Chapter Two
Nagulat si Sgt. Jang nang pagbalik niya mula sa loob ng kampo ay nakikita na niya si Arrianne na kasabayan na nang mga sundalong nagti-training.
Maya-maya ay narinig niya ang boses ni Cpl. Ken.
“O teka, ano ang nangyari sayo?” nagtatakang tanong ni Sgt. Jang dito. Nakahawak pa rin si Cpl. Ken sa sikmura nito at bahagya nitong hinihimas iyon.
“Ha? Ah, w-wala.” Kaila ni Ken. Alam niyang pagtatawanan siya nito kung ang pang-iisa niya kay private Arrianne ay siya ang nabiktima kaya minabuti na lang niyang itago rito ang katotohan. “M-masakit lang ang tiyan ko.”
“Kumusta na ang ipinagagawa ko sayo? Naturuan mo ba ng leksyon ang babaeng, iyon?” anitong nakatutok ang paningin sa direksiyon ni Arrianne.
“Ha, ah-oo. Ang totoo niyan, she’s a good student and a good learner as well. Kaya siguro hinayaan siyang mapunta dito.”
“Talaga?” anitong tiningnan sa mukha si Ken.
“Oo.”
“Kung gan’un mapapatunayan rin naman natin iyan sa mga susunod na araw.” Wika ni Sgt.Jang.
Palubog na naman ang araw sa dakong kanluran, tahimik na ang buong paligid dahil kasalukuyang namamahinga ang katatapos lang na ensayo ng mga sundalo lalo na sa mga private na katulad niya. Nakaupo si Arrianne sa lilim ng puno habang nagpapahinga. Mamaya na lang siya magpapalit ng putikan niyang damit kapag tapos na ang mga lalaking iyon sa pagpaligo.
“So, kumusta ang training mo? Maayos ba?”Napalingon si Arrianne sa pinanggalingan ng boses.
“Ha?”bigla siyang napatayo nang malamang ang sergeant pala nila ang nagsasalita sabay saludo rito.”Kayo po pala, sir?”
Napangiti ang sarhento sa naging reaksiyon ni Arrianne. Nakakatuwa pala itong pagmasdan lalo na kapag nagulat mo mula sa malalim na pag-iisip. Samantalang si Arrianne ay bigla namang na-conscious sa itsura niya. Eh, paano ka ba hindi mako-conscious kung ganitong kagandang tao ang kaharap mo tapos ikaw ay puno ng putik sa katawan. Napansin kaagad niyang kaiba ito sa lahat. Base pa lang sa kutis ng balat nito at singkit na mga mata ay alam niyang may lahi nga itong banyaga. Sa pagkaalala niya ay Sgt. Lex Jang ang pangalan nito na binanggit sa kanya ni Major dela Cerna bago nga siya tumulak dito sa Brgy. Cambug.
“I’m sorry kung nagulat kita. I know it’s your first duty kaya alam kong nag-aadjust ka pa lang sa mga kasamahan mo. At kung minsan ay hindi rin mawawala ang kaba sa dibdib.” Sinenyasan nito si Arrianne na maupo nang muli and she did. Naupo sa katabing tuod ng kahoy ang sarhento. “That’s the very same feeling I felt, the day that I entered here for my first duty. And also the same feeling when I went on the field fighting the enemies.” Bahagyang narinig ni Arrianne ang mahinang pagtawa nito habang nakatuon ang paningin ng binata sa kawalan. “Akala ko nga ay mamamatay na ako noong unang sabak ko sa misyon. Pero heto buhay pa rin ako. Still breathing.” Anitong nilingon si Arrianne na nahuli niyang nakatitig sa kanya. Agad na nagyuko ng ulo ang dalaga. Maya-maya ay naramdaman ni Arrianne ang pagtayo ng lalaki. “Just do your best Private Mendez. I know you can do it.”Tinapik nito ang balikat niya bago tuluyan siya nitong iniwan.
‘Gaga, ka talaga Arrianne, dapat hindi mo ‘yon ginawa. Bakit mo pa kasi siya tiningnan.’ Ngali-ngaling sabunutan ni Arrianne ang sarili niya. Pero paano ba niya pipigilan ang sariling tingnan ito gayung bigla-bigla na lang siya nitong kinausap and gave her inspiring words. Ano na lang kaya ang iisipan ng lalaking iyon sa kanya? Iisipin kaya nitong that she is attracted to him? That she’s attracted for his gentle smile?
“Ah... nakakainis!” naisatinig niya.
“Sir, gumagabi na po. Saan niyo balak na patulugin si Private Mendez? Siguro naman po ay hindi niyo siya isasama sa mga barakong iyon?” ang tinutukoy nito ay ang mga kasamahan nilang sundalo sa Tiger’s Squad.
BINABASA MO ANG
Private Arrianne
RomanceSi Arrianne, dahil sa pagrerebelde sa ama ay nahanap niya ang sarili sa pamamagitan ng pagpasok bilang sundalo. Dahil sa pride niya ay mas pinili niyang makisama sa bakbakan at doon nakilala niya si Sgt. Lex Jang ay half-Korean na sarhento nila na u...