Ang Bawat kwento ay may iba't ibang pangyayari at Rebelasyon. Ngunit, sa Kwento nina Noah. Kaninong Hininga ang pinaka huling mawawalan? Hanggang dito na ba magwawakas ang kanilang Buhay? Handa na ba kayo sa Huling Pasabog?
Noah's POV
Kumpleto ang Buong Pamilya namin.
Nasa isang malaking gulo kami, Hindi ba alam ni Raymond na iisang lahi lang ang pinagmulan namin."Anong ginagawa mo dito?! Paano mo nalaman 'to?!" -Noah
// Flashback
*Earlier*
Raymond's POV
Anak ng! Hindi sinasagot ni Elaine ang mga tawag ko. Nadispatcha na ba niya yung bata?!
Pumunta ako sa bahay nila Elaine at Tita Concha, Narinig ko ang sinabi ni Tita.
"Anak, Pupunta lang ako kayla Noah" -Concha
Tama ba itong naririnig ko?! Anong gagawin niya doon?! Ano ang nalaman niya?
Matapos ang ilang minuto, Lumabas na rin si Elaine at dala dala nito ang sanggol. Kasama niya ang kaibigan niyang si Martina
"Bakit mo ako tinawag?" -Martina
"Bitbitin mo ang bata" -Elaine
"Bakit saan tayo pupunta?" -Martina
"Sundin mo na lang ang pinapagawa ko, dali!" -Elaine
Anak ng tokwa naman! Hindi pala niya pinatay ang bata. Nakaisip ako ng plano. Mukhang masaya ang family reunion, Madugo nga lang.
Sinundan ko sila at nakita na papunta sila sa Bahay ni Mama. Anong ginagawa nila dito?! Nakita ko na nasa bahay ni Mama ang buong pamilya ni Noah. Mukhang magiging masaya na pagtatapos 'to.
'Present
"Tapusin na natin 'to!" -Raymond
"Anak, Itigil mo 'yan" -Elizabeth
"Ma! Lumayo ka sakanila!" -Raymond
"Hindi ko lalayuan ang pamilya ko! Ang pamilya natin" -Elizabeth
"Anong sinasabi mong pamilya?!" -Raymond
"Ito ang dapat mong malaman, Anak" -Elizabeth
"Ano?" -Raymond
"Ate ko ang Ina ni Noah" -Elizabeth
"Ano?!" -Raymond
"Pinsan mo ako" -Noah
"Hindi! Ma! Tama na nga 'to. Ano ba itong palabas mo?!" -Raymond
---------------------
Sa nangyaring Rebelasyon ba ay magpapabago ng puso't isip ni Raymond?
"Akin na ang bata!" -Raymond
Nakuha ni Raymond si Monica ang isa sa kambal.
"Bitiwan mo ang anak ko!" -Noah
"Walang papasok dito! Walang susunod!" -Raymond
"Anong gagawin mo sa anak ko?! Sa sariling pamangkin mo!" -Noah
"Walang lalapit!" -Raymond
Noah's POV
Galit na galit ako dahil kahit ano ang nangyari, Hindi nagbago ang ugali ni Raymond.
"Susundan ko ang anak ko!" -Julliana
"Julliana!" -Noah
Sumunod si Julliana kung saan pumasok si Raymond... Puro sigawan lamang ang narirnig namin.
"Akin na ang anak ko!" -Julliana
"Hindi ko ibibigay sa'yo ang anak mo!" -Raymond
Nakarinig kami ng isang malakas na hiyaw...
Julliana's POV
Hindi ko kakayanin kung mawawala muli ang anak ko, Kaya agad agad ko itong sinundan.
Puro sigawan lamang ang nangyayari sa kwarto, Hanggang sa...
Nahulog si Julliana sa Hagdan.
"Tulong!" bago ako mawalan ng malay...
Raymond's POV
Madali ko matatapos ang buhay ng mag ina ni Noah. Gusto ko makita sa mga mata niya na siya mismo magdudusa!
"Noah! Tingin dito sa itaas!" -Raymond
"Raymond tigilan mo na 'to!" -Noah
"Hinding hindi ako titigil hangga't hindi ka nakikitang nagdudusa! Huwag kang mag alala, Hindi ko naman agad agad papatayin ang mag ina mo!" -Raymond
"Anong gagawin mo sakanila?! Hayop ka!" -Noah
"Manigas ka kakahintay d'yan! Makikita mo rin 'yan mamayang gabi. Wala akong pakielam kung tatawag ka ng pulis. Pero, masisigurado kong isa sa mag ina mo ang mamamatay!" -Raymond
"Nasaan ang mag ina ko?!" -Noah
"Sino kaya ang pipiliin mo? Ang asawa mong walang malay ngayon? o ang Anak mo na napaka malungkot ang mata dahil alam na magwawakas na ang Buhay niya mamayang gabi" -Raymond
"Huwag na huwag mo gagalawin ang mag ina ko! Mapapatay kita!" -Noah
"Mauunang mamatay ang mag ina mo bago mo ako mapatay!" -Raymond
------------------
Bago pa man tayo pumunta sa Pinakahuling Kabanata ng Pinaka huling yugto basahin ang ilang paliwanag tungkol sa kwento.
Katanungan: Mula sa
Book 1 Chapter 4: Case of Monica Bustamante.Kung Monica Bustamante paano naging Julliana Madreal kung magkapatid naman sila sa ama?
| Tatay Noel's POV (Ama nina Monica at Julliana)
Ilang taon na ang nakakalipas, Noong pinanganak si Monica unti unting lumabo ang relasyon ng Asawa kong si Maricar. Naging maayos naman ang relasyon namin hanggang sa...
Nabuntis ko ang Ina ni Julliana na si Marilou Madreal.
Ngunit, Walang sikreto ang hindi nabubunyag...
"Ginawa mo akong kabit!" -Marilou
"Pakinggan mo muna ako" -Noel
"Hindi na kita pakikinggan! Wala na akong paniniwalaan sa'yo dahil puro ka kasinungalingan!" -Marilou
"Hindi ko naman gustong itago 'to" -Noel
"Tandaan mo 'to, Noel! Kahit kailan, Hindi gagamitin ng anak natin ang apelyedo mo!" -Marilou
Kasagutan: Dahil anak lang sa labas si Julliana. Pinili ng ina ni Julliana ang hindi na gamitin ang Bustamante ni Noel.
-----------------------
Huling Pasabog! Yun oh, Last Chapter na sa susunod. Kumusta naman? Nagustuhan mo ba ang kwento magmula umpisa? Huwag na at Wala ng Bibitiw pa sa Huling Kabanata dahil...
Last na 'to!
Abangan ang Huling Kabanata at kung ano nga ba ang Huling Pasabog ni Raymond. Abangan!
Huling Kabanata | August 3, 2021.
save the date!
Katanungan:
Wala bang update ng story next week? bakit next next week pa final chapter.
Kasagutan:
Meron po, Ngunit ito ay Espesyal na Kabanata bago ang pagwawakas sa darating na August 3, 2021.| Kabanata 7
BINABASA MO ANG
Deadly Love (Book 3)
Mystery / Thriller[Book 3] Ang ikatlo at ang huling libro. Sa wakas ay nalagpasan na nila ang pagsubok na binigay sakanila ng kaluluwa, ngunit may isa pa silang dapat katakutan, ang nabubuhay. Ngayong nakatakas na si Raymond, ang buhay ng Pamilya Escalante ay mapapah...