Dorian"Please. Please. Patawarin mo na ako."
Ang sama lang ng tingin niya kay Berett habang nakatayo ito sa labas ng condo niya. Hindi niya pinapapasok ang kaibigan dahil hanggang ngayon ay mainit pa ang ulo niya dito dahil sa eskandalong nangyari sa kanila.
"Some other time. We can talk some other time." Malamig na tugon niya dito.
"Dorian naman. Huwag ka ng magalit sa akin. Alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko at ikaw lang ang mahihingan ko ng tulong. You saw the guy. Aaron. 'Di ba? He was stalking me. Mabuti na nga lang at nakapag-file na ako ng kaso at hindi na siya puwedeng lumapit sa akin. But what you did. You helped me. You rescued me." Naiiyak na ang hitsura nito sa harap.
Nanatili siyang nakatayo sa pinto ng condo niya para mahalata nito na wala talaga siyang intensiyon na papasukin ito sa loob.
"Can you please let me in? Dito lang ba tayo mag-uusap? At least hear my explanation." Pakiusap pa nito.
Napahinga na lang siya ng malalim at inis na umalis doon at tinalikuran ang kaibigan. Tuloy-tuloy na itong pumasok at ito na ang nagsarado ng pinto.
"Look, it was not my intention to ruin your date. Dorian, magkaibigan tayo. Alam mo naman iyon. I know I did terrible things to you. Nagpapapansin ako sa iyo. But what happened last time, hindi ko gustong sirain ang moment mo. Wala lang talaga akong matakbuhan. I cannot ask help from my father. At least ikaw, alam kong hindi mo ako matitiis," napakagat-labi pa si Berett at parang makahiya na hiyang-hiya sa harap niya.
Napailing na lang siya. Magalit man siya dito alam niyang wala din namang mangyayari. Hindi na rin naman maibabalik at maaayos ang nangyari noong nakaraan. Amere still hates him. She doesn't want to talk to him. People also think that he was gay.
"I promise hinding-hindi ko na uulitin. And I'll make it up to you. I booked a hotel room for you. Para mag-unwind ka. I mean, I paid for everything. Magpa-spa ka. Kumuha ka ng babae. Do whatever you want. Basta patawarin mo lang ako," lumabi pa ito ng parang bata sa kanya sabay abot ng isang sobre.
Sinamaan niya ito ng tingin at kinuha ang sobre na iyon. Binuksan niya at nakita niyang reservation details iyon sa hotel suite na pina-book nito para sa kanya.
"I don't need this. Okay na ako dito sa unit ko," ibinabalik niya dito ang papel.
"Dorian naman," napapadyak na parang bata si Berett. "Ganyan katindi ba ang galit mo sa akin? Hindi mo na ako mapapatawad? Tell me what's the name of the girl and I'll talk to her. I'll explain everything."
Umiling siya. "No need. She hates me anyway. Just like before," napahinga siya ng malalim at pabagsak na nahiga sa couch niya. Pumikit siya at nalungkot nang maalala na hindi sinasagot ni Amere ang mga tawag niya. Ayaw nitong pakinggan ang paliwanag niya.
"Kaya patawarin mo na ako. See? Iniwan ka na ng girl na gusto mo tapos mamumukmok kang mag-isa. I'm your friend. Dadamayan kitang magmukmok." Ngumiti ng pilit sa kanya si Berett.
"Okay na iyon. Nangyari na. Forget about it." Napabuga siya ng hangin at bumangon. Muli ay nasa harapan niya si Berett at ibinibigay nito ang sobre sa kanya.
"Take this. Please. This is for you. Talagang nako-konsensiya ako sa nagawa ko. Please use this para naman alam kong pinapatawad mo na ako." Pilit niyang iniaabot sa akin ang sobre na hawak.
BINABASA MO ANG
BAD DATE | Bad Series 4 (complete)
RomanceTo save face from a total embarrassment after she made a scene in their university, Amere Tamayo decided to date the guy that her friends kept on telling her to see. Dorian Ambrocio. A bad date that ended up in a one-night stand. After six years o...