Chapter 10: The Decision

50 7 2
                                    

AURORA'S POV:

Kinabukasan ay agad na pinatawan ng parusa ang apat na gumawa ng krimen at isinisi iyon kay Hespera. Sa huli ay sila pa rin ang binigyan ng parusa at suspension dahil sa ginawa nila.

Kung ang library ang ipinalinis kay Hespera, sa apat na yon ay ang mga banyo at ang mga lumang lugar sa academia ang kanilang nilinisan. Napansin ko rin ang pagkainis ng councilor dahil napawalang sala si Hespera. Mukang mainit ang dugo nya sa kapatid ko.

Karamihan naman sa mga mages ay humanga dahil sa ipinakitang gilas namin ni Luna kahapon. Oo. Plano na iyon. Si Luna ang mag-sisimula, at ako ang tatapos.

Ang ibang mages na bumilib samin ay sinubukan kaming kausapin upang tanungin kung paano namin iyon nagawa. Kung paano namin nalinlang si Cristonia na marami na rin palang nabiktima.

Sikat pala ang apat na yun dito. Si Isabella, Cristonia, Agatha at Riana. Aaminin kong sobrang gagaling nga nilang apat lalo na sa pagpaplano at pagsasagawa nito. Ngunit sayang ang kanilang talino kung hindi nila ito ginagamit ng maayos.

Kung tutuusin ay magiging magaling silang truth propagator kung sakaling maayos ang pag gamit nila. Isipin ninyo, si Cristonia na maaaring ilahad ang buong katotohanan, si Isabella na maaaring gumawa ng ilusyon upang mapaamin ang tunay na salarin, si Agatha na maaaring humanap ng ebidensya ng walang nakakapansin at si Riana na maaaring gamitin ang kanyang kapangyarihan upang palabasin ang tunay na nararamdaman ng salarin.

Ang kapangyarihan ay sobrang ganda at kapaki-pakinabang, ngunit bakit mas pinipili nilang gamitin ito sa mali? Nakakatawa na nakakaawa.

"When the start of your day isn't beautiful and yet you still saw someone who makes it uglier. Argh. So unfortunate." napairap ako sa kawalan ng marinig ko ang mayabang na boses ng hinayupak na halimaw na yon sa tabi ko.

Inis ko syang tinignan at nakatingin na pala sakin ang malamig nyang mata ngayon. Ano bang problema nya at kailangan pa nyang maging epal sa buhay ko? Ang panget panget nya. Nakakawalang gana.

"Close your eyes or just die if your day is unlucky." sagot ko at inirapan sya at nag-lakad ng mabilis para makalayo.

Pero dahil putangina ang lalaking to, sinundan nya pa rin ako at mukang hanggang sa classroom ay bubwisitin nya ko ng hard.

"Your mouth is too foul, my beloved princess." muli akong napairap dahil sa sinabi nya.

"Who cares? And don't call me my beloved princess. Its disgusting." sagot ko at muli syang inirapan pero ngumisi lang sya na syang lalo nyang ikinapangit.

'Tanginang muka yan.'

"So damn brave." bulong nya na syang ikinairap ko. Hindi ko nalang sya sinagot at nag-lakad nalang.

Nasan sila Luna at Hespera? Ayun, di ko alam. Basta ang sabi ni Hespera ay pupunta daw sya sa library. Malay ko kung anong gagawin nya dun. Si Luna naman mukang nag-gala.

Well, marami na syang so-called-friends ngayon. Meh! Ni hindi nga sya sigurado kung sino-sino ang mga totoo at peke sakanya.

Basta ako, bahala sila. Wala akong balak makipagkaibigan sa iba dahil may mga kapatid naman ako. At isa pa, ayoko sakanila.

"Your class is on the field, right? P.E?" tanong nya. Ano bang pake nya?

"Who knows? Beats me." sagot ko at inirapan syang muli. Nakita ko naman ang pag ngiwi nya na para bang ang sarap sarap kong kausap.

'Psh.'

"Your class will join us later in the potion class. Did you know that?" tanong nya pa ulit. Bat ba gusto nyang makipag-usap sakin? Tss. Parang ewan.

Slaying the Most Powerful MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon