Chapter 7 - The Unexpected Treat

64 3 0
                                    

Chapter 6 - The Unexpected Treat

Shane's POV

Sabado na!

At walang pasok! Yes! Yes! 

Bakit ako sobrang natutuwa? Eh, kasi naman, magmula ng maging isang julalay ako, hindi na naging tahimik ang buhay ko. Utos dito, utos doon ang drama ng halimaw na si Ace. Ang masaklap pa, magkaklase pa kami sa tatlong subjects . Magkaplatoon naman kami sa NSTP. 

Diyos ko po. Ano po bang kasalanan ang nagawa ko? Mabait naman po ako ah. Ah, mabait ng konti. Ah sige, mabait minsan.  =_____=

Nagdali-dali akong maligo dahil aalis ako ngayon. Alam niyo kung bakit? May aso si Nathan. Wushu ang pangalan. Kung hindi siya gagalaw, para siyang stuffed toy. Cute nga siya eh. Eh, anong konek sa pag-alis ko ngayon? Ayun nga. Nagkasakit si Wushu. Sumusuka. Nakita ko kasing sobrang lungkot ni Nathan, kaya naisipan kong bumili na lang ng gamot. May gamot naman siya , pero parang di tumatalab. Kaya aalis ako ngayon.

Tahimik akong lumabas ng bahay para naman di nila mahalata na aalis ako. Ah, kami pala. Sinama ko kasi si Wushu.  Alam ko kung saan bibili ng gamot dahil nakabili na kami ng gamot nung isang araw. Sumakay kami ng tricycle at bumaba na sa sakayan ng jeep. Alam ko kung saan sasakay kaya walang problema.

At nakarating na kami sa isang veterinary clinic. Ay anubayan. Ang hirap naman sabihin ng salitang veterinary.

"Good morning maam. Ano pong kailangan ninyo?"

Bati ng isang babae. 

"Ah, meron po ba kayong gamot sa pagsusuka ng aso?"

"Napacheck-up niyo na po ba siya ?"

"Hindi pa eh. Bakit , kailangan ba ang check-up?"

"Opo maam. Para malaman natin kung anong gamot ang ibibigay."

Naalala kung tapos ng magpacheck-up si Wushu. Kaya lang hindi ko alam ang gamot niya eh. Wala namang mawawala kung magpapacheck-up siya ulit, di bah?

"Oh, sige."

Umupo ako sa isang silya sa gilid habang karga-karga si Wushu. Marami kasing nagpapacheck-up ngayon kaya kailangan munang maghintay. Naaliw ako sa iba't ibang mukha ng mga hayop na nakikita ko. Meron pa lang aso na halos buto't balat ang itsura. Meron ding parang fetus. Yung iba sobrang cute, gaya ni Wushu. Naalala ko ang kalagayan ni Wushu kaya kakamustahin ko muna siya.

"Wushu! Musta na? Wala bang masakit sayo?"

Naghintay ako ng sagot. At walang sagot.  Ang bopols ko talaga. Eh, paano sasagot si Wushu kung di naman siya nakakapagsalita? Naku! Ang gulo ko! 

"Wushu , mag aw aw ka naman. Sige na."

"Hindi mo yan mauutusan."

Si Minhyun., este Danielle. Ba't nandito siya?

"Minhyun, ikaw pala. May sakit din ang alaga mo?"

Sabay tingin sa aso niya. Lumaki ang mata ko sa gulat. May ganito pa lang klase ng aso? Eh kasi yung aso niya parang laruan na nilagyan ng maraming balahibo sa buong katawan. Basta yung kakaiba.

"Shocked?"

"Ah, hindi. Kasi, ba't ganyan ang aso mo? Parang may suot na sapatos? Ibig kong sabihin, parang laruan lang."

"HAHAHA."

At tumawa siya. Ang saya niya.

"Hindi ito sapatos. At lalong hindi laruan. Ganito kasi ang uri niya. Poddle ang breed nya."

LOVE COMES UNEXPECTEDLY (ON-GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon