CHAPTER 13

136 7 1
                                    




I stared at my phone. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Kung hindi ako papayag ay baka bigyan niya 'yon ng malisya at kung oo naman ay baka mas lalo lang ako mag assume. I like him. I already like him and now I want to stop this. I want him to be my friend. Just a friend.



Nakatitig lang ako sa cell phone ko at hindi mapakali kung magrereply ba ako o hindi. Kapag hindi ako magrereply ay baka sunduin naman niya ako sa bahay. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pero sa tingin ko tama na lang na pumayag ako. Kaibigan niya ako. Magkaibigan kami. Walang malisya ito dahil siya lang naman ang nagyaya. We're just friends.

Mabilis kong kinuha ang cell phone ko at nagtipa. Siguro ay hinihintay niya ang text ko at magtataka na naman 'yon kung papatagalin ko pa.


Me:

Sure. Is it okay if we go out afternoon? I'm with my family.


Jayson:

Okay. I'll wait outside, then.


Me:

You know my address naman, 'di ba?


Jayson:

Yeah. I know, Caralia.


Umuwi kaagad kami pagkatapos nang salo-salo sa mansion. Mabuti na lang at naisipan rin nila na umuwi dahil hindi ko matutupad ang usapan namin ni Jayson kung gagabihin kami roon. Nagpahinga agad ako sa bahay nang naka uwi na kami.


Ang akala ko ay wala si Mommy kaya nag alarm ako na magigising eksakto ng tanghali para magluto ng tanghalian namin, pero nakita ko na si Mommy ang nagluluto sa kusina kasama sila Kuya Chase at Lloyd.

"Wala na kayong trabaho, Mommy?" tanong ko at umupo sa harap nila, pinapanood sila na magluto.


"Natapos agad ang trabaho namin ng Daddy mo kaya naka uwi rin kami ng maaga."


"Mabuti kung ganoon, Mommy. I missed you cooking us foods every day and night." I pouted.


"Marami akong niluto ngayon." She smiled.


"Really?" I giggled.



"Look at the table." Kuya Chase said.



Mabilis kong nilingon ang mesa at marami nga talagang naluto si Mommy. She used to be like this since we were kids. Lagi niya kaming hinahandaan ng mga pagkain na paborito namin, pero minsan na lang niya 'yon gawin ngayon dahil may trabaho na siya.


Sabay sabay namin na pinagsaluhan ang pagkain na niluto nila Mommy. Konti lang ang kinain ko dahil aalis kami ni Jayson at alam kong kakain rin naman kami sa labas.


I wear my favorite blue dress. Isa ito sa mga binili ko no'ng sinamahan ko si Aika. From now on, I'll practice to wear dresses every time I will go out.

I put make up also. Ayaw ko naman na magmukha akong bangkay mamaya. Habang nag aayos ako ay nagtext siya at ang nakasaad doon ay malapit na siya kaya mas lalo kong binilisan ang kilos ko dahil baka mamaya ay naghihintay na siya sa labas.


"Caralia!" Tawag ni Kuya Chase na kumakatok sa kwarto ko.


"Yes?" sagot ko habang nag aayos ng buhok ko.


"Can I go inside?"


"Sure."


"Bakit ayos na ayos ka?" malamig na tanong niya nang makita niya na ayos na ayos ako.


My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now