CHAPTER 40

417 12 20
                                    





Thank you for supporting me. Thank you for waiting on my updates. I hope to be with you on my next stories! And also, try reading on Jonaxx Stories App! Download now!♡




---




Life is so hard without him.





Ang hirap kapag wala siya. Ang hirap kapag 'yong taong nakasanayan mo na kasama mo sa lahat ng bagay ay biglang mawawala. Mahirap. Mahirap dahil kung sino pa 'yong inaakala mong 'di ka iiwan, 'yon pa ang biglang mawawala. 'Yon pa ang sasaktan ka.






Hindi ko alam kung nabubuhay pa ba ako para sa sarili ko o para sa kanya. I don't know if it's still a living. Marami akong pangarap. Marami akong pangarap sa buhay na 'to pero nang nawala siya sa 'kin ay bigla na lang 'yon nawala.







Bigla na lang 'yon nawala kasabay niya...






Narealize ko na karamihan sa mga pangarap ko ay kasama siya. Ang makasal sa kanya. Ang maging asawa niya. Ang magkaroon ng anak sa kanya. Ang bumuo ng pamilya na kasama siya. Ang abutin ang mga pangarap ko na kasama siya.







Marami kaming pangarap. Palagi namin sinasabi sa isa't isa na tutuparin namin 'yon ng magkasama kami. Na aabutin namin 'yon ng magkahawak kamay. Akala ko wala ng sisira sa amin. Akala ko kami na talaga hanggang dulo, pero nagkamali ako.







Hindi na namin maaabot ang mga pangarap namin ng magkakasama kami. Hindi niya na 'yon maaabot ng kasama ako. Hinding hindi na.





Hindi na ako ang kasama niya sa pag-abot ng mga pangarap namin. He will reach his dreams but not with me. He will reach his dreams with my bestfriend. Tutuparin niya ang mga pangarap namin sa kaibigan ko.







Lahat ng pangarap namin na dapat para sa amin ay tinupad niya sa kaibigan ko. 'Yong akala ko na para sa amin ay natupad na pala niya sa iba.






Iyong mga pangarap na dapat sa akin ay tinupad niya sa kaibigan ko. Iyong mga pangarap na kami ang bumuo pero sa iba niya ginawa.







Iyong mga pangarap na dapat sa akin...na dapat sa amin...







Killean:




Alia, kukunin na namin ni Julianna ang grades namin. Sasabay ka ba?







Napaisip ako. Nakalimutan ko na ngayon pala ang bigayan ng grades namin. Mabuti na lang at nagtext si Lean.






Bumuntonghininga ako at nagtipa ng irereply ko sa kanya.






Me:



Sige. Daanan niyo ako dito sa bahay, please. Hihintayin ko kayo.







Sabay-sabay naming kinuha ang grades namin. Mabilis lang 'yon dahil wala masyadong estudyante nang dumating kami. Ang iba roon ay pauwi na at may iba rin na kakadating pa lang.







"Nakuha na natin ang mga grades natin. Uuwi na ba agad tayo? Daan kaya muna tayo sa pastry shop?" tanong ni Julianna sa amin.





Naglalakad na kami palabas ng campus. Gamit namin ang sasakyan ni Killean na hiniram niya lang kay Kuya Enzo. Mabuti na lang at may sasakyan kami na nagamit ngayon kaya hindi na kami nagtaxi.








"Sige. Nagugutom na rin ako..." I said.







Tahimik lang ako sa biyahe habang sila Killean at Julianna naman ay nag-uusap. Hindi ko alam kung saan nila nasasagap ang mga pinag-uusapan nila pero maganda na rin ang ganoon para kahit papaano ay may alam kami.







My Bestfriend, My LoveWhere stories live. Discover now