Ch. 3: Start

256 4 1
                                    

"Okay, moving on sa ibang balita, magkakaroon tayo ng lunar eclipse." The news reported.

"Inaasahang mangyayari ito--"

Suddenly may narinig akong kumakatok sa pinto, pulling my attention away sa gwapong announcer sa TV. I walked to the door and opened the door dully.

"Ang tagal mo namang magbukas ng pinto, Myca."

"Hay, bakit ka naman nandito, Peter?" sabi ko habang sinara ko na yung pinto at umupo ulit sa may sofa.

Umupo na din siya sa sofa.

"Ikaw talaga, parang 'di mo naman ako gusto makita. Para saan at naging magbestfriends pa tayo?" he said, pouting.

"Oh really? Are we bestfriends?" sagot ko. Gusto ko lang siya asarin.

"Yeah we are. And I think, may isa pa tayong kaibigan na nangangailangan sa atin," he said. I noticed ang pag-iba ng mood niya bigla. Bigla siyang naging seryoso.

Mukhang alam ko na ang tinutukoy ni Peter.

Si Eubi...

Bestfriend din namin siya. At ngayon may pinagdadaanan siya kasi biglang nakipag-break ang boyfriend or should I call ex-boyfriend niyang si Paolo. The nerve of that guy! Sira ulo na lang ang magpapalit ng bestfriend ko para sa iba! That jerk! Dahil sa kanya 3 days nang ding absent si Eubi sa trabaho.

"Anong gagawin natin?" I asked.

"Gusto mo dalawin natin?" Peter suggested.

I smiled weakly.

"Sige, tara."

***

It was half past seven in the evening, Peter and I were standing in front of our bestfriend's house. We had brought along a box of pizza. Favorite kasi ito ni Eubi.

Peter knocked the door.

"Eubs? Si Peter ito, kasama ko si Mycs."

We waited.

Pero walang sumasagot.

"Nasa bahay ba siya, Pedro?"

"Mycs, nandito ang sasakyan niya oh. Tapos bukas ang ilaw ng buong bahay. Syempre nandito yun!"

I rolled my eyes at him.

"Bi, si Myca ito. Buksan mo yung pinto," I knocked once more.

Pero wala pa rin.

We had no choice but to use our spare key. Yes, may spare key kaming tatlo ng mga bahay namin. Ganito kasi kami ka-close tsaka lagi naman kaming nasa bahay ng isa't isa.

Nilagay ko na yung susi at inikot ito. I let out a loud sigh and opened the door.

Nagkatinginan kami ni Peter when we're greeted by an unexpected scene.

We stared at the sight in front of us, shocked.

The house was messy. As in sobra.

Nagulat kami because this can never happen knowing that she's a neat freak.

Naglakad kami papapuntang living room.

Maraming nakakalat na bote at can ng alak, mga crumpled papers, mga nahulog na unan sa sofa at mga empty cup noodles. There were also empty ice cream buckets and junk food wrappers all over the floor and on the couch. But what caught our eyes were the many pictures of her and Paolo littered all around the floor. Some were torn into pieces and some were crumpled.

Suddenly we felt worried for our friend.

What happened here? And most importantly,

how is she doing?

100 Days with my Perfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon