Hanggang saan mo kakilala ang Pamilya mo? Lubos mo ba silang kilala o may mga parte ng pamilya mo ang hindi mo pa lubos na alam.
Si Josefina ina ni Noah ay Kapatid ni Concha na ina naman ni Elaine at kapatid naman nila si Elizabeth ang ina ni Raymond.
Buong magpipinsan si Noah, Elaine at Raymond. Pero, paano nga ba umabot sa sukdulan ang buhay ng magpipinsan?
-----------------
*1995* (3 taon bago ipanganak si Noah)
"Ate, Tulungan mo naman ako" -Elizabeth
"Tungkol saan?" -Josefina
"Buntis ako" -Elizabeth
"Anong sinabi mo?!" -Josefina
"Balak na sana namin lumayo dito, Baka naman pwepwede mo ako pahiramin ng pera" -Elizabeth
"Wala akong ipapahiram sa'yo! Elizabeth naman wala ka pang bente anyos!" -Josefina
"Ate, nagmamakaawa ako sa'yo" -Elizabeth
Ngunit nagmamatigas si Josefina kaya napuno ng galit ang puso ng kanyang bunsong kapatid na si Elizabeth
"Concha!" -Josefina
"Bakit, Ate?" -Concha
"Buntis si Elizabeth!" -Josefina
"Anong sabi mo?! Elizabeth!" -Concha
"Mga ate, Patawarin niyo ako" -Elizabeth
"Paano malalaman ni Mama 'yan?" -Concha
"Sasabihin kong maghahanap ako ng trabaho, Nagmamakaawa ako sainyo. Kahit ngayon lang" -Elizabeth
"Gawin mo na ang nais mo, Hindi namin sasabihin kay Mama ang tinatago mo" -Concha
"Kukunsintihin mo pa rin yang gagawin ng babaeng yan?!" -Josefina
"Salamat, Ate Concha. Hindi ka katulad ng iba dyan" -Elizabeth
Dito ba nagsimula ang pagwawatak watak at paghihiwalay ng magkakapatid?
Lumipas ang mga buwan...
"Ilang buwan ng walang paramdam ang bunso kong anak, Alam niyo ba kung nasaan siya sa maynila?" -Alejandra (Ang kanilang ina, na siyang Lola nina Noah)
"Huwag mo na hanapin yang sutil mong anak, Dahil buntis yan!" -Josefina
"Josefina! Anong sinabi mo?!" -Alejandra
"Bakit hindi mo tanungin ang kutsintudor mong Anak, Concha!" -Josefina
"Bastos kang bata ka! Anong sinasabi niya?!" -Alejandra
"Totoo ang sinabi ni Ate, Mama" -Concha
"Hanapin niyo ang kapatid niyo! Dalhin niyo siya sa akin!" -Alejandra
Josefina's POV
Inatake sa puso si Mama dahil sa sama ng loob at galit niya. Dinala namin siya sa Ospital at ilang araw siya nag stay.
Hinanap namin ni Elizabeth at nakita namin siya.
"Mga Ate, Anong ginagawa niyo dito?" -Elizabeth
"Nalaman na ni Mama ang totoo" -Concha
"Ano?! Paano nalaman ni Mama? Akala ko ba itatago niyo?" -Elizabeth
"Sinabi ni Ate" -Concha
"Ate naman! Bakit ba palagi kang galit at ayaw mo ako maging masaya!" -Elizabeth
"Dahil mali ang ginagawa mo! Napaka bata mo ba inuna mo ang kalandian mo!" -Josefina
"Kalandian, Ate?! Eh yung Teodoro mo alam ba ni Mama?!" -Elizabeth
BINABASA MO ANG
Deadly Love (Book 3)
Mystery / Thriller[Book 3] Ang ikatlo at ang huling libro. Sa wakas ay nalagpasan na nila ang pagsubok na binigay sakanila ng kaluluwa, ngunit may isa pa silang dapat katakutan, ang nabubuhay. Ngayong nakatakas na si Raymond, ang buhay ng Pamilya Escalante ay mapapah...