CHAPTER 7

244 21 14
                                    

>>> Third Person's POV  >>>


" Yumi, esnatu (gising) . . . " sabi ni Amita sabay tapik sa pisngi ni Yumi.

Napabalikwas siya dahil narinig niyang umungol ang dalaga. Wari niya'y may napanaginipan itong hindi maganda. 

" Po ? " bulong na wika nito.

Nagtataka siya kung bakit mukhang may iniinda itong sakit. Kinapa niya ang noo nito at napagtantong napakainit ni Yumi.

" Anak, may sakit ka. Bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Dito ka muna at kukuha ako ng gamot mo," nag-aalalang sabi niya.

Tumango lang ang dalaga. Pagbalik niya ay pinainom kaagad niya si Yumi ng gamot na gawa sa katas ng mga halaman na maaaring makagamot sa ganitong sakit.

" Magiging maayos ka rin anak. Magpahinga ka na," malumanay na sabi niya sabay haplos sa buhok ni Yumi. 

" Mommy . . . " mahinang sambit nito habang nakapikit.

Inayos niya ang kumot nito at hinaplos ang mukha ng dalaga. Batid niyang nangungulila ito sa totoong ina. Alam niyang hindi madali ang dinaranas ngayon ni Yumi. Hanga siya sa katatagan na ipinapakita nito. Hiling lamang niya ay sana magiging maayos ang lahat kung hindi, may buhay na kailang ibuwis. At ito ang kinakatakutan niyang mangyari.

Natatakot siya na ito na ang simula. 

Nagising si Yumi sa sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana. Halos hindi niya maidilat ang mga mata at ang malala pa ay masakit ang kanyang buong katawan. May naririnig siyang mga yabag papalapit.

" Anak, may sakit ka parin hanggang ngayon," nag-aalalang sambit ni Amita habang kinapa ang noo niya.

" Inumin mo itong gamot," sabi nito sabay alalay sa kanya upang makainom ng gamot.

" Salamat po." 

Pinahiga siyang muli ni Amita at kinumutan. By her gestures, she reminded her of her mother. She missed her mom so much. Ang mommy kasi niya ang nag-aalaga sa kanya tuwing may sakit siya. Kahit busy sa business ang mommy niya pero hindi siya nito pinagpapalit sa trabaho. She really loved her mother for that.

" Anak, ngayon na pala ang araw na pupunta sa palasyo ang lahat ng mga pangkat. Hindi naman kita maaaring iwanan dito dahil may sakit ka. Mas kailangan mo ako," sabi ni Amita at bahagyang ngumiti sa kanya.

" Naku Amita, ayos lang po ako. Hindi naman po malala ang sakit ko kaya pumunta na po kayo. Sayang din po pag hindi kayo pumunta," pangungumbinsi niya.

" Mas mahalaga ka Yumi, para na rin kitang anak."

" Salamat po. Pero Amita kaya ko na po. Alam kong sabik na sabik si Ino na makabalik sa palasyo. Baka malungkot pa ang batang 'yon kapag hindi po kayo nakapunta," ngiting sambit niya.

 " O siya sige pero babalik din kami kaagad. Ihahanda ko muna ang pagkain at gamot mo dito sa loob ng kwarto para hindi ka na mahirapan pa. Magpahinga ka ng mabuti anak," sabi ni Amita na may halong pag-aalala.

" Salamat po." 

Nakaalis na sina Amita at Ino papuntang palasyo. Hahabol lang daw sila sa selebrasyon. Biglaan daw ang pag-uwi namin dito sa bahay dahil sa sakit ko kaya hindi sila nakasabay sa pangkat. Kaya pala pagmulat niya ay nasa kwarto na siya. 

Unexpected Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon