Chapter 3: Trivias Training

118 13 1
                                    

HESPERA'S POV:

Umiwas ako ng bigla akong batuhin ni Luna ng fireball ng wala man lang pasabi. Sinamaan ko sya ng tingin at tumakbo palapit sakanya.

Agad akong gumawa ng shield gamit ang yelo ng bigla akong patamaan ng palaso ni Aurora.

"Change armor!" sigaw ni Luna at dahil sa isinigaw nya ay napalitan ang suot nyang damit. Nakasuot na sya ng isang matibay na kalasag na sigurado akong mabigat.

Itinaas nya ang kamay nya sa ere at kusang lumabas ang espada sa kamay nya. Ngumisi sya saming dalawa at sinakyan ang alaga nyang si Nympha. Isang pegasus.

Ngumiwi ako dahil sa kayabangan nya. Siraulo talaga masyado ang babaeng yan. Sinubukan din syang patamaan ni Aurora ng palaso pero agad yung nahati sa gitna gamit ang espada'ng hawak nya.

"Change armor!" sigaw ko para makapagpalit din ng armor. Humawak ako sa likuran ko at pilit na pinalabas ang puting pakpak at lumipad sa himpapawid.

Nang nasa itaas na ay agad kong pinagdikit ang dalawang pulsuhan habang nakabuka ang kamay.

"Crystalize ice!" sigaw ko at nagkaroon ng isang malaking sphere of ice ang kamay ko. Kusa yung bumulusok sa dalawa kong kapatid.

Tumingin ako sa ibaba at puro usok nalang ang nakikita ko. Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa sobrang pag-aalala.

'Napuruhan ko ba sila?'

Agad akong lumipad pababa at nasa kalagitnaan palang ako ng marinig ko ang malaki nilang sigaw.

"HHHHAAAAAA!!" nanlaki ang mata ko at agad na pinag-krus ang dalawang braso para makapag-form ng barrier sa katawan.

Tumingin ako sa dalawa at nakalabas na din ang pakpak nila. Itim na itim ang pakpak ni Luna habang pinaghalong itim at puti naman ang kay Aurora. Purong puti naman ang akin.

Muling nagpalit ng armor si Luna at dalawa na ang hawak nyang espada sa magkabila nyang kamay. May hawak namang pana si Aurora na halatang hindi ordinaryo dahil wala akong nakikitang palaso na hawak nya.

Tumingin ako sa likuran nya at doon ko nakita ang maraming palaso na nakatutok sakin at pati kay Luna.

Ngumisi ako at inalis ang barrier at hinanda ang sarili para sa laban na to. Hindi lamg to purong kapangyarihan dahil may halo din itong combat battle.

Idinipa ko ang dalawang kamay at may dalawa namang mahabang espada ang lumabas mula sa mga kamay ko. Ngumisi ako sa dalawa na nakangisi na rin ngayon. Halatang handa na.

"HAAAAAA!!!" malakas na sigaw naming tatlo at sabay sabay na umatake.

Panay ang pagpana ni Aurora sa amin. At dahil nga marami ang mga palaso'ng pinapakawalan nya ay kailangan kong bilisan ang kilos upang salagin ang mga iyon gamit ang mahabang espada na gamit ko.

Sa kabilang banda ay patuloy ko ring dinedepensahan ang sarili mula sa sunod-sunod na pag-atake ni Luna. Panay ang kalantsingan ng espada naming dalawa dahil masyadong malakas ang paggamit namin doon.

Kagaya ng ginagawa ko ay sinasalag nya rin ang mga palaso na pilit pinapatama ni Aurora sakanya.

Napataas ang kilay ko ng bigla syang tumambling sa ere at nawala. Kumunot ang noo ko dahil dun.

"Change armor!" nanlaki ang mata ko ng makita ko si Luna sa likuran ni Aurora. Agad nya itong sinipa sa likod at lahat ng nakalutang na palaso na parang ulan sa patuloy na pagbagsak ay nawala.

"Masakit yun ah!" inis na sabi ni Aurora at isinipa ang paa paharap kay Luna.

Agad iyong nahawakan ni Luna at nagpaikot-ikot pa silang dalawa sa ere bago bitawan si Aurora.

Slaying the Most Powerful MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon