Magdadapit-hapon na nang makarating sila sa syudad ng Isabela. Dumiretso sila sa command base na nakatalaga doon sa AFP.
pagkapasok doon ay bumati lamang sila sa mga nakatataas sa kanila tapos ay tumungo na sila sa kani-kaniyang quarters na nakatalaga para sa kanila. Mamayang alas-siyete kasi ay babalik sila para sa isang handaan na magaganap sa isang function hall na meron sila sa loob ng base. Doon ay nakita rin ni Arrianne ay iba pang kababaihan na tulad niya na na-assign sa iba-ibang division. Malas lang niya dahil siya lamang ang nag-iisang babae na napunta sa hanay ni Sgt. Lex.
Lahat ng kababaihan doon ay busy sa pag-aayos sa susuotin nila mamaya sa magaganap na handaan.
Siya naman ay hindi pa alam ang susuotin mamaya. Wala naman kasi siyang kaide-ideya na may magaganap palang party. Akala niya puro bakbakan lang ang pupuntahan niya kaya hindi na siya nag-abala pang magdala ng formal dress niya.
Dahil wala naman siyang magawa ay naglibot muna siya sa labas para makalanghap ng sariwang hangin.
Nagulat nalang siya paglabas ay may nakasalubong siyang isang magandang babae na tantiya niya ay magkasing-edad lang sila. Medyo mahinhin ang babae at balisa na nagpabalik-balik sa labas ng pasilyo sa quarter nila na animo may hinihintay. Agad siyang nagka-ideya na baka isa sa mga kasamahan niya ay kakilala nito.
Nagulat rin ang babae nang makita siya. Parang may panlulumo sa mukha nito nang makita siya at mas lalo pang tumamlay. Gusto naman niyang maging friendly dahil wala pa naman siyang nakikilalang babae pagdating niya dito sa Basilan kaya minabuti niyang ngitian ito at tanungin kung may hinihintay ito sa mga kasamahan niya na nasa loob at nagpapahinga.
Magsasalita na sana siya nang marinig niya ang boses ni Gene sa kanyang likuran.
"Arrianne, sa'n ka pupunta? Hintayin mo ako."Agad siyang napalingon sa kanyang likuran at nakita nga niya si Gene na humahabol sa kanyang paglalakad habang inaayos pa nito sa pagkakasabit sa leeg ang hawak nitong camera. At nanibago rin siya rito dahil ito ang unang beses na tinawag siya sa pangalan nito.
Sasagot na sana siya pero naunahan rin siya ng babae na nasa harapan niya na magsalita.
"G-Gene?"medyo garalgal pa ang boses nito nang banggitin ang pangalan ng binata. Kita niya rin ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ni Gene nang mapagtanti kung sino ang tumawag sa kanya. So, ngayon alam niya kung sino ang hinahanap nito. Akala niya ay ngingitian at babatiin rin ito ng binata. Pero base sa ekspresyon ng mukha nito ay nasisigurado niyang hindi gusto ng binata ang presensya ng babae. Tila naguluhan siya ng mga sandaling iyon kaya minabuti niyang ngumiti nalang sa dalawa at nagpatiunang lumakad para maiwan sila. Subalit natigilan siya nang walang sabi-sabing hinaklit siya sa braso ni Gene at mabilis siyang isinama sa paglalakad nito palayo sa babae.
"Gene?"tila gulat niyang tanong dito.
"Sabi ko sayo, hintayin mo ako."malamig nitong tugon.
"Pero..."
"We need to get out of here." cold pa ring tugon nito sa mabilis na hakbang na napapasunod rin naman siya dahil hawak-hawak siya nito s braso. Sa boses nito ay alam niyang hindi maganda ang araw nito.
Sa mabilis nilang lakad ay hindi niya namalayan na nadala na pala siya nito sa isang plaza sa labas ng base nila.
Nais niyang magtanong kaya iyon ang ginawa niya nang makaupo na sila pareho sa bench at walang imik si Gene.
"Sino ba siya? Girlfriend mo?"walang gatol na tanong niya.
"She's nothing."
"Nothing?"tila kontra niya sa sagot nito. "How come she's nothing when you are so affected with her presence?" nakangiti at curious niyang tanong rito. Nakita niya ang pagtutol sa mukha nito. Naaliw rin siya sa pagtitig nito dahil sa pamumula ng tenga nito.
"Ngayon ko lang naisip na madaldal ka rin pala?"yamot na wika nito sa kanya.
"Nope. Tahimik naman ako. Curious nga lang. Ikaw kasi nagpapaka-mysterious."nakangiti niyang kausap sa binata o mas tamang sabihin tukso niya rito.
"Huwag ka ngang magsalita na akala mo rin hindi ka misteryoso. Alam ko magkatulad rin tayo."sagot naman sa kanya ni Gene. Tumawa siya rito.
"Bakit ka tumatawa?"inis nitong turan sa kanya.
"Wala. Ngayon lang kasi kita narinig na nagsalita ka ng matagal. At naaliw rin ako sa'yo kasi ang cute mong tingnan habang naiinis ka na pinag-uusapan natin ang babaeng iyon."
Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Gene. He's at loss of words for what she said to him.
"So, sino ba siya?"kulit pa rin niyang tanong rito.
"Wala nga. Huwag na natin siyang pag-usapan hindi naman siya importante."
"Okay. Madali lang naman akong kausap. Siya na lang ang tatanungin ko mamaya. Sigurado naman akong curious rin siya sa akin."walang gatol niyang sabi.
"How could you?!"duro siya nito na ikinatawa niya.
"Ang cute mo talagang tingnan, Gene. Lalo na pag naiinis ka."
"Sabi ngang huwag na natin siyang pag-usapan. Ba't ba ang kulit mo ngayon?"
"Eh, ba't sinama mo ako rito kaya hayan tuloy na-curious ako. Eh, malay ko ba baka pagbalik ko ngayon sa base i.sniper na ako ng babaeng iyon. Hindi ko pa naman siya kilala. Baka kabilang siya sa elite sniper ng sandatahan. Mabuti nang nag-iingat Gene. Ayoko pang mawala sa mundo. Hindi pa nga ako umaabot ng one month dito eh. Kaya importante sa akin na malaman kung sino siya." kulit niya pa rin sa binata.
"Don't worry. Wala naman siyang magagawa sa iyo. She's just a nobody that only knows how to annoy me."tugon naman nito s pagdadrama niya.
Nakangiting tumayo siya sa harapan ni Gene. Pinagmasdan at sinuri niya ang guwapong mukha ng binata. Talagang naaaliw siya rito.
"W-What?"tila inis na sumbat sa kanya ng binata.
"Napansin ko lang kasi panay ngayon ang English mo sa akin. Hindi ka naman ganyan sa base natin, ah. Is that your other side or lumalabas na ngayon sa bibig mo ang tunay na
BINABASA MO ANG
Private Arrianne
RomanceSi Arrianne, dahil sa pagrerebelde sa ama ay nahanap niya ang sarili sa pamamagitan ng pagpasok bilang sundalo. Dahil sa pride niya ay mas pinili niyang makisama sa bakbakan at doon nakilala niya si Sgt. Lex Jang ay half-Korean na sarhento nila na u...