Kabanata 31: Nawawalang Anak

24 5 0
                                    

Matapos malaman ang pamilyang pinagmulan ni Noah, Muli nating balikan ang kanilang Nawawalang Anak

'After 3 Days...

Nabalita sa tv ang kwento ng Isang inang nawawalan ng Anak.

"Isang sunog ang naganap sa Isang Kilalang Ospital dito sa Pilipinas, Kasama natin ang isang ina na nawawalan ng anak.

Misis, ano po ba ang nangyari?" -Reporter

"Kinuha ng isang nurse ang kambal na anak ko. Ngunit nasunog ang nursery room kung saan sila nadala" -Julliana

"Ngunit paano sila nawala?" -Reporter

"Kasalukuyang nasusunog ang nursery room ng biglang may kumuha sa isa sa kambal namin" -Julliana

"Nasaan ang isa?" -Reporter

"Nakuha ko ang isa" -Noah

"Hindi ba kayo si Atty. Escalante? Nice meeting you po ulit" -Reporter

"Yes, ako nga si Atty. Escalante Isang Abugado at Isang Ama" -Noah

"Hindi kaya may kinalaman lahat 'to sa mga kasong nahawakan mo na?" -Reporter

"Nacheck namin ang CCTV at nakitang may kinalaman si Raymond Santos" -Noah

"Anong mensahe niyo sa suspect at kumuha sa anak niyo?" -Reporter

"Raymond o kung Sino ka man! Tandaan mo na mababawi ko ang anak ko!" -Julliana

"Ibabalik kita sa kulungan!" -Noah

Elaine's POV

Napanood ko ang interview nila kaya natatakot ako, Umuwi ako ng bahay at sinalubong ako ni Mama Concha..

"Ma, si Catherine po. Pinabantayan lang sa akin ng kanyang ina ngunit---" -Elaine

"ngunit ano?" -Concha

Nagsinungaling ako kay Mama

"Namatay ang kanyang Ina" -Elaine

"Kawawang bata naman pala ito, Ano ang balak mo?" -Concha

"Baka ibigay ko sa kanyang madrasta (step mom) dahil anak lamang ito sa labas" -Elaine

"Hindi na, Anak. Dito na lang ang batang 'yan, Kawawa naman oh" -Concha

Mabait si Mama, Kahit hindi namin kadugo gusto niyang alagaan at patuluyin.

"Alam mo, Anak. Kung nabubuhay lang ngayon ang Lola Alejandra mo, Matutuwa 'yun. Mahilig sa bata ang Lola mo" -Concha

"Sayang lang talaga hindi kami nag abot" -Elaine

"May litrato po ba kayo ni Lola Alejandra? at kayo ni Tita Elizabeth nung bata pa kayong dalawa" -Elaine

"Oo naman, Tignan mo ito. Litrato namin ng dalawang kapatid ko at ni Mama" -Concha

"Bukod kay tita Elizabeth may kapatid pa kayo?" -Elaine

"Oo, si Ate Josefina" -Concha

Nagulat akong may panganay na kapatid pala si Mama at mamumukhaan ko ito...

"Kailan po kayo huling nagkita?" -Elaine

"Noong kasal ng anak niya, si Noah" -Concha

Nagulat ako, Ang sanggol na kasama ko ngayon ay Pamangkin ko.

Tinago ko kay Mama na anak ito ni Noah, Dahil alam kong magagalit ito sa akin.

Muling pinalabas ang balita noong kinagabihan at napanood ito ni Mama...

Deadly Love (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon