Chapter 12: The Mission

51 6 1
                                    

LUNA'S POV:

"Propesor, malayo pa ba? Gutom na ko." nakangusong reklamo ko habang nakahawak sa bag ko at sinusundan si propesor Aletheia.

"Malayo pa ang lalakbayin natin, Minerva. Ni hindi pa nga tayo nakakalabas ng bayan." sabi nya na syang ikinakamot ko ng noo.

"Eh yung hood? Pwede ko na bang alisin?" tanong ko pang muli.

"Sige ng tugisin ka ng mga salamangkero." sabi ni propesor na syang ikinanguso ko lalo.

"Di ba tayo sasakay? Kahit sa karwahe man lang?" tanong ko pa.

"Mahal ang karwahe. Sa kalesa nalang tayo sumakay." sabi ni propesor at muli na naman kaming naglakad.

'Akala ko ba sasakay?'

"Propesor, ilang oras na tayong naglalakad oh!" inis na reklamo ko kaya iritadong humarap sakin ang kasama kong propesor.

"Iwan na kaya kita ano? Ang dami-dami mong reklamo." nakangiwing sabi ni propesor na syang ikinanguso ko.

"Wala kang masasakyang kalesa dito kaya kailangan pa nating lumabas ng bayan dahil doon may mga sasakyan. Hindi mo ba alam na walang tesa ang mga kalesa rito kaya't wala kang makikitang mga kalesa?" sabi ni propesor. Umiling ako bilang sagot.

'Ano bang alam ko dun eh bago palang kami?'

Ang tesa na sinasabi ni propesor ay ang linya ng mga kalesa kung saan sila dapat pipila at kung sino ang nasa unahan ay syang unang kukuha ng pasahero.

Sabi ni propesor ay dapat kaming maglakad sapagkat malayo ang aming lalakbayin at baka mapagod kami kung gagamitin namin ang aming mahika.

At sabi pa nya, dapat daw nage-ehersisyo din ako upang mabanat naman daw ang mga buto ko. Hindi daw maganda ang tatamad-tamad.

'Teka, di naman ako tamad ah?'

Nang makalabas kami ng bayan ay namangha ako ng nakita ang samut-saring mga tinda at mga disenyo ng lugar. Sa loob kasi ng bayan ay iisang eskwelahan lang ang meron dun. At yun ay ang Rezantheia Academia.

Nakakamangha pala ang labas ng bayan. Parang ang saya-saya lahat ng mga salamangkero. Alas otso palang ata ng umaga ngunit buhay na buhay na agad sila!

"Doon tayo." agad akong napatingin kay propesor ng magsalita sya.

Ngunit sa dami ng salamangkero ay hindi ko na sya nakita pa. Napalunok ako at pilit na umalis sa gitna ng ng mga salamangkero ngunit hindi ko magawa. Bagkus ay nabubunggo lang ako at naaapakan pa ang paa ko. Masyado pa naman silang nalalaki kesa sakin.

"Dito tayo." agad akong natigilan at napatingin sa taong humawak sa kamay ko at hinila ako paalis sa gitna ng maraming salamangkero.

Hindi ko gaanong makita ang muka nya dahil may hood sya. Pero sigurado akong kilala ko ang boses nya.

'Narinig ko dati yun eh.'

"Sino ka?" tanong ko habang nakatingala sakanya at hinahayaan syang dalhin ako kay propesor.

"Hindi mo na ba ko naaalala, mahal na prinsesa?" muli akong natigilan at nanlaki pa ang mga mata ng marinig ko ang pag tawag nya sakin.

Huminto sya sa paglalakad at humarap sakin. Lalong nanlaki ang mga mata ko ng alisin nya ang hood ng suot nyang kapa.

"Mahal na prinsesa." nakangiting bulong nya at ngumiti sakin na muli na namang naghatid ng kapayapaan sa loob-loob ko.

"A-apollo." gulat na pag tawag ko sa pangalan nya. Lalo syang ngumiti at muling tumalikod.

Slaying the Most Powerful MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon