Kabanata 13

30 5 2
                                    

"Hindi ako ang nagsabi sa kanya niyon, Adelaide. Maniwala ka naman sa akin." Sabi ni Kalia habang nasa harapan ng pintuan ng kwarto ko, nasa labas siya at ako ang nasa loob. Magkaharap kaming dalawa ngayon.

Nahihiya ako kay Dariel dahil base sa mga narinig ko sa kanya kahapon ay parang sinisisi niya pa ang sarili niya sa nangyari sa akin. Wala naman siyang kasalanan kung bakit nagka-ganoon ako noon.

Hindi ko siya kinibo at akmang isasara ko na ang pintuan pero pinigilan niya iyon. Tinignan ko siya na nakatingin pa rin sa akin, hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sinabi ko lang naman sa kanya ang mga bagay na iyon at hindi ko tinanong. 

Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko kaya. Gusto kong mainis pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil siya lang talaga ang tao na nakakaintidi sa lahat ng problema ko, siya lang ang taong nakikinig sa mga rants ko palagi. Siya lang ang pinsan ko na mayroon ako at ayoko siyang sayangin nang dahil lang sa pangyayaring ito.

"Eh, sino kung ganoon?" Malumanay kong tanong.

"Hindi ko alam. Wala akong alam, Adelaide. B-Baka may nakarini---"

Napatigil siya sa pagsasalita nang makita namin si Ate Riana at Ate Ezikiah na nasa gilid ni Kalia. Mukhang kadarating lang nilang dalawa. Pumunta si Kalia sa tabi ko paea bigyan ng pwesto sina Ate, tinignan ko sila na seryosong nakatingin sa akin.

"Kami ni Ezikiah ang nakarinig noong nakaraang araw at kami rin ang nagsabi sa kanya. Ayaw naming nahihirapan ka at sabihin na ayos ka lang kahit hindi. Magalit ka sa amin, it's okay we know naman na kasalanan namin kaya it's okay. We love you, Liana at sana ay maintindihan mo kami..." Paliwanag ni Ate Riana. Gulat ko siyang tinignan habang hindi makapaniwala dahil sa mga narinig ko.

Sinabi nila kay Dariel? Hindi naman nila kailangan sabihin iyon. Ako maging kaawa-awa pati rito sa probinsya. 

"Kung hindi namin sinabi kay Dariel ay hindi kayo magkaka-ayos na dalawa. Hindi ba't gusto mo iyon? Ang magka-ayos kayong dalawa?" Tanong naman ni Ate Ezikiah.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at tipid siyang nginitian. Nasa loob na ng kwarto ko si Kalia, nakaupo siya sa isang silya habang kinakain ang mansanas na nasa mesa ko, may basket ng iba't ibang klase ng prutas na nakalagay sa loob ng basket. Gusto ko ang strawberry pero hindi raw panahon ngayon ng strawberry kaya kapag mayroong oras ay ako ang bibili, mas gusto ko kasi na ako ang pipili ng prutas.

Gusto kong maging magpasalamat dahil sinabi nila pero may bahagi sa akin na naiinis ako sa mga kapatid ko dahil sinabi nila iyon. Paano na lang kung malaman ng lahat iyon? Paano na lang kung may nakarinig sa amin ni Dariel noong nakaraan?

Paano kung maging chismis ang nakaraan ko sa buong probinsya lalo na dahil kilala ang pamilya namin dito. Natatakot ako na baka malaman iyon ni Dad dahil baka sisihin niya si Dariel kahit wala naman itong kasalanan sa mga nangyari.

Tipid kong nginitian sina Ate bago marahang isinara ang pintuan ko. Hindi na nila ako pinigilang isara ang pintuan, isinara ko na iyon at ni-lock.

Naglakad ako papunta sa kama ko, nakita ko si Kalia na nakasunod ang tingin sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. Tanghaling tapat ngayon at katatapos lang naming kumain ng tanghalian, balak kong matulog buong maghapon para kapag gigising ako nang umaga ay hindi ako aantukin.

Naupo muna ako sa kama ko. Malinis ang kwarto ko at walang kalat, hindi ako sanay na makalat ang kwarto ko lalo na kapag may mga tao na nagpupunta rito. Nakakahiya kasi kapag makalat ang kwarto ko baka sabihin nila na tamad akong maglinis, 

Si Draven ay natutulog pa rin sa kwarto niya sa tabi ng kwarto ko rito sa palapag. Alam na nina Dad na nandito si Draven, nasa kabilang bayan na naman silang dalawa at umalis kaninang madaling araw. Sinabi lang sa amin ni Solace noong nag-almusal kami kaninang umaga.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon