Chapter One

33 0 0
                                    

Chapter One

     Sa dakong kanluran ay nagsisimula nang lumubog ang araw. Isang

 napakagandang tanawin na nais masaksihan ng lahat. Ang asul na

karagatan at ang mga berdeng kabundukan ay hindi pa nasasaling ng makabagong teknolohiya. Ang lugar na iyon ay isang perpektong paraiso kung nanaisin subalit kabaligtaran ang lahat ng nakikita ng mga mata ni Arrianne sa dahilan ng kanyang pagparito. Isa iyong tahimik na dapit-hapon ngunit alam niyang hindi kasiyahan at kaginhawahan ang nasa likod ng katahimikang iyon kundi mga pangamba at takot  na maaaring anumang oras ay sumiklab na naman ang kaguluhan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde.

    “Private 1st Class Arrianne  Mendez?”, napalingon  si Arrianne nang marinig niya ang kanyang  pangalan. Humarap siya at inayos ang pagkakatayo at sumaludo.

“Sir! Yes, sir?”         

“Sumunod ka sa akin sa base.”wika nito. Isa itong malaking mama at sa aura ay talagang susundin mo ang lahat ng  ipag-uutos nito kung ayaw mong lumipad sa ere. Tumalima naman agad siya sa ipinag-uutos.

Sa isang katamtamang opisina ng base siya dinala nito. Hindi man iyon gaanong karangya ay presentable rin naman. Umupo ang ginoo sa isang lumang swivel chair ngunit maayos pa rin naman. Kinamayan siya nito pagkaupo.

“I’m Major Arthur dela Cerna at  ako pansamantala ang humahawak  sa  base na ito dito sa Basilan. So you are a fresh graduate from PMA?” tanong nito na sinuri siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot  siya  ng kanyang Camouflage  kapares ang kanyang combat  shoes  na gamit pa niya habang nag-aaral sa PMA.

“Private Mendez, alam mo ba talaga kung ano ang pinapasok mo?”

“Alam ko po sir!”, matigas niyang sagot dito.

“Sana buo na nga  iyang desisyon mo dahil pag naroon ka na ay wala na talagang atrasan ‘to? Bakit ba kasi gusto mo pang ma-assign on the field.  Eh, pwede ka namang sa opisina na lang?” nagtatakang tanong nito sa kanya na sa pagkatataong iyon ay sinusuri naman ang kanyang records.

“Hindi ko po matatawag na tunay nga akong sundalo, kung hindi ko po mararanasan ang makipaglaban sa mga kalaban ng gobyerno natin.”

“Sige, kung iyon nga ang gusto mo wala na akong magagawa. Good luck na lang sa iyo. Bukas pumunta ka sa Brgy. Cambug  ng  ika-114th command  division, platoon one code name  Tigers squad. Ipahahatid na lang kita bukas doon para hindi ka na mahirapan pang maghanap.”

“Maraming salamat po sir.”, aniyang muling sumaludo at  tumalikod na dito.

“Hoy, gising, gising na kayo! Alas-sais na ng umaga! Malilintikan na naman tayo ng tigreng sergeant natin.”

“Ha? Naku patay, bakit ngayon mo lang kami ginising , Gene? Ang tanghali na.” Anitong napalundag mula sa double deck na katre.

“Kasalanan ko pa! Pwede ba sa susunod wag na kayong magpagising, lalo ka na , Allen. Ang hirap mong gisingin tapos ikaw pa ang may ganang magreklamo.” Inaayos nito ang higaan habang nagsesermon sa kasamahang corporal.

 Nagising na lahat ang mga sundalo sa silid  na iyon at isa-isa ng nagpapalit ng damit. Lahat ay nagmamadali dahil kung hindi ay sa putikan silang lahat pupulutin at mauunsiyami pa ang simpleng agahan nila na kanin at tuyo lamang. Hay, buhay talaga ng sundalo.

Isa-isa ng nakahanay ng maayos ang  mga sundalong ito sa labas ng kanilang kampo hinihintay ang kanilang team captain na  si Seargent  Jang.

Tahimik ang lahat at seryoso  habang naroon na ito sa kanilang harap at isa-isang tinawag ang kanilang pangalan.

Private ArrianneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon