Chapter 13: The Feelings

64 7 3
                                    

LUNA'S POV:

"Hindi ako ang prinsesang hinahanap ninyo." mariing pag tanggi ko upang makatakas na kami rito. Dahil sa oras na malaman nilang isa kong prinsesa ay hindi imposibleng tugisin nila kami at mapapahamak lalo ang mga kasama ko.

'At hangga't maaari ay yun ang iniiwasan kong mangyari.'

Hindi ko gustong itanggi ang pagkatao ko. Ngunit kinakailangan lalo na't naiipit kami sa sitwasyon ngayon.

Hindi nakapagsalita ang mga lalaking nasa harapan namin at halatang nagdadalawang isip kung totoo ba ang sinasabi ko hindi. Pero kung ayaw nilang maniwala, wala akong magagawa.

Nagtungo ako sa aming guro at tinulungan itong tumayo. Nakaalerto naman si Apollo para kung sakaling may umatake ay magagawa nyang lumaban.

"Aalis na kami. Kung gusto nyo talagang makilala ang mga prinsesa, sa hari at reyna kayo magtanong." sabi ko at tinalikuran na sila at naglakad na kami paalis ng gubat na yun.

Agad kaming nagtungo sa pampang upang muling sumakay pabalik sa Aisla Tesa dahil sa ibang bayan naman kami magpupunta.

"Ayos ka lang ba, propesor?" tanong ko. Tumango naman sya at ngumiti.

"Oo naman. May self-restoration ako kaya hindi nagtatagal sakin ang sugat." sabi nya na syang ikinangiti ko rin.

"Magaling ang ginawa mo, Minerva. Ngunit kailangan mong matutunan ang salitang pasensya." nawala ang ngiti ko at nagtaka dahil sa sinabi nya.

"Sinadya kong magpasampal upang makita kung ano ang magiging reaksyon mo. Nung una ay kinabahan ako dahil baka isiwalat mo kung sino ka talaga, ngunit bumilib ako sayo ng hindi mo iyon ginawa." papuri nya at muling ngumiti.

"Ngunit hangga't maaari ay wag kang mananakit. Dahil kahit saang banda mo tignan, ang unang nanakit ay syang masama." seryosong pangaral nya at ngumiti pa sakin. Ngumiti rin ako ng pilit atsaka napabuntong pahinga.

"Patawad po." 

Muli kaming sumakay sa isang bangka na binayaran ni propesor. Buti nalang at mukang naniwala sila sa sinabi ko dahil kung hindi ay baka malaman ng karamihan na ako ang prinsesa at tugisin kami habang naglalakbay.

'At hindi ko alam kung may gagawin ba ang head master tungkol dun lalo pa't may karapatan ang karamihan na paslangin kami ng mga kapatid ko.'

"Saan na tayo pupunta ngayon, propesor Aletheia?" tanong ni Apollo. 

"Sa Casa Enrico. Medyo malapit lang yun kaya dun na rin siguro tayo magpapalipas ng gabi." sabi ni Propesor na syang tinanguan namin.

"Naku, propesor, ang Casa Enrico ay hindi tumatanggap ng panauhin ngayon." sabay-sabay kaming napatingin sa naghahatid samin na matanda patungo sa Aisla Tesa ng magsalita sya.

"Po? Bakit naman daw po?" tanong ng aming guro.

"Hindi nyo ba nabalitan ang naganap doon na kaguluhan? Kasalukuyang ipinasasara ang bayan na yun tuwing gabi dahil laganap doon ang mga krimen. Usap-usap nga dito sa Eleif Town na mayroong mga tulisan daw na pumapasok sa kabilang bayan na naging dahilan para magsimula ang kagimbal-gimbal na nangyayari sa bayan na yun." pagku-kwento nya na hindi ko lubos maisip na nangyayari na pala.

"Anong ginagawa ng konseho ukol dito?" tanong ng aming propesor gamit ang seryosong tinig. Mukang nag-aalala sa nangyayari sa kabilang bayan.

"Wala pang sagot ang mga nakaupo sa konseho tungkol dito. Kaya naman upang maiwasan ang gulo ay isinasara nalang ang bayan tuwing gabi at wala na ring maaaring lumabas mula sakanilang mga bahay dahil sa sobrang takot na mapatay o di kaya'y manawakan ang kanilang mga bahay." sagot nya na lalo kong ikinagulat. Hindi ako makapaniwala. Kailan pa nangyari ang bagay na to? Kailan pa nabubuhay sa takot ang mga salamangkero ng bayan na iyon?

Slaying the Most Powerful MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon