Chapter 44- "Ang Iba Kaysa sa Sarili"

451 23 2
                                    

Chapter 44

***Third Person's POV***

Ilang araw na ang lumipas simula nong makita ni Jane ang nangyari kay Lola Sepang sa salamin ng kaalaman. Walang sinabi si Zayed tungkol doon ngunit hindi siya kumbinsido nang sabihin nitong wala itong alam tungkol sa libro.

Ginugol niya ang araw sa pag-eensayo. Hindi siya matahimik dahil may nag-uudyok sa kanya na hanapin ang libro. Napapansin din niyang madalas na nararamdaman niyang umiinit na parang napapaso siya sa markang nasa likod ng kanyang leeg. Minsan tinitingnan niya ito mula sa salamin. Bigla nalang itong nagliliwanag at agad ding nawawala.

"Tama na Amerah! siya si Jane, ang taong nakasaad sa aklat ni ama." biglang pumasok ng mga sadaling iyon ang mga katagang ito.

Naalala niyang nasabi ni Hasheer iyon. May alam ba siya tungkol sa librong sinabi ni Lola Sepang?

***Hasheer POV***

Umalis ako sa Kaharian at nagtungo sa isang lumang kastilyo na ang aking namayapang ama,ako at si Amerah lamang ang nakakaalam. Mula sa malayo ay matatanaw lamang na mataas na bundok ito ngunit ang katotohanan ay isa itong lumang kastilyo na pag-aari ng isang kaibigan ni ama noon. Ang kastilyo ng Abuh. Dati raw ay nasa alapaap nakatayo ang kastilyo ngunit ng maparusahan ng Bathala ang hari, bumagsak ito sa lupa at binalot ng mga nagtataasang damo. Simula raw noon kinalimutan na ang Kastilyo ng Abuh. At naging mga bato lahat ng nakatira dito.

Tanging ako at si Amerah lamang ang makakakita at makakapasok sa lugar na ito.  Magkababata kami ni Amerah kaya napasama siya noong matuklasan at sabihin ni ama ang tungkol dito.

Agad akong nakapasok sa loob at tinanaw ang nakalutang na libro.
Ito ang librong inihabilin ng aking ama bago siya pumanaw. Ito ang libro ng kaalaman. Nakasaad dito ang mga pahina sa mga mangyayari sa mundo. Habilin iyon ni ama na huwag bubuksan. Aksidente ko iyong nabuksan.

Nakita ko ang mangyayari sa Kaharian ng Kantanah. Magiging abo nalamang ang kastilyong iyon balang araw dahil sa kasamaan.

Ngunit binuklat ko iyon sa kabilang pahina, May isang babaing may hawak sa tatlong bituin. Kaya niyang bagohin ang kapalarang ng Kaharian.

Ngunit kailangan ng babaing ito na ialay ang kanyang buhay upang maligtas ang Kantanah.

At nalaman kong si Jane ang babaing iyon! Siya ang nagtataglay ng tatlong marka ng bituin.

Ano ang gagawin ko? napakahalaga ni Jane sa akin. Ayukong mawala siya ngunit hindi ko din gugustuhin na mawala ang Kaharian lalo na ang aking kapatid at mga kalahi.

Napaupo ako sa sahig. Sumasakit ang ulo at puso ko kapag naiisip ko ito. Bakit sa dinami-rami ng nilalang sa mundong ito, si Jane pa ang nagtataglay ng marka?

.
.
.

***Jane POV***

Bumalik ako sa loob ng kaharian nang maramdanan ang pagod. Tinungo ko ang sanayan nina Hasheer.

"Nandito ba si Hasheer?" tanong ko kina Ultar at Ahmer na nasa labas.

"Sino ba talaga ang iyong gusto Jane? kahapon si Zayed ang hinahanap mo, ngayon ay si Prinsipe Hasheer naman.?" ani Ahmer.

"Anong pinagsasabi mo jan Ahmer. Sira to!" natatawang sabi ko.

"Haha oo nga naman Jane. Si Hadan hindi mo ba hahanapin?"

"Oo nga pala! bumalik na ba si Hadan?"

"Hindi pa pero may natanggap kaming minsahe na nasa mundo siya ng mga tao." -Ultar.

"Mga Nilalang sa Probinsya"(Book #2)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon