Chapter 3: Different

109 11 10
                                    

☁️

Jackie's POV

Tiningnan ko ang mukha niya pagkatapos kong kumanta...ngumiti naman ito kahit na sobrang lungkot nito.

"Thank you mi...I know nandiyan ka naman lagi..salamat ah...your voice calms me..mi gusto kitang yakapin. Ang sakit makita si daddy ng ganun"
Sabi ni Fred na parang paos na yung boses niya sa kakaiyak

"Ssshh tahan na palangga.. kailangan ka ng daddy mo dyan. Ok lang naman umiyak kasi minsan mahina tayo...pero wag mong ipakita sa harap ng daddy na umiiyak ka ah? Magtulungan kayo lahat dyan. Be each other's strength."

"Salamat mi."

Hay kung pwede ko lang siya yakapin eh. I really hate it when he is away from me. But he needs to be there. And I completely understand naman.

"Sige palangga just take the time that you need. Do not rush things ah? I asked mom na rin to message tita Farah kaso di rin daw ito nagrereply."

"Hay. Sige mi salamat. Send mo sakin picture niyo ni Sunny mamaya before you sleep ha"

"Ok palangga take it easy ok? I love you"

"I love you mi"

------

Nung patulog na kami hindi na online si Fred kaya sinend ko na lang picture namin ni Sunny.

"Mom? Sad daddy?"

"Huh? Medyo lang anak. But I'm sure he will be happy when he sees our picture."

"Lolo Ancis sad din mom?"

Hindi ko alam kung ano isasagot sa anak ko. Nagugulat na lang din ako sa mga tanong niya eh.

"Yes..." Yun lang ang nasabi ko

"Send picture lolo mom"

Hay ang batang to napaka bait at thoughtful!

"Awww that is such a great idea baby. Sige smile ka kunan kita at isend natin kay lolo Francis"

Nag pose naman ito. Hay ang anak ko napa ka ganda at cute talaga!

We prayed before we slept. At nakinig pa ito ng mga lullabies bago nakatulog. Pero ako naman yung hindi makatulog ng maayos. Alalang alala pa rin ako kay Fred at sa kanilang lahat doon. Sana maging maayos ang lahat.

------------

The next day when I went to work nag facetime si Fred.

"Di? Hala bat naka pang office attire ka? Are you working there?"

"Hi mi yes I need to visit and follow up. Tsaka may kailangan pala kaming gawin. Sakto may important meeting kami with another company to partner with us sa isang event next week"

"Awww that's good...but wait... next week? Meaning matatagalan ka pa dyan?"

"Oo mi eh...sorry ah? Pero na locate na namin yung kasama ni mommy si ate Faye na at kuya Kiko nag imbistiga. Oh bakit naka kunot yang noo mo mi?"

"Eh akala ko mabilis ka lang diyan eh"

"Aww nako nako nagtatamoo tong palangga ko. Wag ka na magtampo after ng meeting uuwi na ako diyan. Ok? Oh eto kiss para di ka magtampo..hhmmwaah!"

Under the Same Sky [Book#3: Under The Same Series]Where stories live. Discover now