Chapter 3
TENG!!!!!!
Anu ba yun??? Ang ingay naman… huh?! Nakatulog pala ako.. anung oras na ba? Ahhhh alas dose na pala may pasok pa ako….-- Antoneth
gumamit ako ng super powers para maligo ng super bilis hahahaha... bakit kasi ako nakatulog naku naman. tsk....
TENG!!! Bilis anu ba mahuhuli na tayo!!!
Huh? Si Eal yun ah… sinundo na naman nya ako.. >.<..
ANDYAN NA!!!!! – Antoneth
Haaaay naku naman teng malalate tayo nyan eh.. sakay na… kumapit ka ng mabuti ha bibilisan ko na ang pagpapatakbo para hindi tayo malate… -- Nieall
Sorry eto na nga eh... – Antoneth
Yes ang ganda ng moment ko.. nakayakap ako kay eal amoy na amoy ko ang pabango nya.. wow heaven.. eto ang best gift ever hahaha ^.^ haaaayyyy…
Ahem ahem.. baka maubos ang pabango ko nyan buti nalang pala dala ko yung pabango ko kasi baka naubos mo na sa pagsinghot. ^.^ – Nieall
Huh? O_O Andito na pala tayo?? Oy oy oy anung inaamoy hindi ah.. ang sakit kaya sa ilong yang pabango mo kundi lang ako natatakot mahulog hindi ako kakapit ng husto sayo noh.. >_<-- Antoneth
syempre palusot lang yun hahaha :)
Hindi nga?? >:) eh bakit hanggang ngayon nakayakap ka pa sakin huh? – Nieall
Nakakainis naman oh bakit kasi ang bilis nyang magpatakbo meron pa namang 10 mins bago mag start ang class eh… hmp…
Eh pano natrauma ako sa bilis ng pagpapatakbo mo… sya sya tara na nga at baka malate pa tayo… -- Antoneth
Parehas kami ng school na pinapasukan. Pero magkaiba kami ng course Engineering sya at ako naman ay Architecture…. super sikat sya sa school dahil sa pagiging matalino nya sya lang naman ang top 1 sa mga nag take ng scholarship sa school at ako????....ayun pangalawa lang kahit kailan hindi ko pa sya nagawang talunin.. simula noong pagkabata namin maski sa larong chess at karera ng bike lagi akong pangalawa sa kanya… pero gusto ko yun ^.^ kasi sya lagi ang taga pagtanggol ko sa mga nang aapi sa akin dahil……..
dahil ang gusto nya sya ang mang aapi sa akin. Nasanay na ako sa mga pang aapi at pag papaiyak nya sakin hanggang mahulog na ako sa kanya.. syempre secret lang yun hahaha..:)
HAPPY BIRTHDAY TONETH!!
Bungad ng mga classmate ko sakin..
Salamat ^.^ salamat sa pagbati :) -- Antoneth
Matapos nun ay tumungo na ako sa aking upuan… laging late ang prof namin dito dahil tinagurian na syang HOKAGE ng mga architecture students hehehe ansama namin no..
(HOKAGE: term namin yun sa mga prof na medyo may edad na at nag iingat ng maglakad.. yun bang 30 mins ka nang late pero maabutan mo pa syang umaakyat sa hagdanan… .V.. (^.^) .V.. peace ).
pero bago ako umupo may nakatawag sa akin ng pansin sa labas ng bintana...
( ' : ' ) --> ( ' ; ' )??? --> o_0
wahhhh anu yoooon???? --Antoneth
