Chapter 2 - The Unexpected Friend

80 3 0
                                    

Chapter 2 - The Unexpected Friend 

Shane's POV

 "Welcome to Manila!"

 Si Nathan, habang dala-dala ang ibang gamit namin. Gwapo talaga nitong kaibigan ko. Di ko maitatanggi yan. Mag-isa lang siyang anak nina Tita Merly at Tito Ronald. Namiss ko na rin tong kasama, grade 6  pa lang kasi kami nang pumunta siya sa Manila at doon na nag-aral kasama ang pamilya niya. Pero kahit malayo kaming magkakaibigan, namaintain pa rin  namin ang friendship namin. Nakakatuwa nga eh.

 "Shane, anong iniisip mo?"  

 Ah, si Nathan, nasa harapan ko na pala. Di ko man lang namalayan.

"W-wala. Nag-aalala lang ako kung magiging okay si inay at si  Niko kung wala ako. Namimiss ko na rin sila."    

Nasabi ko na lang sa malungkot na tono.

"BEST ! Wag ka na kasing malungkot. Isipin na rin nating, para sa pamilya natin ang ginagawa natin ngayon."  

Si Ja talaga. Kahit  napaka echusera at napakaingay niya, alam niya kung paano ako pakalmahin. Masaya na rin ako at sumama siya. Maykaya naman ang pamilya niya eh. Meron silang pharmacy sa Cebu. Kaya niya namang mag-aral doon. Pero dahil true friend siya, sinamahan niya ako dito. Dito rin siya mag-aaral. Saya noh? Swerte ko sa mga kaibigan ko. Di dahil mayayaman sila, sadyang mababait lang sila. Mahalaga sila sa akin. Di ko lang masyadong na shoshow. Lam ko naman nararamdaman din nila yon. Hay! Nubayan !  Ako na ang nag-eemote! Di bagay.

"OO nga. wag kang malungkot. I'm sure matutuwa ka rito."

Si Nathan , bait nya talaga.

Bumiyahe lang kami ng mga ..ahm..di ko alam, nakatulog kasi ako. Gabi na  nang makarating kami sa bahay nila Nathan.  Wala ang parents niya, nasa America.May business daw . Binuksan nung guard ang napakalaking gate. Pagkapasok namin, O________________________O , ganito ang naging reaksyon namin .

Ang laki ng bahay!

Ito ata ang tinatawag sa mga pelikula na mansyon! Di ako sure, wala kasi kami nito. "_"

Nakakaawa ba?

Hindi. Sobrang nakakaawa lang.

Inayos ko  na ang mga gamit ko sa 'kwarto' ko daw. At tulad kanina, lumuwa na naman ang eyeballs ko sa pagkamangha.

Exaggerated bah?

Pero ganun kasi talaga ang nangyari. Ano kayang ginagawa ni Ja ngayon? Puntahan ko kaya? Nakakatamad naman, pagod ako sa biyahe eh. KInuha ko ang family picture namin. Kompleto pa kami  dito. Nakaupo kami ni inay , nasa likuran namin  si itay habang binubuhat niya si  Niko. Bakas sa mga mukha namin ang kasiyahan. *sigh .

Nakakamiss talaga.

Di ko namalayan, nakatulog na pala ako habang nakahawak sa picture.

"Good morning Best !" ^________^

Talaga tong si Ja,ang high high. Baka nakadrugs na talaga to eh. Hehe. Sanay naman ako sa kanya eh.

Nakakahawa din ang energy nya.

"Oh." 

Tanging nasambit ko. Sungit ba? Di, inaantok lang ako. Maaga kasi kaming ginising ni  yaya Dolores.

Yes, Yumayaya na rin ako.   ^_*

Di ako sanay. Aling Dolores na lang itatatawag ko sa kanya. Pangyaya rin naman ang standard ko. hehe. Ang sakit lang. Pero totoo.

LOVE COMES UNEXPECTEDLY (ON-GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon