Chapter Three
Nagtaka man ay ‘di na siya nakapagtanong pa. Diretso siyang lumabas ng silid habang nagtatanong sa sarili.
Matapos ang bayanihan na ginawa ng mga sundalo ang bumalik na sila sa detachment para mananghalian. Hindi pa naman pagod si Arrianne at wala siyang magawa kaya tumulong siya sa kusinerong sundalo na tumulong sa paghahanda ng kakainin sila. Habang naglilibot sila kanina sa barangay at hanggang sa makabalik sila ng detachment ay napansin niyang wala roon ang presensiya ng kanilang sergeant. ‘Saan kaya nagpunta ang mokong na ‘yon?’, naitanong niya sa sarili at dahil sa pag-iisip niya rito ay nakalimutan niyang napupuno na pala ng sabaw ang hinahain niyang mangkok ng tinolang manok. Napaaray tuloy siya at tamang-tama na si Cpl. Allen pa ang nasa harapan niya. Nakangiti ang mokong, pinagtatawanan yata siya nito. Agad naman siyang dinaluhan nito nang makitang namumula ang kamay na napaso. Walang atubiling hinawakan ang kanyang kamay.
“Ayos ka lang ba Private?”, may pag-alala pang tanong nito.
Agad namang naningkit ang mga mata ni Arrianne, ano’ng bang akala nito sa kanya, batang paslit na iiyak agad sa kaunting paso lang. At ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong hinahawakan siya ng lalaki, lalo pa at hindi niya type ang ugali nito.
“Ayos, lang ako corporal.No need to worry too much.” May diin niyang sabi rito nang hilahin ang kamay na hawak ng lalaki. ‘Nakakainis!’ kung pwede lang manuntok ay ginawa na niya iyon. Kahit na napahiya niya ang lalaki sa sinabi niya ay kuntodo ngiti pa rin ito sa kanya.
“Heto na ang ulam mo, Corporal”, aniyang inabot dito ang mangkok ng tinolang manok. Masarap ang ulam nila ngayon kasi binigyan sila ng mga taga-barangay ng native na manok bilang pasalamat sa ginawa nila kanina. At iyon ang kinatay nila para sa kanilang tanghalian.
“Salamat ng marami, Arrianne, right?” sambit ni Allen sa pangalan niya. Bago pa siya makasagot ay nakatalikod na ang mokong na iniwanan pa siya ng kindat. Lalo naman siyang nag-usok sa galit. Pinipigil-pigilan niya lang. Kung bakit ba kasi pumasok-pasok pa sa kanyang isipan ang sergeant na iyon tuloy nasira ang araw niya.
“Private, wait!”, napalingon si Arrianne. Papasok siya sa kanilang quarters para magpalit sana ng damit. Katatapos lang ng kanilang tanghalian ng mga oras na iyon. Nalingunan ni Arrianne si Cpl. Ken.
“Bakit?”
“May gagawin ka?” tanong nito.
“Of, course meron. Magpapalit lang ako ng damit.”
“Sige, hihintayin na lang kita sa labas.” Tumalikod na agad ito pagkasabi kaya hindi na nakapagtanungan si Arrianne kung ano ang kailangan nito.
Paglabas nga ni Arrianne mula sa quarter’s ay nadatnan niya si Ken sa labas na nakaupo sa kahoy na bangko. Agad itong tumayo nang makita siya.
“Heto, maupo ka.” Pinaupo nga siya nito sa bangko at sumunod din naman itong naupo. Noon niya lang napansin na may medicine kit pala sa kabila pang bangko. Kinuha nito ang kanyang kamay na hindi naman niya tinutulan.
“Kailangan magamot, ang paso mo kung ayaw mong pumangit ang iyong balat.” Wika nito sa kanya. Nilagyan nito ng ointment ang parte ng kanyang kamay na napaso ng sabaw.
“Ano ba ang alam mo sa panggagamot?”tanong ni Arrianne na sinipat ang mukha nito. Napaangat naman ang mukha ni Ken saka ngumiti.
“Kung hindi mo naitatanong ako yata ang pinakamagaling na medic sa Division na ito. My name is Corporal Ken Asuncion the greatest medic in the 114th Division Platoon 1 of Tiger’s Squad, reporting on duty, Ma’am!” anitong nakangiting sumaludo pa sa kanya. Natawa tuloy siya sa ginawa nito. Unang kita palang niya kasi rito, akala niya ay hindi ito marunong magbiro, pero ito yata ang kauna-unahang taong nakapagpangiti sa kanya at nakapagpatawa sa kanya dito sa Basilan.
BINABASA MO ANG
Private Arrianne
RomanceSi Arrianne, dahil sa pagrerebelde sa ama ay nahanap niya ang sarili sa pamamagitan ng pagpasok bilang sundalo. Dahil sa pride niya ay mas pinili niyang makisama sa bakbakan at doon nakilala niya si Sgt. Lex Jang ay half-Korean na sarhento nila na u...