaha baliw kalang" yan nalang ang nasagot ni Mj. Ayaw niya kasing magbigay ng salita na walang kasiguraduhan.

,,,,,,,,,,,,,,,,,,

Airport

"balyena, wag mo kalimutan na tumawag sakin ha, uso skype, viber, whatsApp, facebook or kahit text lang ha" naiiyak na sabi ni Christine. Inakbayan lang ito ni Jasper para aluhin.

"couz, dont ya worry. I'll take care of everything, lalo na si honeybunch ko" sabad naman ni Aly at pinulupot ang mga kamay sa braso ni Jl. Natawa naman ang lahat. Peru si Jl seryoso lang itong tinanggal ang pagkakapit ni Aly sa kanya.

"pagkilangan mo ako. Tawagan mo lang ako ha. Pupuntahan kita dun, tsaka mag-ingat ka dun ha. Mamimiss ka namin. Maghihintay kami sa pagbabalik mo" sagot naman ni Jl at niyakap si Mj.

"ay kayo lang? Wala kaming hug?" awat ni Nova ky Mj at Jl. Kaya nakiyakap narin yong iba.

" bye pako, wag kang pasaway dun ha.baka mamartirlyo ka dun, di kana makauwi dito dahil napako kana dun. Haha" sinamaan ito ng tingin ni Mj at pinektusan ni Nova. Kaya napakamot nalang ng ulo si Gerome at natawa naman silang lahat.

Nagpaalam narin si Mj sa lahat dahil kilangan na niyang pumasok. Nandun narin kasi ang magulang niya sa London. Ang lola Minerva niya naman ay nahirapan mag biyahe kaya di na ito sumama sa pag hatid sa kanya.

Kumawala ang luhang kanina pa niya pinipigilan dahil ayaw niyang mag-alala ang mga kaibigan niya. Patuloy siya sa pag iyak hanggang makasakay siya ng eroplano. Naisip niyang para narin sa ikabubuti niya ito. At para di narin mag-alala mga magulang at kaibigan niya.

.,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

2 years after

"Oh! em! G! Couz, I miss you so much" Patakbong sinalubong siya ni Aly at niyakap.

"me too bestfriend. Namiss din kita sobra" patakbo din itong lumapit si Christine ky Mj. Peru bago ito makayakap ky Mj ay pinektusan niya ito. Gayun din si Aly. Kaya napasimangot ang mga ito.

"tsk! Parang di kayo pumunta sakin last week para umattend ng graduation ko ah." inirapan niya nalang ang dalawa at naglakad papuntang helicopter.

"magpasalamat ka dapat samin, napagod kaya kami para sa surprise para sayo.hmp!" si Christine na padabog na naglakad papunta din sa helicopter.

"hayaan mo na ang dalawang yan. Lika na, naghihintay na sila sayo. Peru dapat my piring ka. Hep! Wag ka na magreklamo" wala ng nagawa si Mj kundi hayaan siyang lagyan ng piring. Dahil excited narin itong maka-uwi.
,,,,,,,

Nang lumapag ang helicopter ay agad na inalalayan ni Jl si Mj para bumaba. Panay pa ang reklamo nito kasi bakit daw kilangan pa niyang lagyan ng piring. 'di naman siya sinasagod ni Jl at patuloy lang ito sa pag-alalay sa kanya. Naramdaman niya ring pa-akyat na siya ng hagdan. Pagkatigil nila sa paglalakad ay my ibang kamay na humawak sa kaniya,dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang piring niya. Tumambad sa kanya ang ngiting matagal na niyang makita. Na sobrang miss na miss niya ang my-ari nito.

"i miss u Supalpalera, Mataray at Pasaway Queen. Crying baby, palaging nagskip ng klase at tumatambay dito sa tree house" nakangiting sabi nito. Naguguluhan naman si Mj sa sinasabi ng kaharap.

"naalala ko na ang lahat. Remember this?"pinakita niya ang isang ring na my kalahating design ng infinity.

"teka,anung ibig sabihin nito? Akala ko si Jl ang batang yon? But nasayo ang kalahati ng ring nayan na kapares ng binigay nung bata nayun?" di alam ni Mj kung anu ang nangyayari.

" makinig ka muna princess ipapaliwanag ko sayo lahat" tumango naman si Mj bilang tugon.

" noong makamalay ako galing sa coma saka ko naalala kung sino talaga ako. At ako yong batang nangako na hahanapin ka paglaki natin. Peru ng makauwi ako nadatnan ko nalang si Papa na nakahandusay sa daan na patay na dahil sa tama ng baril, si Jl ang nakakita kung sino ang bumaril sa papa ko. Sinabi niya sakin kung saan nagtungo ang taong yon. Gusto kung ipaghiganti si papa kaya bago ko sundan ang lalaki binigay ko ang kwentas ky Jl para hanapin ka at bantayan para sakin dahil kapatid ko naman siya at di ko alam kung hanggang kelan ko mapaghiganti ang papa ko kaya inihabilin kita ky Jl. Peru hanggang dun lang naalala ko. Di ko pa alam panu nawala ang alaala ko dati. At Marc James Gomez ang pangalan ko. Diba parehu tayong Mj,sabi mo di mo na makakalimutan yon?" napaiyak nalang si Mj sa sobrang tuwa at mahigpit na niyakap si Cj.

"ssshh tahan na."pang-aalo ni Cj. " sobrang saya ko lang na malaman ikaw ang batang yon"sagot ni Mj na patuloy parin sa pag-iyak.

"iyakin ka talaga. Bals, hindi payan ang surprise" nakangiting sabi ni Cj. Nagtataka namang kumalas sa pagkakayakap si Mj.

Dahan-dahan namang lumuhod si Cj at my nilabas na maliit na box,binuksan niya ito at tumambad ky Mj ang isang diamond ring. " Myrtle Jadelyn Sandoval will you spend your lifetime to me?will you be my mother of our children? Princess will you mary me?"madamdaming tanong ni Cj/Mj

"NO! Grabe wala ng liwagan? Di mo pa nga ako girlfriend no" napakamot naman ng ulo si Cj. Di niya inaasahan na ganun ang isasagot ni Mj.

"ok,liligawan kita,sorry ha, di ko na kasi naisip ang bagay nayon. Sobra lang siguro kitang mahal kaya gusto ko ng masiguradong ikaw makakasama ko habang buhay" inirapan lang ito ni Mj.

"tsk! Nagmamadali pala eh.oh umpisahan mo na manligaw tanungin mo na ako " mataray na sagot ni Mj. Di pa kaagad naintindihan ni Cj kaya di ito nakapagsalita peru ilang saglit lang ay nagtanong din ito.

"bals pwede ba kitang maging girlfriend?" nakangiting tanong ni Cj/Marc james

"oo na,boyfriend na kita.hala! Magpropose kana. Ang bagal!"kunwaring pagtataray ni Mj.

" Myrtle jadelyn Sandoval will you spe..." di na natapos ni Cj ang sasabihin nito dahil sa hinalikan na ito ni Mj.

"ang bagal mo kasi,YES! Oo! Opo!yeah! Magpapakasal ako sayo"natatawang sambit ni Mj pagkatapos ng kanilang halik.

A/n : dahil sa my naghalungkat talaga ng story na to my special chapter pa po. Thank you po sa walang sawang suporta.

Unexpected Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon