Chapter 14

114 11 1
                                    

Dedicated to:@Emo_Angel06
Thanks for reading my story ^_^

>>> Luno's POV >>>

Naitulos ako sa aking kinauupuan. Hindi ako makakilos na wari'y nakagapos ang aking katawan.
Naghinang ang aming mga mata. Nakahinga ako ng malalim nang mapatantong hindi sila iisa.
Mabuti at mali ang hinala ko.

Sabay kaming naghapunan. Habang abala sila sa pakikipag-usap ay lumilipad ang aking diwa. Kahit na sisihin ko ang aking sarili sa pagkawala ni Yumi ay wala paring mangyayari.

"Anak, hindi mo ba nagustuhan ang nakahandang pagkain?" Kapagnakay tanong ni Inang Reyna. Napansin siguro nitong wala akong gana.

"Hindi naman sa ganun Ina, medyo busog pa po ako," sagot ko at pilit na ngitian siya.

Natapos ang hapunan. Tatayo na sana ako upang bumalik sa silid nang biglang magsalita si Ama.

"Doon muna tayo sa silid-aklatan. May mahalagang bagay akong sasabihin," seryosong wika ni Ama at ramdam kong may masamang balita.

Pinahatid muna ni Azur ang kanyang mapapangasawa sa bahay nito. Ngayon ay nakaupo kami habang hindi mapakaling palakad-lakad si Ama.

"Ano po ang nais nyong sabihin Ama?" Hindi napagilang tanong ni Azur na bakas din sa mukha ang pagkabahala.

Napabuntong-hininga muna siya bago nagsalita.

"May malaking problema tayo. May nakalap na balita ang punong ministro na naghahanda  ang kabilang kaharian ng Kinura upang salakayin ang ating kaharian. Kailangan natin silang unahan bago pa man nila tayo salakayin," mahabang pahayag ni Ama.

Nakuyom ko ang aking mga palad. Ang Kinura ang matagal ng kalaban ng aming kaharian.

"Azur at Luno. Kayo ang inaatasan kong mamuno sa pagsalakay. Inaasahan kong hindi niyo ako bibiguin. Nakasalalay sa inyong pamumuno ang kapakanan ng ating kaharian. Limang araw mula ngayon ay sasalakayin niyo ang Kinura," dagdag ni Ama.

Napalingon ako kay Azur nang tapikin niya ako sa balikat.
Binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin sabay ngisi.
Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa mga titig niya.

>>>Third Person's POV >>>

Madaling araw pa lang at handa ang lahat sa paglalakbay.

"Mag-ingat kayo mga anak," maiyak-iyak na sambit ng Reyna sabay yakap kina Luno at Azur.

Lumapit din ang Mahal na Hari at tinapik ang balikat ng dalawa.

"Magtagumpay sana kayo mga anak.  Azur, ikaw ang nakakatandang kapatid kaya bantayan mong hindi mapapahamak si Luno," paalala nito.

"Makakaasa kayo Ama. Hindi namin bibiguin ang ating kaharian."

Tatlong araw bago nakarating sila sa Kinura. Mamayang hating gabi ang napagpasyahan nilang pagsalakay kung kailan namamahinga na ang karamihan sa mga taga-Kinura. Nakapwesto na ang sundalo basi sa kanilang taktika.

Nakakubli sila ngayon sa masukal na kagubatan at hinihintay ang paglalim ng gabi.

Nakasandal si Luno sa isang malaking bato. Nakatukod ang isang kamay niya sa kanyang tuhod habang may hawak namang kalasag sa kabila. Sa di-kalayuan ay nakatali naman si Makisig sa puno.

Umidlip muna si Luno. Maghahating-gabi na nang gisingin siya sa isa sa mga sundalo. Mabilis ang kilos niya at lumapit kay Makisig. Sumakay siya sa likod nito at hinanap si Azur. Nadatnan niya si Azur na kausap ang punong heneral.

Napalingon si Azur sa kanya. Yumuko naman ang punong heneral nang makita siya at lumakad palayo para bigyan sila ng oras.

"Luno, hindi natin magagamit ang ating kapangyarihan dito sa kanilang kaharian. Ikaw ang inaatasan kung humanap sa Bisunia, ang tinuturing nilang sagradong lugar sa loob ng palasyo. Kailangang masira ang  Bisunia dahil ito ang kumokontrol upang hindi magamit ang kapangyarihan ng taga-ibang kaharian.  Kami ng bahala sa iba," pahayag ni Azur at napatango siya.

Maingat na nagtungo ang hukbo sa palasyo na matatagpuan sa tutok ng bundok. Madilim ang buong paligid at ang tanging ilaw na makikita ay ang ilaw na nagmumula sa palasyo.

Mahigit liman-libo ang kanilang hukbo. Marami sila ngunit kailangan parin nilang mag-ingat dahil bukod sa mga taong sundalo na nakabantay sa palasyo ay may mga iba't-ibang uri ng halimaw ang nakapaligid.

Narating nila ang malaking  gate na may rebulto ng ulo ng dragon sa gitna. Upang makapasok sila, lima sa kanilang sundalo ang umakyat sa pader gamit ang lubid na may hook sa dulo. Inihagis nila ito sa loob at nang maayos na ay umakyat sila.

Dahan-dahan silang bumaba. Tulad ng inaasahan ay may nakabantay na apat na sundalo. Inilabas nila ang kanilang dalang espada. Dahil tulog ang mga ito kaya madali nilang napaslang ang mga nakabantay.

Binuksan nila ang malaking gate at nagsipasok ang hukbo. Pagpasok nila ay gayun na lamang ang kanilang pagkagulat nang salubungin sila ng mga arcus galing sa itaas.

Agad na sinalag ni Luno ang arcus gamit ang kalasag ngunit marami rin sa kanilang sundalo ang natamaan. Nakahandusay ang kanilang mga walang malay na katawan na may mga nakatusok na arcus.

Biglang nag-alab ang galit ni Luno.

"Sugooodd!!!" Sigaw niya sa hukbo sabay bunot sa espada at sinugod nila ang palasyo.

Umibis siya kay Makisig at sinugod ang isang halimaw na may malaking mga mata at matutulis na mga ngipin habang tumutulo pa ang laway nito na mukhang sabik siyang lapain.

Umatake ang halimaw at kaagad na umilag siya. Dahil likas siyang mabilis, pagkatalikod ng halimaw ay  ginamit niya ang espada at nahiwa ang katawan nito sa dalawa.

Tumakbo si Luno sa loob ng palasyo. Hindi niya alam kung nasaan si Azur ngayon. Hiling niya ay maayos ang lagay nito.

Hinanap niya ang Bisunia. Pagliko niya sa kaliwa ay nabigla siya nang may humampas sa kanyang ulo. Nawalan  siya ng malay.

Samantala, nakabalik sina Azur at ilan sa mga sundalo sa  Pirenia, ang kanilang kaharian. Sinalubong sila ng Mahal na Hari at Reyna.

Umiyak ang Reyna nang makitang hindi kasama ni Azur si Luno. Niyakap siya ng Hari at napahagulhol.

"P-atawad Ama, Ina. Wala na po si Luno. Napaslang siya ng halimaw at huli na nang dumating ako para tulungan siya," nagsisising wika ni Azur.

Hindi rin napigilan ng Mahal na Hari ang magpakawala ng emosyon at may kumawalang luha sa kanyang mga mata.

Nang nasa loob na si Azur sa kanyang silid ay nagtungo siya sa balkonahe. Tanaw niya ang kabuuan ng kaharian sa gitna ng gabing makulimlim.

"Ngayon, mapapasaakin na ang Pirenia," sambit ni Azur sabay halakhak.

Unexpected Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon