Chapter 55

387 15 3
                                    

Chapter 55

***Third Person's POV***

Napako sa kinatatayuan si Sel nang makita niya ang kapatid na hindi na gumagalaw habang kalong ito ng prinsipe Hasheer. Maya-maya pa ay nawalan siya ng malay. Agad naman siyang sinalo ng mga kaibigan.

Samantala, hindi alam ni Hasheer ang gagawin. Subrang sakit para sa kanyang makita na wala na ang babaing iniibig. Para siyang sinasaksak ng paulit-ulit.

"Jane!!!!!!!!"

***Hasheer POV***

Binuhat ko si Jane at pinatigil sa paggalaw ang mundo. Sa pamamagitan nito'y saglit na hindi mararamdaman ng kapatid ni Jane ang sakit sa pagkawala niya.

Naglakad ako buhat-buhat si Jane. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Para akong nakalutang sa kawalan. Pakiramdam ko'y hindi ko narin gusto pang mabuhay.

Kung may paraan lang sana. Gagawin ko ang lahat upang maibalik si Jane!

Kayang magbigay ng kahilingan ang pilak na puno, ngunit may kapalit.

Napaangat ang ulo ko ng marinig ang tinig na iyon!

Ang pilak na puno!

Ngunit hindi ko alam ang kinaroroonan ng pilak na puno!

"Magtungo ka sa palasyo ng Abuh. Sa kinalalagyan ng libro ng kaalaman ay may portal na lagusan patungo sa pilak na puno."..

"Ngunit sino ka? mapagkakatiwalaan ba ang iyong sinasabi?"

"Ako at ang Puno ay iisa! Ngunit kaya mo ako naririnig sapagkat ako ang ama ni Jane. Lagi akong kasama ni Jane. Gusto ko ring iligtas ang aking anak ngunit isa nalamang akong espirito. Tanging mga buhay na nilalang lamang ang makakapaghiling sa pilak na puno. At ikaw iyon prinsipe Hasheer!"

Naintindihan ko lahat ng ibig niyang sabihin kaya wala akong sinayang na oras.

.
.
.

(Months later)
***Third Person's POV***

Sa mundo ng mga tao:

"Ateeeee!!!!! bangon na!!!!! ma-le-late ka na sa school mo!!!!!!" tinig iyon ng nakababatang kapatid ng dalagang natutulog.

"Haisst!! anu ba Sel!! 5 minutes more!" sagot naman ng dalaga habang nakakubkob pa ang kumot sa buong katawan.

"Janeeee!!!!!!!! hindi ka pa ba jan babangon? abay nasubrahan na katamaran mo jan! kung hindi ka papasok eh di magdrop-out ka nalang!" biglang pasok naman ng kanyang ina.

Agad namang bumangon ang dalaga at kamot-kamot ang ulo na pumasok sa banyo.

"At ikaw din Sel? anong hinihintay mo? magbihis ka narin!"

"Upo nanay!!!!"

Mabilis na nagbihis ang magkapatid at pagkababa nila sa kainan ay ready na ang breakfast.

"Kuya, nahuli mo daw kahapon iyong nagholdap sa grocery ni Aleng Rosa. Ang galing talagang police ng kuya Hero ko!!" sabi ng high school student na si Sel.

"Oo naman! ako pa! mana kaya to kay Tatay! di ba tay?" sabay tingin sa amang kumakain na din.

"Aba syempre!" tumatawang sabi ng ama.

Pagkatapos mag-umagahan ang buong pamilya ay nagtungo naman sa kanya-kanyang patutunguhan ang magkakapatid at tanging ang nanay at tatay nalamang ang naiwan sa bahay.

Fast-forward

Hinihikab parin si Jane habang papasok sa loob ng room nila kaya napatakip siya sa bibig upang hindi makita ng mga classmates ang hitsura niya.

Ngunit ang hindi niya alam, may nakaharang na paa sa daraanan niya. Kaya ayon! natapilok siya at nanlaki ang mga mata habang pabagsak sa sahig.

"oh shit!!!" nasabi nalamang ng dalaga.

Wala na siyang nagawa kundi antayin ang pagbagsak niya sa sahig at tawanan ng mga classmates niya. Ngunit biglang may humaklit sa bewang niya upang hindi siya bumagsak.

Ang resulta, sinalo siya ng isang binata at napayakap dito. Pag-angat ng kanyang mga mata ay napako ang kanyang paningin sa mukha nito.

"Bakit parang pamilyar siya?" nasabi ng dalaga sa sarili.

"Are you alright?" mamaya'y sabi nito.

Nakatitig parin siya dito hanggang sa binitawan siya nito. Walang imik na iniwan siya nito at nagpunta ang lalaki sa isang upuan.

"Classmate ko pala siya? bakit hindi ko siya kilala? bakit parang may pakiramdam ako sa kanya na hindi ko maintindihan. Parang nakita ko na siya. Pero imposibli! hindi ko pa siya nakita!" napailing-iling nalamang ang dalaga habang parang confused parin.

"Good morning students! so, before we start, You have a new classmate. Come here Mr. Anderzon and introduce yourself."

Napatingin si Jane sa lalaking sumalo sa kanya. Kaya pala hindi niya ito kilala dahil new student pala! Tumayo nga ito at nagpunta sa front.

"I'm Hasheer Anderzon." walang emosyon na sabi nito sabay diretsung tingin sa dalagang si Jane. Naasiwa naman ang dalaga dahil sa titig ng binata.

"I hope we get along well!" dagdag pa ng binata at sapagkakataong iyon, bigla siyang ngumite kay Jane.

Kaya naghiyawan ang mga babaing nasa loob ng classroom.

"Omg! ang gwapo niya lalo kapag ngumingite!" nasabi ng isa.

"Hoy Mich! laway mo tumutulo!"

Napababa naman ang tingin ng dalagang si Jane dahil hindi niya kinaya ang tingin ng lalaki.

"Ano ba tong lalaking to, bakit sakin lang nakatingin. Ano siya? gwapo nga ang weirdo naman."

"Excuse me sir! Can I go To CR?" ani Jane kinuha ang maliit na handbag at itinakip sa mukha. Hanggang ngayon kasi nakatitig parin sa kanya ang lalaki.

Mabilis siyang tumakbo nang payagan siya ng prof.

"Hay salamat! grabeh ang lakas ng tibok ng puso ko dun ah! ang weirdo naman ng lalaking iyon." kasaluyan siyang nasa Cafeteria ng school. Hindi siya nagpunta ng CR kundi dumiritsu siya dito.

Nawalan na siya ng ganang pumasok buong araw kaya nagtungo nalang siya sa library. Mabuti nalang kunti lang ang tao sa oras na ito.

Isang libro ang inaabot sana niya ngunit hindi niya ito maabot. Tumingkayad na siya ngunit hindi parin niya iyon maabot hanggang sa isang kamay ang kumuha non at iniabot sa kanya.

"Thank yo----" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang makita kung sino ang nag-abot ng libro sa kanya. Ngayon lang niya napansin na ang tangkad pala nito. Nasa balikat lamang ang tangkad niya.

"I-ikaw?" napaatras pa siya ng lalo siyang lapitan ng lalaki.

"Tell me if you Remember me?" anito.

"Oo naman! ikaw ang bagong classmate naming si Hasheer!" aniya sabay na iniiwas ang mukha sa kaliwang side dahil malapit na malapit na talaga ang mukha ng weirdo sa kanya.

"Iyon lang ba talaga ang naalala mo?" sabi pa nito.

.
.
.
.

#to be continued

"Mga Nilalang sa Probinsya"(Book #2)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon