CHAPTER 18

147 8 2
                                    











Maaga akong nagising dahil ngayon ang uwi ni Kuya Bryan at dadating din ang pinsan nila Louannia at Julianna.




Kagabi ay tinapos ko na ang mga proyekto na kailangang tapusin dahil alam kong hindi ko rin ito magagawa ngayon lalo na't uuwi na si Kuya Bryan at may salo-salo na naman kami sa mansion.




"Kuya Bryan, I missed you!" tili ko nang makita ko si Kuya Bryan. I hugged him.




"Kumusta sa abroad, dude?" tanong ni Kuya Chase at tinapik ang balikat ni Kuya Bryan.





"Boring." he replied. "Wala kayo roon, e" dagdag ni Kuya Bryan at tumawa.





"Kayo? Kumusta ang buhay nang wala ako?"





"Sobrang saya." masayang sagot ni Kuya  Kian.




Narinig kong nagmura si Kuya Bryan nang mahina. Umiling lang ako at tumawa. Kagabi pa sila sa gc nag aasaran. Hinahayaan ko na lang sila dahil busy ako sa proyekto ko no'n.




"Kaya pala namin nang wala ka." biro ni Kuya Kian.





"Tss." umirap si Kuya Bryan. "Wala kayong pasalubong sa akin."





"Hindi naman 'to mabiro." tumawa ako.





"Ang lungkot namin, Kuya Bryan, nang wala ka. Feeling ko nga magkakasakit ako no'n, e." Ciara said.





"Oo nga. We missed you so much, Kuya Bryan." paawa pa ni Anianne.





"Pasalubong ko, Kuya Bryan?" tanong ni Lori at humalakhak na ginulo ni Kuya Bryan ang buhok niya.





"Nasa bahay ang mga pasalubong ko sa inyo, couz." ani Kuya Bryan. "Ibibigay ko na lang sa inyo mamaya. Kunin ko pa sa bahay."




Wala akong ginawa kung hindi panoorin ang mga pinsan ko. Minsan naman ay kinakausap ko sila Lianna at Lean.





Nanghihina ako tuwing inaalala ko ang nangyari no'n sa amin ni Jayson. Sa tingin ko ay hindi ko na siya kayang harapin pa. Wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanya. Umawang ang labi ko lalo na no'ng naalala ko na umamin siya na mahal niya ako. Ayaw kong maniwala pero sa kanya na mismo nanggaling.






Dapat ay masaya ako na sa wakas ay nagustuhan niya rin ako...na mahal niya rin ako, pero nalulungkot ako. Nalulungkot ako para sa kaibigan ko. Paano siya? Masasaktan siya kapag nalaman niya ito at hindi ko kakayanin 'yon. Hindi ko kakayanin 'yon at baka doon pa magsimula ang pagkakawatak watak namin. Ayaw kong masira ang pagitan sa amin ni Aika ng dahil lang sa isang lalaki.






I saw Lori with James and my cousins. Pinakilala siya ni Louannia kay James.




"Hoy! Ano 'yan? Bawal 'yan!" Biro ni Kuya Kian at tumawa.





Umiyak kasi sila nang natapos ang pagpapakilala sa isa't isa nila Lori at James. "Galawan mo, Lori!" hiyaw ni Ciara na katabing tumitili si Ani.






"Hoy! Ano 'yan, James? Pinsan namin 'yan. Hindi 'yan pinaglalaruan, sineseryoso 'yan?" sabi ni Kuya Mark na tinapik naman nila Kuya Chase sa balikat.





"Bagay talaga kayo-" hindi na natuloy ni Chia ang sasabihin nang biglang pumasok si Brien at padabog na sinarado ang pintuan. Nahimigan ko doon ang pagkainis niya. Pinanood ko ang kilos niya. Umupo siya sa mesa at tumitig kay Lori at James. Kitang kita ko kung paano nag aalab ang mata niya sa galit.






Hindi kaya gusto niya si Lori?






"What's wrong with him?" tanong ni Lianna sa katabi kong si Lean na nagmamasid din.





"I don't know." Lean said.






"Baka may nakaaway lang siya. Don't take it seriously. Just have fun." I whispered on them.




Konti kang ang kinain ko dahil nawalan ako nang ganang kumain. Pinilit lang ako nila Lean at Lianna kaya kumain pa rin ako kahit konti lang.




Nakita kong pumunta si Lori sa banyo. Sa likod niya ay si Ani na sumusunod naman sa kanya. Lori look so pale while reading something on her cell phone.





Pinikit ko ang mata ko at bumuntong hininga. Mali lang itong iniisip ko. Pinsan ko sila at hindi ko dapat sila pinag iisipan ng masama.





"Anong lasa n'yan?" tanong ni Lean kay Lianna na may hawak ng baso na may alak.





"It taste good." wika ni Lianna at uminom ulit.





"Pahingi ako." Lean said.





"Try mo 'to, Alia." binigay sa akin ni Lianna ang isang baso na may alak. Hindi pa ako nakakainom ng alak katulad nila pero alam kong pwede na ako ditl dahil kahit ang bunso kong kapatid ay umiinom na rin dahil nahawa ito ng mga pinsan kong lalaki.





"Hindi siya pwedeng uminom." Kinuha ni Kuya Chase ang baso na may alak at mabilis na nilagok iyon ng walang pasubali.





"KJ ka naman!" Lianna rolled her eyes.




"Huwag kang iinom." Pinandilatan niya ako ng mata at may pagbabanta pa ang boses nito. "Umuwi ka na mamaya. Lloyd will take you home." dagdag niya pa.






"Eh, ikaw?"




"May pupuntahan pa ako." sagot niya at nagsalin na naman ulit nang alak.






"Kay Ate Bellia ba?" I chuckled.





"Shut up!" he rolled his eyes and went out before I say something again.





Maaga kaming umuwi nila Lloyd. Nagpaalam agad ako sa mga pinsan ko. Mamaya maya ay uuwi na rin daw sila kaya nauna na kami ni Lloyd. Hindi ko na nakita sila Lori at Brien bago ako umuwi kaya sinabihan ko sila na ang magsabi na uuwi na kami para hindi na kami maghintay pa. Kanina pa namin sila hinahanap. Siguro ay umalis na naman ang dalawa na 'yon at kung saan saan na naman pumunta.





Naligo agad ako pagkauwi ko. Hindi na ako kumain pa dahil marami naman akong nakain sa mansion. Kahit pumipikit pikit ang mata ay binuksan ko pa rin ang cell phone ko at sinilip ang mga mensahe na hindi ko binasa kanina dahil kausap ko ang mga pinsan ko.



Aika:


I confessed, Alia. But he rejected me. He said that he is already in love with someone else.




Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko 'yon. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko dahil grabe ang kaba ko ngayon.



Me:


You don't deserve him. You deserve someone better, Aika.




Aika:


But I love him so much.




Mariin akong pumikit. Anong gagawin ko ngayon?



My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now