Chapter 5 - The Unexpected Place

55 3 0
                                    

Chapter 5 - The Unexpected Place

Shane's POV 

Tapos na ang 10:30-12:00 na klase ko kaya naglakad na ako papuntang canteen. Gutom na rin ako eh. 

Teka, nasaan ba ang canteen dito?

Maghahanap na lang siguro ako. Tutal , malakas naman ang sense of smell ko. 

Singhot.

Singhot.

Singhot.

Ayan! Nahanap ko na! Doon!  At agad akong pumunta sa canteen. Sa labas ng building may nakasulat  sa malalaking letra, UCAFE. Naku! Baka hindi ito yong canteen. Kasi sa pagkakaalam ko, ang salitang cafe ay kape. Inenglish lang, coffee tapos pinaikli,  ginawang cafe. Tama ba? O baka yung nakita ko sa daan kanina, intenet cafe. Baka computers lang laman nyan.

Makakain ko ba yun?

Hay , magmamasid na lang ako. Uupo muna ako dito.

Ayun. May kagat-kagat na tutpik ang lalaki. Galing siya sa loob. Yun pa! May dalang juice ang babae. Tama nga ang sense of smell ko, canteen nga yun.

Pumasok ako sa loob. Wow lang. Nakakamangha. Ang daming chandeliers. Alam ko kung ano ang chandelier kasi sinabi sakin ni Ja kung ano yun nung pumasok kami sa bahay ni Nathan. Meron din kasi sa bahay ni Nathan. Malamang. Mansion eh. At dahil maganda ang lugar na ito, siguro masasarap din ang pagkain dito.  =______=

May nakapila dun sa kabilang banda kaya pumila din ako. P20 lang ang budget ko. Okay na yun no. May baon naman akong kanin. Nung turno ko na, tinanong nung babae kung anong order ko. 

"Ano bang ulam nyo na may sabaw?"

"Maam, we have here ajiaco. If you want maam."

Wew, englisera pa la ang mga nagtatarabaho dito. Pero teka, ano ang sabi nya? Chico?

"A-ano? A chico? Paano naman magkakasabaw yun eh eh chico yun. Prutas."

"Maam, hindi po chico. Sabi ko po ajiaco. It is a chicken soup po from Columbia."

Ah, Columbia?  Ang layo naman. Buti pa ang pagkain, nakakapagtravel.

"Ah, ipakilala mo na lang sa akin yung mga pagkaing yan."

Tapos tinuro ko yung mga ulam doon na may sabaw.

"This is the famous cock-a-lekie, it's ingredients are Leek and potato soup made with chicken stock, from Scotland."

Tapos tinuro nya naman ang isa.

"If you are a vegeterian you can eat this. This is minestrone. An Italian vegatable soup with noodles."

"Ah, kasi, wala talaga akong alam sa mga ulam niyo eh."

"Maam, you can also try this one."

Sabay turo sa isa. Pamilyar yung pagkain na yun kasi parang nakita ko na yan na kinakain ng mga  Kpop idols ko. 

"Ano ba yan?"

"It's called kimchi-guk. It is a Korean kimchi soup."

Ayun pala. Nasabi nya ang magic word. 

"Sige, yan na lang. Ah, teka, may libreng sabaw ba kayo ng tinola, o ng gulay man lang?"

"Wala po kami niyan."

"Eh, dinuguan? Bola-bola? Pancit? Talong? Paksiw? Bagoong? Hipon? Wala ba?"

LOVE COMES UNEXPECTEDLY (ON-GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon