chapter 18: selosan

1K 48 2
                                    

Shara point of view

Ay letsugas barabas, Kakainis na talagang Mj nayan. But pa kasi umuwi yan dito,ok naman siya dun sa siyudad ah. Hindi ko na sana siya sinumbong ky tito Oliver. grrr nakakainis kang babae ka. Kahit alam kung pinsan niya lang si Cj, peru naiinis at nagseselos parin ako sa pina pakitang concern ni Cj sa kanya. Panu nagawa ni Cj yon? Panu niya niligtas ang babaeng yon? Di naman marunong lumangoy yon eh. Baka nagkukunwari lang di marunong lumangoy? hayst. Peru parang di naman sila magpinsan. DI sila magpinsang buo dahil apo siya ni lola minerva sa anak niya sa una na nasa states. Dinala lang siya dito ni Tito Esmael dati ng mahigit isang taon ng umalis sila Mj, nalulungkot daw si lola Minerva. Peru pinagtataka ko lang noon eh. Ang galing niyang magsalita ng lenguahe dito kung sa states talaga siya nanggaling. Haist, tama na nga tong pagpaflashback.

"Shara babantayan ko muna si Mj ha.,kung gusto mo,mauna kana dun sa water falls" sabi ni Cj

Ganun lang yon? grabe talaga tong Mj na to. pahamak eh. Nasira na yong plano namin ni Cj na gagala, Kami lang sana dalawa pupunta dito.but sumama pa kasi mga asungot na to.

"ah.hehe ok sige" yon nalang nasabi ko. Maiinis lang kasi ako lalo pag nakikita kung ina asikaso nya si Mj. Wala na badtrip na ako. Makaligo na nga lang.

"salamat ha" sabi ni cj. Si Mj di manlang tumingin. tsk! peru di ko naman kelangan thank u nya eh.

"sige alis na ako" sabi ko at bumalik nalang ako sa water falls.

Mj point of view.

Andito na kami ngaun sa bahay kubo nila Jl,at wala si Jl, si kulugo lang kasama ko. But di narin kasi to umalis?

"pwede mo naman ako iwan dito eh. Bumalik ka nalang dun" seryosong sabi ko ky kulugo

"wala kang kasama dito" mabilis na sagot niya

"ok naman ako eh" sagot ko

"ok eh nalunod ka na nga,napilay kapa ata"inis na sagot ni kulugo

"kaya ko na sarili ko, kasi naman nakakailang siyang kasama.

"kaya eh,bratenila ka kaya" kulugo

"di ako bratinela" sagot ko

"eh di spoiled brat" kulugo

"my pagkakaiba ba dun?" tanong ko

"meron, isang word lang ang bratinela,dalawa ang spoiled brat" nakangising sagot ni kulugo.

Shitness naisahan na naman ako. But ba pag lalaking to kaharap ko napaphiya ako lagi. grrr Parang si night shinning armor ko lang.

"tulala ka sa kagwapuhan ko?" untag sakin ni kulugo

"lumayas ka na nga, di na kita kailangan." inis na sabi ko

"walang considerasyon na babaeng to, magpapahinga din ako no. kapagod kayang sagipin ka. Dambohalang Balyena ka pa naman.haha" sabi ni kulugo tsaka umupo sa gilid para di ko maabot.

"grrrh," inis kung hiyaw

Anung gagawin ko? Naiilang ako sa kanya,kasi siya nagsagip sakin,siya din ata nag yong hinahalikan. yong mouth to mouth resuscitation. Ibig sabihin siya unang first kiss ko, letse talaga siya na na nga unang nakayakap sakin na lalaki eh. grrr maliban sa papa ko siya kasi ang lalaking unang nakayakap ko noong my multo sa bahay ni lola.

"ako iniisip mo?"

"ay kalabaw na mukhang pusa" biglang sabi ko kasi ginulat ako ni Jl.

Jl point of view

Ang cute talaga ni Mj pagnagugulat. haha

"grabe ka naman, dati tikbalang ngaun kalabaw,mukhang pusa pa." kunwari tampo ko

"hehe,nanggugulat ka kasi.Saan ka galing?" mj

"eto oh dragon fruit" sabi ko sabay bigay sa kanya ng dragon fruit.

"wow, para ba sakin yan?" excited na tanong nya

"oo.alam kung paborit..."di ko na natapos sasabihin ko ng niyakap nya ako

"thank u thank u"sabi ni mj at biglang kumalas sa pagkakayakap sakin. Nailang siguro sa ginawa niya.

"sorry,natuwa lang ako"nakayukong sabi ni mj.

"ok lang,masaya nga ako at napasaya kita" sagot ko.

Ang bait nya ata ngaun. Dahil ba nalunod ito o sa pilay nya. Alam ko ang nangyari sa kanya kasi narinig ko pag uusap nila bago sila dumating dito. Nagtago lang ako sa likod ng bahay kubo peru ng marinig kung nagsasagot si cj at mj, parang nagseselos ako na di ko maintindihan.

"tulala ka jan? ganyan naba ako ka ganda?" untag ni mj

"haha oo nman maganda kapa sa inaakala mo" sagot ko

Cj point of view

Tsk! grabe tong babaeng to,ako na ngang naligtas sa kanya,binuhat ko pa siya papunta dito peru inaaway pa ako, nagpasalamat nga kanina,parang nang iinsulto pa. Peru si Jl dragon fruit lang binigay niyakap na nagthank u pa. tsk!magsama sila maka alis na nga.

"alis na ko, my taga bantay kana" malamig na sabi ko.

"geh pre.salamat ha." sagot ni jl

"ok"sagot ni mj

Kainis talagang babaeng yon. Wala talagang puso. Naglakad nalang ako pabalik ng falls. n

Nakita ko si shara at dalawang magkasintahan na lumalangoy, peru malayo si shara sa dalawa,ng makita niya ako ay ngumiti ito sakin. Pumunta siya agad sa gilid para salubungin ako.

"san na pinsan mo?" shara

"dun parin sa kubo kasama si Jl." sagot ko tsaka nilagpasan siya at naligo narin ako para mabawasan inis ko

"Best, byernes santo ba ngaun?" tanong ni jasper ng makalapit ako sa kanila

"sabado. tanga" sagot ko

" sabi ko byernes santo, yan kasing mukha mo,parang pinako ka sa krus,haha" paliwanag ni jasper

"tsk!, maligo ka nalang jan" inis paring sagot ko

"cj san si balyena,ok na ba siya?" tanong ni christine

"ok na yon,andun naman si Jl niya" sagot ko tsaka lumayo sa kanila.

"kaya pala, kaya pala, nagseselos siya,kasi my kasamang iba ang mahal niya" kanta ni jasper

Meron bang kantang ganun? Ngayon ko lang ata narinig yon ah.

"oh kay sakit naman ng puso ko, dahil nagseselos ako" sigunda ni christine

tsk! mag baliw talagang magsyota na to.

"bakit nga ba mahal kita,kahit my mahal kanang iba,mamahalin parin kita" si jasper uli, naku malala na,ginawan ng bagong lyrics ang kanta

"i love u nalang sa tago" birit ni christine kaya napangiti nalang ako sa kanila. Bagay talaga sila.parehong my topak.

Kung anu ano nalang pinag kakanta nila hanggang sa napag pasyahan namin na umuwi na sa bahay kubo nila jl.  Pag dating namin dun,nakita namin na nagluluto si Jl, si Mj naman ngiti ng ngiti na tinutulungan si Jl. Tsk!! kakairita tignan.

"oh dito na pala kayo" bati ni mj tango nalang sagot naming lahat dahil pagod sa kakalangoy

" umupo lang muna kayo jan,malapit narin tong niluluto namin." sabi ni jl

kaya nasiupo narin kami sa sahig,dahil walang mesa. Ilang minutes lang ang nagstart narin kaming kumain.

"mj subuan na kita ha" sabi ni jl

"naku wag na,wala namang deperensya kamay ko eh" sagot ni mj

"sige na,diba natalo ka kanina sa pustahn natin at lahat ng sasabihin ko ngaung gabi susundin mo" sabi ni jl

"sige na nga."sagot ni mj kaya sinubuan siya ni jl

"naku mj my magseselos" biglang sabi ni jasper

"ha sino?"takang tanong ni mj

a/n :

thank u po, please vote and comment naman po kayo. :-)

Unexpected Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon