Chapter 3 - The Unexpected Heartache

59 3 0
                                    

 Chapter 3 - The Unexpected Heartache

Shane's POV

Nakarating ako nang school 7:50 na.  

Nahihiya na akong pumasok kaya aabsent na lang ako sa una kong subject, Study and thinking Skills. Ano kayang matututunan ko sa subject na yan?

Siguro..

wala, slow  nga ako eh.

Saan ba ako pupunta ngayon? Hayss.., kakalungkot naman.

Nasaan na ba kasi si Ja at Nathan?

Hindi ko pa naman alam ang pasikot-sikot sa school na to eh. Sobrang laki lang talaga. Saan ba ako pupunta? huhuhu. Hahanapin ko na lang ang room ko para sa susunod na subject.

Naglalakad ako sa may hallway nang may narinig akong nag-uusap...

"Please naman oh. You can still dance  even if we're together eh. Hindi mo kailangan makipag break sa akin."  

Boses ng isang lalaki. Ano kayang nangyari? Sige na nga, di ko na mapigilan ang makichismis. 

LAPIT. LAPIT. LAPIT.

At nakita ko na sila. May glass kasi ang door sa gilid eh kaya makikita talaga kung ano o kung sino ang nasa loob. Ang lalaki ay nakaupo at nakaharap sa board. Ang babae naman ay nakatayo malapit sa lalaki pero nakatalikod siya dito. Kuha nyo ? Ang weird din nila kung mag-usap no? Nakatalikod talaga sa isa't isa.

"You know ballet is very important to me, I can't give it up. Magagalit si coach if she will know that I am committed to someone. I don't want to disappoint my coach and my family. Alam nilang I'm practicing hard because I want to be famous someday."

   Babae naman ngayon ang nagsalita. Malamang hindi lalaki. Ano to? Lalaki sa lalaki? Aish. Ano na naman ba ang pinag-iisip ko?

"Famous ka na naman eh."

"Nah, only here in the Philippines. I want to be famous all over the world. T o achieve that, I  need to focus on one thing , and that is only ballet."      

"So, you don't have any plan of changing your decision? Kasi ako, I'm willing to wait."

"Please, don't wait for me. Wala kang makukuha sa akin. Sige, I have to go. May practice pa ako eh."

"Natasha. Please.."    

WOW LANG. Nagmamakaawa talaga ang lalaki hah. Mahal na mahal niya talaga siguro tong girl. 

"Bye."      

Ace Kristoff's POV

 Ring ! Ring ! Cellphone ko, nagriring. Halata naman eh. Nasa music room ako ngayon. Mag-isa. Mabuti ng ganito, nakakapahinga ako ng walang ingay. Baka macurious kayo kung ba't nasa music room ako . Narito ako dahil leader ako ng isang band . BLUE ISLAND ang name ng band namin.   Apat kaming miyembro.

Si James Kent Garciano, siya ang drummer namin at ang pinakabata. He's only 16. The rest is 17. Siya rin ang clown sa band. Kyut daw siya, sabi niya.

Si Renz Marquez naman ang bassist  namin. Mahilig yan sa mga chicks. Tulad ni James, sabi niya gwapo din siya. =_=   Mahahangin talaga.

Danielle Yoo naman ang name ng guitarist at sub-vocalist namin. Half Korean siya , kaya Yoo. Sige, aaminin ko, mabait yan. Kaya marami ding nagkakagusto sa kanya.

Ace Kristoff Atkins ang full name ko. Ang leader, vocalist at guitarist ng band. American ang dad ko , on the other hand,  Korean/Filipino naman ang mom ko. Parents ko nasa U.S. at feeling ko , wala na silang planong bumalik dito sa Philippines.

LOVE COMES UNEXPECTEDLY (ON-GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon